Yama
Dahil sa ilang beses ko ng nakita si John na sinusundan ako sa trabaho at nakikita ko siya sa labas ng building ni Rox naghihintay, di na ako lumalabas ng lunch. Minsan kasi kapag andiyan si Rox, nagpapadeliver siya ng pagkain para sa amin.
"Yama maglunch na tayo, gutom na ako eh, mamaya pa yun darating si Sir. Saan mo ba gustong maglunch?" Tanong ni Joyce ng natapos kami sa pagfile at pag-encode ng mga bagong client sa system.
"Pwede sa canteen nalang?" Aniya ko dahil ayokong lumabas baka andun na naman si John at baka this time lapitan na niya ako.
Simula ng pumasok ako dito, di pa ako makapunta ng canteen dahil nahihiya ako sa mga employee. Ramdam ko kasi na mga mata nila na palaging nakatingin sa akin kapag nakikita nila akong kasama si Rox.
"Sige, matagal na din akong di makapunta dun. Namiss ko na rin pagkain sa canteen. Palagi kasing nagpapadeliver sa atin ng food si Sir galing restaurant."
"Sige tayo na, marami pa tayong trabaho na nakatambak. Sabak na naman tayo mamaya nito;"pagsang-ayon ko sa kanya.
Simula nong pumasok ako sa trabaho, feeling ko isa narin akong executive sa opisinang ito. Tumataas ang aking self esteem at confidence. Marami na din akong natutunan at masaya sa aking naging trabaho.
Pagdating namin sa loob ng canteen, ramdam ko agad ang mga matang nakatitig sa amin na may pagtataka. Deretso kami sa pilahan kasabay ng iba. Kita ko na maraming tao sa loob kumain at ito talaga ang lunch break ng lahat kaya paunahan sa pila.
"Di ba yan ang girlfriend ni Sir na kasama ng secretary niya? Bakit yan pumipila dito?" Rinig kong bulungan sa gilid namin na nakakita sa amin. Di ko nalang pinapansin.
"Oo nga noh. Hala di pala siya maarte, kumakain pala siya sa ganitong lugar;" manghang sabi ng iba.
"Hala paunahin na natin, nakakahiya naman pumipila pa siya. Baka mapagalitan tayo ni Sir na matagal siyang nakatayo dito." Rinig ko parin sabi ng iba. Kahit di ako tumitingin sa kanila, alam kong ako ang topic nila.
"Di noh, first come first serve kaya dito. Naghirap tayong pumila at naghintay, walang palakasan dito. Kaya matuto din siyang maghintay sa time nya." Striktang sabi ng isang babae na medyo maarte at maldita tingnan.
Nakita ko na sinaway siya ng mga kakilala niya kasi rinig naman ng lahat ang sinabi niya.
"Mam nauna na kayo ni Mam Joyce;" saad naman ng isang lalaki na nagmamagandang loob at umaksyon na paunahin kami.
"Di wag na. Tama naman siya, kanina pa kayo nagtitiis pumila kaya mauna na kayo. Okay lang kami;" ngiti kong sabi sa lahat. Ngumiti sila ng alanganin pabalik sa akin.
"Ikaw kasi nagpaparinig ka. Patay ka kay Sir niyan." Sisi ng iba sa babae pero umirap lang siya. May attitude talaga.
Ito yung ayaw ko kaya di ako kumakain dito dahil maging tampulan ako ng chismis.
Ilang minuto rin ang hinintay namin at nakapag-order na kami at nakakuha ng magandang pwesto, may nagpaubaya sa amin. Di kami pumapayag pero nag-iinsist ang grupo.
Tuloy di ako komportabli kumain kasi kahit ang iba di nakatingin pero alam kong nakiramdam lang at meron din na hayagang tinitingnan kami. Mostly lahat curious sa pagkatao ko.
Pinilit ko wag silang pansinin. I tried my best na maging pino ang kilos at wag magpahalata na probinsyana ako.
Sinunod ko ang training ni Vera kasi ayaw kong mapintasan dahil alam ko may impact yun kay Rox. Di naman masama ang maging mahirap pero akala kasi nila porke't mayaman si Rox dapat katulad niya ang maging girlfriend.
"Alam mo Joyce kapag di nila alam na girlfriend ako ng boss niyo, impossible siguro na ganito trato nila sa akin or sa atin."
"Tama ka diyan Yama, possible pa na di tayo papansinin. Ang iba dito plastikan lang sa harapan mo dahil nahihiya at natatakot baka makarating pa kay sir. Pero kapag nakatalikod tayo baka iba na ang sinasabi."
Sumasang-ayon ako sa kanya, sa ilang taon ko dito sa Manila, naranasan ko na ang alipustahin ng kapwa ko mahirap at yurakan ang pagkatao ko ng mga taong tingin nila matataas pa kaysa sa akin.
"Malas nila secretary ako ni boss, mataas position ko sa kanila kaya mapipilitan silang galangin ako at mas lalo na ikaw. Takot lang nila kay Sir."
"Gusto ko lang naman pantay pantay, ayoko ng VIP treatment. Di ako sanay dun." Pagpakatotoo kong sabi.
"Nah di mo yan ma-expect sa kanila kasi yung ibang babae na nagkakagusto kay sir or nalink lang sa kanya ay nagpapakilala sa lahat dito. Pa VIP ang treatment, kaya nasanay na sila."
Di man makapaniwala pero siguro nga totoo kasi ganun ang ibang mayaman, mayabang minsan, di naman lahat pero kadalasan. Tingin nila sa mahihirap ay alipin nila.
Sa gitna ng aming pagkain may naririnig parin akong bulungan.
"Tingin ko di yan di siya galing sa mayaman na angkan." Rinig kong pabulong na salita. Alam kong galing yun sa babaing maldita kasi nakabisado ko na ang tuno ng boses boses niya.
"Paano mo nasabi eh tingnan mo nga sa kilos at ayos, mukhang mayaman."
"Basta naramdaman ko, alam ko ang tunay na mayaman, di sila basta basta aapak sa ganitong lugar. Malay natin naging mukha lang siyang mayaman dahil ginastusan ni Sir." Paismid at panliliit pa niyang sabi.
Kahit masakit sa pakiramdam, totoo naman kaya di na ako makapagreact.
"Baka humble lang siya. Kung makajudge ka diyan parang may alam ka sa mga mayayaman."
"Off course, I was been there. Nakabungguan ko ang mga socialite dito sa bansa. At ang isang katulad niya ay di ko nakikita dun at di rin siya bagay kay Sir." Nakataas pa ang kilay na sabi ng bruha. Nahuli ko sila dahil pasimply akong sumulyap sa gawi nila.
"Ako gusto ko si Mam, kasi di siya tulad ng iba na kaartihan lang ang alam at kung makasunod kay Sir parang asong ulol, nawalan ng breeding. Samantalang siya, rayna kung ituring ni Sir;" sabi pa ng isang babae.
"Oo nga, kita ko kung paano siya hawakan sa kamay ni Sir at may care. Minsan nahuli ko pa sila na hinahalikan siya ni sir sa may pisnge kapag nagpapaalam. Di ba in-love lang ang dating?" Kilig na sabi ng isang bakla.
"Oo agree ako diyan kasi ngayon sobrang light ang aura ni Sir lately. Dati madali siyang magalit kapag may mali sa trabaho. Kaya gusto ko na siya kasi siya ang dahilan ng pagbabago ng amo natin;" sambat naman ng isa pang bakla sa grupo nila.
Nakita ko natatahimik ang babae.
Nagtataka ako kung bakit ganun ang sama ng pakiramdam niya sa akin? Di naman kami magkakilala kaya di nya alam ang pagkatao ko at wala kaming connection sa isa't isa. Wala akong atraso sa kanya.
"Wag muna silang pansinin kasi lahat yan may gusto kay Sir kaya ganyan ang mga sinasabi, di matanggap na di sila napapansin ng amo nila. Ikaw ang threat sa pangarap nila."
Napapangiti nalang ako sa sinabi ni Joyce. Tingin ko totoo ang sinabi niya.
Bumalik na kami agad sa office pagkatapos kumain at nagsimula uli sa trabaho.
"Hey babe;" bungad agad ni Rox ng makarating sa office galing sa labas.
Kaya nginitian ko siya ng makatingin ako sa kanyang gawi.
"I miss you;" sabi pa sabay bigay ng halik sa aking labi. Kaya namumula ako bigla sa hiya kasi nakita ni Joyce ang ginawa niya.
"Ano ka ba nakikita ka ni Joyce, nakakahiya;" pabulong kong sabi.
"Don't worry, Joyce can understand;" sabi pa ng nakangiti.
"Joyce hiramin ko muna ang girlfriend ko." Sabay alalay sa akin patungo sa loob ng kanyang opisina.
"Sige walang problema Sir;" balik sabi ni Joyce na nakasmile ng kaunti.
Pagpasok namin sa loob. Dinala niya ako sa may couch at pinaupo niya ako sa kanyang kandungan at niyakap mula sa likuran.
"Kumusta ang araw mo?" Tanong ko nalang nang ilagay niya ang ulo sa aking balikat. Feeling ko gusto lang niyang magpalambing.
"It was a crazy day. Daming problema kong inayos and the weather outside is so hot. Sumasakit ulo ko babe." Pareklamong saad niya na nakayapos parin sa akin.
"Gusto mo ng masahe para maginhawaan ka ng kaunti?" Offer ko sa kanya.
"Yeah sure, I would love that." Kita ko talaga ang lata ng katawan niya.
Kaya pinahiga ko siya sa aking kandungan and I started massaging him.
"Just a stroke of your hand, makes me feel better." Masaya ako na nagustuhan niya ang ginawa ko.
Puro ungol lang narinig ko sa kanya then suddenly natahimik, yun pala ay nakatulog na sa masahi ko.
"Sana di ka magbabago paglipas ng panahon at nariyan ka palagi para sa akin sa mga unos na dadaanan ko pa. Kasi ngayon pa lang ramdam ko na di ako nababagay sayo at marami ang di ako gusto para sa isang katulad mo." Bulong ko habang minamasahi ang kanyang mukha.
Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami ganito. Lalo na't nagbabadya ang presensya ni John.
"Pigilan ko man ang sarili na huwag madala sayo at makaramdam ng pagmamahal pero sa mga ipinakita mo sa akin, di ko mapigilan ang sarili na mahalin ka. Ginalingan mo kasi." Napangiti ako sa naisip.
Pero susubukan kong itago nalang ang lahat para di na lalala ang sitwasyon. Alam kong mali ito at walang patutunguhan. Nagkasala na ako sa Diyos.
Di ko alam kung saan ako dadalhin ng kapalaran sa pinasok ko na buhay. Oo, masaya ako at naging easy lahat pero alam kong may kapalit ang lahat ng natamasa ko ngayon.
Di ko namalayan na nakatulog na din ako dun sa couch dala ang alalahanin na yun.
Rox Wilford
I woke up feeling so light, kumpara kanina sa aking paglilibot sa buong site. Ramdam ko ang kaginhawaan.
I see her sleeping as well. Napangiti ako sa aking nakikita.
"How can she be able to sleep like this when nasa kandungan niya ko at mabigat ako? This girl is really crazy and leave me always feeling awed."
I slowly unwrap her hands on my shoulder at umalis ako sa kanyang kandungan. Maybe by now she feels numb kasi kanina pa ako nakahiga dun at di man lang nagrereklamo.
"I really appreciate you my Angel. Thank you for coming into my life. You made it worth living again. I promise I will take care of you;" bulong kong sabi as I touch her face slowly.
I guess malalim na din ang tulog niya. I see that it's already 6 in the evening upon looking at the clock in front of me.
Lumabas ako ng office, nakita ko si Joyce naghahanda na din para umuwi.
"Joyce, we will go ahead. Ikaw na bahala sa pagclose ng office. Tumango siya.
I decided to just carry her para di na maisturbo ang tulog niya.
Pagdating namin sa lobby, few of my employees are there at napasinghap sila sa nakikita. They never see me yet carrying a thing and now a person specially a woman.
Somebody assisted me para pagbuksan ang pintuan.
I am not ashamed na iparada siya sa lahat. Doing this thing means I value her a lot and I'm so grateful to have her in my life.