Chapter 26 Promise

1135 Words
John Alquiver Masakit pala makita na ang asawa mo masaya na sa piling ng iba. Ang kanyang tunay na ngiti na sa akin lang niya ibinibigay noon at ngayon sa iba na niya ipinakita. Nakikita ko ang pagbabago ng kanyang pagkatao at kilos. Ibang iba na siya sa asawa na umiwan sa akin ng ilang buwan pa lang ang nakalipas na akala ko di kayang magbago. Ang Yama ngayon na nasa aking harapan ay isang sopistikada na babae, mukhang may pinag-aralan, pino kumilos at aral ang pananalita. Hindi na basta basta na babae kung baga. Bigla kong nakita ang kaibahan naming dalawa. Parang kay hirap na niyang abutin. Sa ilang araw na pagmamatyag ko sa kanila at sa kanya, ayaw ko man aminin pero pinanghinaan ako ng loob. Kasi di na siya katulad ng dati. Parang tumigas na ang puso niya para sa akin. Nakikita ko na unti unti ng nakukuha ng lalaki ang papel ko sa buhay niya. Pinapalitan na ni Rox ang obligasyon na dapat ay sa akin at siya na ang tumupad sa mga ipinangako ko kay Yama. Ang lalaking yun ay kayang ibigay ang lahat ng luho at pangarap ng isang babae sa kanyang sarili. Pero kilala ko ang asawa ko, di siya ganun pero alam ko din na magbabago ang tao kapag nakatikim na ng karangyaan. Kapag pinatagal ko pa ang sitwasyon, hahayaan ko siyang di ako makita baka tuluyan na niya akong makalimutan at makalimutan ang samahan at pinagdaanan namin. Kasal pa kami, yun lang ang lamang ko sa lalaking yun at ang tangi kong pinanghahawakan. Di niya tuluyang makuha si Yama sa akin at yun ang ipaglalaban ko. Nang unang nagtama ang aming mga mata, nakikita ko na shock siya. Nakaramdam ako ng kasayahan kasi nakilala pa niya ako pero bigla din akong nanlumo kasi para nakita ko sa mata niya ayaw na niya ang makita pa. Iba na ang tingin niya sa akin, di na tulad ng dati, may takot at parang kinamumuhian niya ako. Gusto ko man siyang lapitan agad pero di ko nagawa, naunahan ako ng takot. "Yama, ang laki ng ipinagbago mo sa physical pero alam ko ikaw parin yan, ang babaing mahal ko, ang asawa ko." Bulong ko habang tinitingnan siya papalayo sa akin kasama ng isang babae sa park. "Paano ko maibabalik ang dating tayo? Kasalanan ko ito, ako ang nagtulak sayong papalayo kaya ako rin ang gagawa ng paraan para maibalik kita sa akin. Kakayanin ko kahit gaano kahirap." Kung hindi lang sana dahil sa pera, di kami magkakaganito, sana magkasama parin kami sa hirap at ginhawa. Inaamin ko nadadala ako sa pera, sa aking nakukuha. First time akong nakahawak ng ganun kalaki sa buong buhay ko na parang ang sarap gumastos kasi alam mong may pera ka or may darating pa. Di ko inakala na kapag ang pera nakuha mo sa madalian, madali lang din mawawala sayo. Ngayon sising sisi ako, malaki ang naging kapalit. Kaya if may second chance pa ako, di ko na yun sasayangin pa. Nang magka-usap kaming muli, sobrang saya ko kasi at last hinarap na niya ako. Sa ilang beses ko na pabalik balik sa bahay ni Rox, ngayon lang niya ako hinarap at kinausap. "Anong kailangan mo? Di ba nag-usap na tayo na di mo na ako guguluhin pa? Di ba nakuha mo na ang pera?" Bungad agad niya sa akin pagkaharap namin na parang di kami magkakilala at walang pinagsamahan. Sa tono ng kanyang salita, mukhang napipilitan lang siyang kausapin ako, ayaw na niya akong makita pa. Wala na ang dating kinang kapag nagkita kami. "Yama na miss kita ng sobra. Di ko pala kaya na mawala ka ng tuluyan sa akin." Pag-open up ko sa kanya ng aking naramdaman kasi sobrang namiss ko talaga siya. Di ako sanay na wala siya sa aking tabi. Ito ang pinakamatagal na panahon na magkalayo kami. "Nahihibang ka na ba John? Di ba bininta mo na ako sa kanya? Malinaw sa usapan na siya na ang nagmamay-ari sa akin pagkatapos mong tinanggap ang pera?" Masakit pala marinig ang sumbat niya sa akin. Di ako makaimik kasi totoo naman. "Wag mo na akong guluhin pa, okay na ako, tanggap ko na ang nangyari." Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko sa sinabi niya. Nasasaktan ako ngayon kasi feeling ko kinalimutan na niya ako. Ayaw na niya maging parte ako sa buhay niya ngayon at klaro na pinili niya ang matandang yun kaysa akin na asawa niya. "Katulad ka ba din ng iba na nasilaw sa pera? Nadadala ka na rin ba sa mga naibibigay niya sayo? Kaya gusto mo na akong kalimutan?" Mahina kong sabi, kasi nasasaktan ako. Bigla kong naramdaman ang sampal niya sa aking pisnge. "Sino ba sa atin ang nasilaw sa pera John, ako ba? Sino ang naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon, ako ba? Sino ang nagbinta sa akin na parang walang halaga, ako ba?" Naiiyak niyang tugon sa aking harapan. Di ko intention na sabihin yun kasi alam kong di siya ganun pero nadala ako sa aking emosyon. "Sorry Yama di yun ang ibig kong sabihin. Please bumalik ka na sa akin." Paki-usap ko pa. Gusto kong hawakan ang kanyang kamay pero pilit niyang inilayo sa akin ang sarili. "Magsasama tayong muli. May pera na ako, kaya na kitang buhayin ngayon, di na tayo tulad ng dati. Makapagsimula na tayo katulad ng ating naunang plano." Dagdag ko pang sabi, pero tinawanan lang niya ako. "John kanino bang pera galing yan, di ba kay Rox din? Di ba dahil sa akin kaya ka nagkapera? Kung makapagsalita ka ay parang ganun lang ka simply ang lahat. Na parang isang bagay lang na basta nalang itapon at babalikan kung kailan mo gusto." Ramdam ko ang sarkastiko niyang sabi at nasasaktan ako kasi totoo. "Pinutol ko na ang lahat sa atin kaya wag mo na akong lapitan pa. Baka makalimutan mo na may pinermahan kang kontrata kay Rox. Dapat mo yun igalang kundi sa kulungan ka aabutin." Babala pa niyang sabi. Alam ko naman yun. Makapangyarihan si Rox, kaya niyang gawin lahat sa isang iglap lang pero di ako natatakot sa kanya. "Yama di ako susuko, kukunin kitang muli sa kanya. Magsusumikap ako para ipakita sayo na karapat dapat ako sa pagmamahal mo. Ibabalik ko ang dating tayo." Pangako ko uli sa kanya. "Wag na John. Nakamove on na ako. Mas gugustuhin kong magsimulang mag-isa." Mahina niyang wika. Ramdam ko ang pagsuko niya sa aming relasyon. "Di kita susukuan Yama, ipaglalaban kita katulad kung paano mo ipinaglaban ang relasyon natin noon." "Kukunin kita sa kanya. Hangga't kasal ka sa akin, nakatali ka sa akin, may karapatan ako. One year lang ang pinermahan kong kontrata at kukunin kita sa kanya." Isa yung pangako at gagawin ko yun. May inspiration na ako para mas pagbutihin pa ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD