Chapter 29 Chika

1935 Words
Yama "Hi, good morning;" bati ko kay Rox as i woke up. Tingin ko kanina pa siya gising at hinihintay lang akong magising. "Good morning to you too my lady. What a lovely morning, right? Nagising akong sobrang gaan ng aking pakiramdam. Like all my stress these past few days nawala." Pabalik niyang saad na nakangiti at tumango ako sa kanya para sumang-ayon. Then isiniksik ang kanyang mukha sa aking liig at sinisinghot ito. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. "So ibig sabihin niyan, you are okay now? Nawala na ang init sa iyong ulo?" Ngiti kong sabi na parang pa joke. Dahil kagabi lang na di mawari ang mukha niya sa galit. "Nah, I realized I don't need to dwell so much on their issues or invest emotion on them. I have much better to do than to stress myself on not important matters." Napapangiti ako sa sinabi niya dahil ibig sabihin nun okay na talaga siya. "What I had here is much important." dagdag pa niyang wika mas niyakap pa ako ng mahigpit. "Being with you is more important because you are my diversion from all the negativity outside." Ramdam ko ang init sa kanyang katawan dahil sa higpit ng yakap niya at hubad pa ang katawan namin pareho. "I-balance mo lang lahat. Wag kang padala sa emotion mo, pasasaan ba't maso-solve din yan." Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti. "It's nice to cuddle like this in the morning, right? Just simply enjoying the moment and having each other." Tumango ako para sumang-ayon. Hinayaan ko na lang siya na ganun kami ng ilang minuto. "Babe, can you go with me today? I want you to be there. You can observe things I have been doing in the office with that you can learn. And you can ask Joyce what she does everyday. She has been my secretary for 5 years now." Inform pa niya sa akin. Masaya ako dun kasi first hand ko ma-experience ang buhay corporate at marami akong malalaman sa trabaho. "Sige, gusto ko yan marami akong matutunan sa trabaho mo at sa ibang trabaho na din bilang nasa corporate industry." "Yeah it's nice training for you too, to see it in actual motion." We just stayed there cuddling, enjoying the moment na magkayakap. Masaya pala sa pakiramdam na kahit simpling yakap lang. "What if maraming magtanong sa akin kung ano at sino ako sa buhay mo? Kasi last time nakita nila ako dun dama ko na lahat nakasunod sa atin at curious malaman kung sino ako. Sasabihin ko ba ang totoo?" "If someone has the guts to ask you kung sino ka sa buhay ko then tell them na girlfriend kita. I'm your partner you know. You are more than that to me." "Okay di ko yan kakalimutan." Masaya ko na ganito kami ngayon. Feel ko ang security sa buhay niya. Di ko muna iisipin ang bukas or ang implications ng action ko ngayon. I-enjoy ko muna ang mga bagay or moments na kaya niyang ibigay sa akin. "Bangon na tayo, di ba maaga ka ngayon? May meeting ka pang aatinan mamaya." Paalala ko sa kanya kasi parang wala siyang balak bumangon or bumitaw sa akin. "Nah they can wait kung kailan ako pupunta dun. I'm the boss, they should learn to wait." Parang wala lang sa kanya. "Wow, you're slacking na sa trabaho mo boss. Dati naman always on time ka at strikto sa schedule." Pa-remind ko sa kanya kasi yun ang always kong nakikita sa work attitude niya. "Yeah I always value time at sa trabaho ko but I also need to spend quality time with my woman who always understands kahit minsan nawalan na ako ng oras sa kanya." Napangiti ako sa sinabi niya. He values my existence sa buhay niya. "Alam ko naman ang nature ng trabaho mo at ang buhay mo kaya naintindihan kita. Bakit pa ako maging demanding kung lahat naman ibinigay mo na higit sa aking kailangan?" Itinaas niya ang mukha at tumingin sa akin. "Isa yan sa nagustuhan ko sayo. You are broad minded. Mataas ang pag-unawa mo sa lahat ng bagay and you have a calm personality that radiates at nadadala mo ako which I badly needed. "Hindi lang naman sa atin umiikot ang buhay. Isa na yan ang obligasyon mo, trabaho at responsibilidad sa iyong nga nasasakupan." Balik kong sabi sa kanya. "You are right missy. How can I be lucky?" Nakasmile niyang sabi at dinampian ako ng magaan na halik sa labi. "Anong gusto mong i-prepare ko sayo for this morning?" I massage his scalp and hair kasi nakayakap ako sa kanya. "Babe, when you're at home, relax yourself. Let the people around here do their task. As much as I want your care ayaw ko din abusuhin ka. You can do all that when we are outside." "Wala naman kasi akong ginagawa dito eh." Singit ko sa kanya. "You can attend to my personal needs, if you really want. I like it when you prepare all my clothes, nakaready na after I shower and making sure all my things are ready before I go to work. I truly appreciate what you do for me." Napansin pala niya ang maliliit na bagay na ginagawa ko sa kanya. "And if you feel bored, pwede ka rin mag-aral ng college if you want. I would like you to earn your degree." Sa aking narinig bigla nabuhay ang lahat ng himaymay ko sa katawan. "Talaga, paaaralin mo ako?" Masaya kong saad. "Of course it's part of my plan. I want you explore, learn and experience a lot of things. Invest yourself in knowledge para soon you are confident kahit saan ka man naruruon kasi alam mong kaya mo silang lahat harapin kasi may alam ka. Going to the office is a way of training as well." "Kailan ako magsimulang mag-aral?" "Up to you. You can start inquiring about the best school and what course you want. Tutulungan kitang mag research later tonight." Masayang masaya ko sa aking naririnig. Ang mag-aral uli at makakuha ng diploma ay isa sa mga pangarap ko. Akala ko matagalan pa bago ko makamit yun kasi ang plano ko ay pagkatapos na ng mga kapatid ko. Ngayon possible na. "Someone is happy. And has her own world now. Busy imagining." Napapansin na pala niya ang kilos. Di ko mapigilan kasi, ang daming pumapasok sa aking isipan ngayon na mga possibility. Malaki ang ngiti ko na humarap sa kanya. "Pangarap ko ito. Di ko akalain na magagawa ko na siya ngayon. Akala ko matatagalan pa bago ko ito makamit." Yun lang nasabi ko sa kanya. "And I'm happy to be able to help you at maging tulay sa pangarap mo." I really appreciate this man as well. Sobrang bait niya sa akin. Pagdating namin sa office building niya, katulad nong una kong tapak sa lugar na ito, lahat nakatingin sa amin. Naintrega sa akin at ang iba alam na kung sino ako, kasi Rox holds my hands pagpasok pa lang namin sa loob. Di man lang niya alintana ang mga matang nakatingin sa amin. "Joyce can you help Yama in her training? You can teach her what you usually does here or when we are outside having a meeting with clients. She will be the one who will accompany me whenever we are outside or going abroad." Informa niya sa kanyang secretary na nakatingin sa akin. "Sige po sir, tuturuan ko siya sa abot ng aking makakaya." "I'll leave you two. Babe just came to me if may kailangan ka sa akin." Ngumiti lang ako sa kanya. "Mam, ano po ba gusto niyong malaman?" Alanganin niyang sabi. Dahil siguro girlfriend ako ng boss niya kaya nahihiya sa akin. "Wag mo nalang akong tawagin na Mam, Yama nalang. Kahit ano nalang na kadalasang ginagawa mo dito. Mag observe nalang muna tapos kapag kaya ko na pwede mo sa akin ipagawa yun. Kapag may di ako naintindihan, itatanong ko sayo." Gusto ko na at ease kami sa isa't isa. Feeling ko mabait naman siya na tao. "Baka magalit si sir kapag tinawag lang kita sa pangalan mo." Pag-alala pa niyang sabi. "Wag kang mag-alala ako ang bahala sa kanya. Di yun magagalit. Pwede rin tayong magchikahan, ituring mo lang akong kaibigan. Secret lang natin yun." "Ang bait mo Mam, di katulad ng mga babae na nagpupunta dito dati na akala mo girlfriend ni sir. Ay sorry mam napachika tuloy ako." "Okay lang yan. Wala sa akin ang nakaraan niya pero mahilig din ako sa chismis. Basta atin atin lang." Nakasmile ako sa kanya para maging magaan ang samahan namin at makaalam na din sa nakalipas ni Rox. "Ay wag kang magselos dun sa mga babae. Akala kasi nila porke ini-entertain sila ni Sir ay may relasyon na sila. Minsan nga naging territorial na sila." Chika pa ni Joyce sa akin. "Ngayon ko lang nakita si Sir na sweet sa isang babae kaya alam ko totoo siya sayo. Kita sa mga mata niya ang pagmamahal sayo." Lumubo ang puso ko sa aking narinig. Possible na totoo or nagpapalakas lang siya sa akin. Marami akong nalalaman sa mga nakalipas na pangyayari sa buhay ni Rox dahil sa chika ni Joyce. "Babe, may inspection ako sa site ngayon. Dito ka nalang para marami kayong time ni Joyce. I will just order food for you two kaya wag nalang kayong lumabas dito." Bilin ni Rox ng papaalis na. Buti nalang napansin namin ni Joyce ang paglabas niya at napatigil kami sa aming chika. "Okay, thank you." Ngiti kong sabi. "See you later babe. Just call me if you need anything, okay" He kisses me in front of Joyce, bigla akong nahiya. Pero wala lang kay Rox yun. Naging masaya ang oras ko dun sa trabaho. Tapos marami pa akong nalalaman. Katulad ng pag-encode sa mga important na details sa trabaho. May alam na ako ng kaunti sa computer kasi tinuruan na ako ni Vera sa basic sa paggamit nito. Pero may mga features pa ako na nahihirapan at yun ang pag-aralan ko sa susunod. Dahil naging training naging busy ako. Nakalimutan ko na ang dating alalahanin tungkol kay John. One time, lumabas kami ni Joyce para maglunch dun sa katapat na restaurant. Nakita ko si John nakaupo dun. Napatitig ako sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na andito ako? Sinusubaybayan ba niya ang bawat kilos ko? Di siya makalapit sa akin kasi may kasama ako. Marami din ang kumakain na mga employee ni Rox. Ang sabi ni Joyce may canteen naman daw pero ang iba sa labas kumakain for a change. "Okay ka lang? Natahimik ka bigla." Tanong ni Joyce na nagpabalik sa aking attention sa kanya. "Ah okay lang, may naisip kasi ako." "Baka namiss mo lang si sir. Babalik din yun mamaya." Wala si Rox. May client meeting. Di na niya ako isinama kasi ordinary meeting lang daw yun, parang friendly meeting lang. Pinilit kong wag tingnan si John para di na ako madistract. I focus on Joyce baka mahalata pa niya si John na nakatuon lang sa akin ang tingin. Kinagabihan laman ng aking isipan si John. Bakit pa siya nagpapakita sa akin? Ayaw kong sabihin kay Rox ang pagpakita niya baka magulo lang. May usapan na sila na di siya manggugulo sa aming pagsasama ni Rox. Bayad na siya dun. Kung magpatuloy ang pagpapakita niya sa akin baka malaman pa ni Rox. Ayaw ko ng gulo. Naguguluhan ako kung sasabihin ko ba ito kay Rox. Gusto ko maging fair at honest sa kanya. Yaw kong pagdudahan niya ako. Sabi ni Vera, pinakaayaw ni Rox ang traydurin siya at pagtaksilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD