Rox Wilford
She was sleeping peacefully in my arms. Ang sarap niyang tingnan habang natutulog. I still can't believe na andito na siya sa piling ko. Before she just happens to be in my dreams. Tiningnan siya sa malayo and now abot kamay ko nalang siya.
Ngayon di parin ako makapaniwala na ganito na kami. That I can talk to her anytime na walang boundaries, walang takot and just being open to each other's feelings. I can touch her for my own satisfaction. I can be vulnerable and just be myself in front of her.
I know what I have been doing is wrong, ginamit ko ang kakayahan ko para mapasaakin siya. And she was worth it, worth the pain and to have sin with.
I was never a man na nanlamang sa iba. I'm a fair man I believe, but for her kaya kong gawin ang mali, manlamang if it's means getting what I want.
Ngayon lang ako nagkaganito at gusto ko munang pagbigyan ang sarili na namnamin ang kasayahang hatid ng pag-ibig na ito. I know I loved her for real. That I can confirm.
First time I saw her, iba na ang naramdaman ko. It wasn't a lust like I usually hook up with girls to satisfy myself. But a deep appreciation and admiration for a woman with deep emotion along with it.
Naniniwala ako na she meant for me. Somehow I was looking forward to this kind of feeling, kahit noong di ko pa sya nakikita. Alam ko a kind of her will come into my life sooner or later, kaya di ako nagmamadaling mag-asawang muli.
I wanted to get married again for the right woman and for the right reasons. The last one was a mistake, napipilitan akong magpakasal dahil sa inaakalang obligasyon. Ginamit niya ang aking emosyon para makuha ang kagustuhan.
And now I'm committing myself again for the right reasons and maybe not in an honorable way but still a good intention.
Somehow Dad's words always stick to my head that one day i'll find someone that can be my equal, somebody that makes me feel better and satisfied as a man and i know I find that qualities already in her.
"You are worthy of all of my effort babe, I know you are. My waiting is all worth it;" sambit ko sa kanya while sleeping. I can't help to give light kisses on her checks.
"I feel like being a fulfilled man whenever you are around. Maswerte ako to have you, yun ang tingin ko. If one day, masaktan man ako for gambling to this feeling and for choosing you, it's okay at least I felt this kind of love and emotion once in a lifetime."
"Mali man, it's okay at least I have given a chance to be with you at napadama ko ang damdamin sayo. I am not living with the what if's coz I tried my chance. You are worth the risk, pati na sa sarili kong damdamin."
"I know what I had felt for you is pure love. At ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko. I thought I had love before but I was wrong. This is the right one coz I'm willing to sacrifice and risk what I have got for you. You are my real love."
"Naging madali sa akin ang lahat ng bagay simula ng dumating ka sa buhay ko. I am full of life kahit noong di pa kita nakasama. Para akong teenager na kinikilig sa isang sulyap mo lang at nasasaktan kapag di mo pinapansin."
"Dad is right. Time will come that the right person will come to you. Possible na dadaan lang sa buhay mo or to stay, regardless of the circumstance, that person will have a big impact on your life. It might be at the right time or at the wrong time. And here you are knocking into my life.
"Aalagaan kita sa abot ng aking makakaya. Mamahalin kita palihim man at patago pero ipapakita ko sayo ang tunay kong naramdaman even if you can't reciprocate it."
"I will hold the chance na habang narito ka sa aking tabi, mapapabago ko ang iyong damdamin at pananaw tungkol sa akin and that eventually you will learn to love me back whole heartedly at di lang napipilitan."
"Ngayon lang ako nagmahal ng totoo kaya ibubuhus ko na." Para akong tanga na kinakausap siya sa aking isipan. Di intention iparinig ang aking damdamin. And I'm smiling while thinking all of those habang nakatingin sa mukha niya na kay amo na natutulog.
I can still remember the stupid things I made just to make her happy. Di ko mapigilang alalahanin ang time na yun.
One time nakita ko siyang nakatulala sa isang sulok. Everyone is having a break after the party. Masayang nag-uusap ang mga kasama niya pero siya nakatulala lang, wala sa sarili. Dama ko ang bigat ng dinadala niyang problema just by looking at her.
Nakita kong nilapitan siya ng kanyang kasama.
"Oh Yama bakit parang wala ka sa sarili ngayon? Kanina ka pa di nagsasalita diyan." Rinig kong tanong ng babae na close niya.
"Ah wala to, may iniisip lang ako." Nahihiya niyang sabi.
"Tingin ko problema yan kasi di ka naman ganyang kadalasan na nakamukmok lang sa tabi." Rinig ko sa pag-alala sa boses ng kaibigan niya
"Oo nga eh. Di ko mapigilang ang sarili na isipin yun at maghahanap ng solution kaya lang wala akong naiisip eh."
"Ano ba ang problema mo baka may maitulong ako. Wag nga pera kasi wala din ako niyan;" sàad ng kasama nya.
"Pera nga eh ang problema ko. At nahihiya na aking lumapit sa inyo kasi puno na ako sa utang at di pa nakabayad sa inyo at kay Mam." Ramdam ko ang hiya sa tinig niya.
"Ano ka ba, naintindihan namin na gipit kayong mag-asawa ngayon kaya wag muna isipin yun."
"Tuition na kasi ng kapatid ko sa college na pinapaaral ko at wala pa akong maipadala sa kanila plus baon ako sa utang sa kapitbahay namin, di pa kami nakabayad sa renta ng ilang buwan na."
"Nagpaparinig na nga ang landlady namin. Lahos nga ipagsigawan na niya sa lahat ng di kami nagbayad. Nahihiya na nga ako."
Parang pinipiga ang puso ko sa aking narinig. She is having a hard time. Nakita ko kung gaano na siya nahihirapan sa kanyang sitwasyon.
"Alam mo, sa inyo ko lang nakita ito. Masipag naman kayong dalawa ni John, halos di na nga kayo nagpapahinga sa trabaho at wala pa kayong anak, pero ang dami niyong problema sa pera. Kung tutuosin di naman dapat kasi dalawa lang kayo."
"Di naman kasi sa amin lang ang kita namin. Ang ama ni John ang sinusuportahan namin ngayon. Halos dun patungo ang kita namin. Bihira lang nga ako makapagbigay ng pera sa mga magulang ko. Naintindihan naman nila kasi alam nila ang sitwasyon ng parents ni John."
"Kaya lang naman humingi ng tulong sila nanay sa akin sa tuition ng kapatid ko kasi failure ang ani namin ngayong season. Kaya ako muna ang magbabayad sa tuition nila. Kaya ito di ko alam kung paano pagkasyahin ang maliit na kita namin."
"Pacensiya na Yama, wala rin ako dito ngayon eh."
"Sige lang okay lang, naintindihan ko, at least may nasabihan ako kasi kapag andiyan si John di ako nagsasabi sa kanya kasi ayoko ng dagdagan pa ang alalahanin niya ngayon."
"Kaya sinusolo mo ang problema pero kapag problema ng pamilya nya kasama ka? Ay wag ganyan girl, dapat alam niya ng sitwasyon mo din. Para pagtulungan ninyo."
Upon hearing all those. Di ako mapakali, i want to help in her problem pero ayaw ko naman maging atribido sa buhay niya. She might think differently.
When I saw her naglilinis ng kalat at nagtatapon ng basura, one idea click into my mind. I ask my bodyguards to throw money in the trash bin at siguraduhin na siya ang makapulot nito. And my plan works.
"Hala ano ito? Mukhang maganda pa na bag pero bakit itinapon dito?" Rinig kong sabi niya while looking at the bag na itinapon ko. Nasa gilid lang ako hilim nakatingin sa kanya. It's already almost dark kaya walang tao sa lugar na yun.
I saw her opening the black bag
"Hala may pera sa loob. Sino kaya ang may-ari nito? Bakit itinapon dito?"
Nakita ko siyang nagpalinga linga sa paligid. I guess waiting na may sumita sa kanya or may naghahanap sa pera.
"Anong gagawin ko? Saan ko ito i-turn over? Wala naman palatandaan kung sino nagmamay-ari nito." Problemadong tinig niya.
I can easily tell na di siya mapagsamantalang tao kasi kung ang iba diyan, deretso na yun itinago kasi napulot lang naman niya but her, she is hesitant to take the money kahit problemado na siya sa pera.
She just stayed there, nakatulala lang. I guess, she also shock upon seeing the money in the bag. Di naman malaki na amount yun. Too small in fact para lang makatulong agad sa problem niya.
Dun ko na confirm kung gaano siya kabait na tao. She is patiently waiting there at palinga linga, hinahanap kung may naghahanap sa pera na itinapon ko.
So I decide na magpakita na kasi baka may dumating at sabihin pa niya ang nakita. Baka angkinin pa ng iba.
"Hi, andito ka lang pala? Kanina pa kita hinahanap."
"Oh Rox ikaw pala. Ano ba kailangan mo sa akin?"
"I just want to tell you that I got an event this coming Saturday sa isang rest house ko. I want your team na mag-asikaso sa event, even the decorations and set up of the place. I will pay upfront for the charges and expenses." Excuse kong sabi para makatulong ako sa kanya.
"Talaga? Tanggapin ko talaga yan, kasi dagdag income na din sa amin. Sabihan ko lahat ng kasama ko. Magkano ba budget mo?"
Just name your price, it's all in. It will be a small event around 50 pax. The food is separate in the payment. Kayo na ang bahala how you transform the place. I trust your gut in this. How much do you need para mawire ko ang bayad and for the materials you need to buy?"
"Di ko alam kung magkano." Hesitant niyang sabi.
"How about I will wire a 200k at ikaw na bahaha sa lahat at if kulang just tell me. Ikaw na din bahala sa tauhan na kasama mo kung magkano bayad sa services nila."
"Sige okay yan sabihan ko sila." Nakangiti niyang wika. I guess I made her feel better knowing she got another source of income na hihintayin niya.
"Ano yang hawak mo?" Patay malisya kong sabi.
"Ay ito nakita ko dito sa basuhan, may pera sa loob pero di ko alam kong sino ang may-ari kaya naghihintay ako dito baka may maghahanap."
Napangiti ako kasi kung ang ibang makapulot for sure itatago yun kaagad at walang pagsabihan but her, she is hesitant to take it.
"No, nakita mo yan kaya sayo na yan. Just keep it, you don't have a liability on it coz nasa basura na so it becomes a trash. Ikaw na ang bagong may-ari niya. So take it and don't tell anyone baka angkinin pa nila."
"What if mas kailangan pa ito ng may-ari kawawa naman."
"No maybe it was a blessing to you. An answered prayer from up above. It's his way of helping you out with your problem. Wag mo ng problemahin yun. If may maghahanap, sabihan mo ako, ako ang magbabayad sa kanya but for now wag kang matakot gamitin yan. Bigay yan sayo ng panginoon."
Good thing I able to convince her.
Di ko mapigilang mapangiti sa alalang yun. It's been a while since it happened. That was when i was still stalking her. At wala pa siyang alam sa intention ko that time. All she knows is I'm just into for friendship.