Chapter 25 Remorse

2014 Words
John Alquiver Ilang beses ko na siyang lihim na sinusundan. Simula nong kinuha na siya sa akin ni Rox, di ako tumigil sa kahahanap sa kanya. Kahit may kasunduan na kaming pinag-usapan. Di ko pala kayang basta nalang siyang bitawan ng ganun na lang. Saka ko lang na-realize kung gaano kasama ang ginawa ko. Kung paano ko siya nasaktan at kung gaano kasakit makita na sumama na siya sa iba. Masyado akong nalunod sa problema at di alam kung paano makahanap ng gaarang solution. Andun na rin yung frustration kung paano kami aasenso katulad ng pinangarap namin at pangako na binitawan namin sa pamilya sa probinsya. Nakikita ko na nahihirapan na din siya sa buhay mahirap namin kaya ginawa ko ang lahat para umaasenso kami pero sadyang mahirap sa amin ang pagkakataon. At ang pagpayag ni Yama na sumama kay Rox sa isang panandalian kaligayahan ang naging solution ko katulad ng sinasabi ng mga kaibigan ko. Practical na daw ngayon. Halos lahat daw ng mga babae dito ay gumagawa ng ganun kung may matinding pinagdaanan. Walang personalan, trabaho lang sabi nila. Isa yun sa nagtulak sa akin para makakita ng pagkakataon na mabago ang buhay namin kasi tama naman sila, sa isang katulad namin mahirap umasenso kung di maging practical. "Pre nakita namin na maganda ang asawa mo at bata pa. Alam kung marami ang magkakagusto niyan. Wag mong masamain ang sinasabi namin. Ito'y reality lang ng buhay. Kung gusto mong makasabay at makaahon sa kahirapan kailangan mong makisabay sa uso." Sabi ni Rex sa akin isang gabi na nag-inuman kami. "Marami na ang gumagawa ng ganun. Halos lahat ng mga babae dito sa atin may kabit, ang iba gumagawa ng milagro alam man ng asawa or hindi at kumikita sila ng malaki, asawa mo pa kaya na sobrang ganda?" Dagdag pa niya. "Katulad ni Jeffrey na kapitbahay mo, di ba nakasasakyan at maporma ang dating kapag lumalabas?" Alam ko ang tinutukoy niya kasi minsan tinitingnan niya ang asawa ko na may pagnanasa at may plano. "Gumagawa sila ng adult film ng asawa niya para ilabas sa adult site at malaki daw kita kung maraming views. Minsan nakasama na dun sa site si Mike, kaulyawan nilang dalawa at binabayaran ng malaki." Di ako makapaniwala na kayang gawin nila yun. May ganun pala dito sa Manila. "Ako nga yung asawa ko minsan sumasama sa ibang lalaki para sa isang gabi para kumita ng pera, okay lang naman sa akin yun kasi sabi ng asawa ko trabaho lang yun. Parang wala lang." "Pumapayag ka Pre na galawin ng iba ang asawa mo?" Na shock ako sa aking narinig, pero kita ko naman sa asawa niya na maporma at sexy. "Oo Pre practical akong tao, wala yun sa akin. Kaysa naman gumagawa ng milagro na di ko alam, at least sa akin nagpapaalam at nakikinabaang naman ako dun. Ang iba nga diyan harap harapang niluluko ang asawa wala naman napapala." Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. "Pre di lang asawa ko ang gumagawa nun, yung teenager nga na kasama ng asawa ko ay may sugar daddy na kahit bata pa. Baby yun ni congressman natin. Sa madaling salita kabit ni congressman pero malaki naman magbigay ang matanda kaya okay lang kay Nina." "Kaya wag kang magpapaniwala na lahat ng nakikita mo dito ay walang baho na tinatago. Yun iba pasecreto at yung iba bulgaran na." Dahil sa mga sinasabi nila naisip ko din ang ganun lalo na kailangan ko ng pampaopera ni Tatay at puno na kami sa utang. Naging desperado ako, gusto ko ng maabot namin ang pinapangarap at makapagsimula na. Kaya lang di nagustuhan ni Yama ang plano. Mas lalo akong kinokunbinsi ng mga kaibigan ko nong inamin ko sa kanila about sa pakiramdam ko kay Rox na palaging nakasunod kay Yama. "Pre confirm sa isang tingin ko pa lang sa lalaking yun, malakas ang tama sa asawa mo. I-grab mo na ang opportunity na yan, bihira lang darating na may isang lalaki na patay na patay sa asawa mo." "Sa status ng lalaking yun kayang ibigay nya ang lahat ng hihilingin mo sa kanya. Sobrang yaman nun Pre, isang condition mo lang tiyak papayag yan. Nasa sa iyo ang baraha." Sabi naman ni Mike na kasama namin ni Rex. Lahat ng sinasabi nila nasa isipan ko lahat. May parte sa akin na papayag at meron din na hindi kasi maapakan ang dignidad ko bilang lalaki at alam ko ayaw ng ganun ni Yama. Pero naging agresibo ako nong binigyan na ng ultimatum ng doctor si Nanay na kapag di naoperahan agad si Tatay mawawala na siyang tuluyan sa amin. Paano naman ang mga kapatid ko na maliliit pa na umaasa sa isang ama? Naglakad loob akong kausapin si Rox kasama ng mga kaibigan ko. Kinonfirm niya na may gusto siya sa aking asawa at tingin ko kaya ko siyang mapapayag at siya ang sagot ng aking problema kasi di siya nag-atubili na bigyan ako ng pera para sa aking pangangailangan. Dahil dun na solve ang aking problema sa aking ama at nabayaran ang utang namin. Binigyan ko din ng kaunting halaga ang mga kaibigan ko sa pagtulong sa akin at pagbigay lakas na may solusyon ang problema ko. Di ko mapigilang alalahanin kung paano ko sila nakilala at paano kami humantong sa ganitong plano at ang buhay namin ng dumating kami sa Manila. "Pre, taga saan kayo? Mukhang bago ka palang dito ah." Saad ni Alwin na kapitbahay ko ng nagkita kami sa may tindahan, nagyosi siya. "Ah oo pre galing pa kami ng probinsya, nakipagsapalaran dito para makaahon sa kahirapan." Sagot ko sa kanya. Alam ko sa ganitong lugar kailangan kong makisama at makipag-kaibigan. "Makaincome ka naman dito pre basta di ka mapili sa trabaho." "Ay di ako mapili Pre kahit ano pa yan. Pwede akong kargador, driver, construction worker at iba pang trabaho. Kasi di naman mataas ang pinag-aralan ko." "Ano pala natapos mo?" Interesado niyang tanong. "Wala nga eh, hanggang high school lang ako. Akala ko naman kahit high school lang makahanap na kami ng maayos na trabaho dito basta magsikap lang kasi yun ang sabi ng kapitbahay namin pero di ko akalain na marami palang qualifications na hinahanap nila dito." Di ko mapigilang maglabas ng saloobin dahil marami na akong inaplayan na trabaho pero walang tumatanggap sa akin dahil kulang daw ako sa napag-aralan. Yun talaga buhay dito Pre. Kung gusto mo pwede lang mag-extra sa akin sa pamamasada ng trisikel sa gabi or araw kapag di ako nagdrive." Volunteer niyang sabi at sobrang saya ko nun. "Talaga Pre, kaya mo akong paextrahin diyan?" "Oo naman kasi maintain ko ang trisikel na ito, ipinagkatiwala sa akin ng may-ari. Pero ayaw ko na naman na walang pahinga, kawawa naman pamilya ko niyan. Kaya pwede kang umekstra kapag di ako nagbyahe. Tingin ko naman mapagkatiwaan ka." "Thanks Pre, sabihan mo lang ako kung kailan ka libre." "Linggo pre di ako bumibyahi kaya kunin mo lang ang trisikel sa bahay. Basta may driver license ka. At sa hapon uwi na ako nga 5pm, pwede kang mamasahero pagkatapos nun hanggang midnight." Dahil dun, kumikita na ako ng kaunti para sa pangangailangan namin ni Yama. Siya naman ay naglalabada sa mga kapitbahay at nagtitinda ng snack sa kanto. Nagtulungan kami. Di naglaon nakahanap din ako ng trabaho sa umaga as gardener sa malaking bahay diyan sa kabilang subdivision at namamasada sa gabi. Isang gabi habang kahatid ko pa lang sa trisikel kina Alwin, bumili muna ako ng barbecue sa labas sa para hapunan namin ni Yama. Dun ko nakilala sina Rex at Mike na kapitbahay lang din namin. Nakisabay ako sa kanila. "Pre magandang gabi. Kauuwi mo lang?" Sabi nung lalaki na kasing laki ko lang. "Oo nga eh, matumal ngayon kaya naggrahi ako ng maaga." Magaan kong sabi. "Ako pala si Rex. Welcome sa lugar natin kahit mabaho dito at maingay pero nakaraos naman din sa buhay. Dito lang kasi medyo affordable na renta." "Oo nga Pre eh, tipid tipid lang talaga din. Una na ako Pre gutom na masyado." Paalam ko. Next day nakita ko may kasama siya nag-iinuman sila sa may tindahan isang Linggo ng gabi. Tinagayan nila ako kaya nakisali na din bilang respito. Dun nagsisimula ang pagkakaibigan namin. "Pre kung gusto mo ng other sideline, pwede kang muextra sa kakilala namin na club. Malaki din kita dun kapag nagustuhan ka ng client dun. "Huh, club?" "Oo club ng mga lalaki at bading ang mga customer dun at may idad na babae na gusto ng panandaliang aliw." Sabi ni Mike. "Minsan umextra ako dun kapag kailangan ko ng agarang cash." Sabi pa niya. "Pasayaw sayaw ka lang naman dun at makikipagharutan sa mga customer. Okay lang yun, lalaki naman tayo walang mawawala sa atin." Dahil sa sinabi ni Mike, sumama ako para matry ko kasi kailangan ko ng dagdag income dahil sa gamot ni Tatay. "Pre mas malaki pa income dito kaysa pamamasada, di pa mahirap. Lalo na kapag may bading na nagustuhan ka. Madali lang pera nun. Pwede kitang hanapan ng customer. Ako ang magiging runner mo." Di ko exactly alam ang ways dito pero nagtry parin ako. Nagtiwala sa mga kaibigan. Lahat gagawin ko para umasenso. Walang alam si Yama sa mga pinaggagawa ko. Ang alam niya namamasada ako kapag gabi. "Pre kaibigan mo pala sila Mike at Rex." Kausap ni Alwin sa akin ng maaga akong nag-parking kasi may trabaho pa ako sa club. "Oo pre, mga kapitbahay natin sila." "Ingat ka nalang dun sa dalawa. Wag mong hahayaan na malunod ka sa bisyo nila. Pakiramdaman mo ang iyong sarili kapag di okay umiwas kana." Paalala sa akin ni Alwin. Di ko pa siya maintindihan nun kasi tinutulungan din ako nila Mike at Rex. Dahil sa pagsama ko sa dalawa. Unti unti ko na din natutunan ang mga bisyo nila. Mas naging open ako sa realidad. Pero linimitahan ko ang aking sarili. Minsan di ko akalain na nakukuha ko na ang mga style nila kasi sila ang palagi kong kasama. Natuto akong magsugal, uminum at magyosi na di ko halos ginagawa nun sa probinsya. Minsan may mga babae pa sila pero di ko kayang ipagpalit ang asawa ko. Mas maganda pa si Yama sa mga babae na ipinakilala nila Mike sa akin. Akala ko kaibigan ko silang tunay, may malasakit sa akin, yun pala ginagamit lang ako para makakuha ng pera para matugunan ang mga bisyo nila. Nong nalaman nila about Kay Rox, sila ang nagsulsol sa akin kung paano pa makuha ng pera dun sa tao at kung paano mapalaki ang perang hawak ko. Ako naman dahil sa kagustuhang nakaraos, makawala sa kinasadlakan ko at masolve lahat ng problema, ginawa ko lahat ng payo nila. Nang naubos ang pera ko nawala din sila ng parang bula. Sobra akong nagsisi sa nangyari sa amin ni Yama at sa ginawa ko. Ang mabuting naidulot lang dun sa desisyon ko ay naging matagumpay ang operation ni Tatay at nakalabas na sa hospital pero kapalit naman nun ay pagkawala ng asawa ko. Di ko makalimutan kong ilang beses na siyang umiiyak sa harapan ko at nagmamakaawa na wag ituloy ang balak ko pero huli na ang lahat kasi nakakuha na ako ng pera, nakaperma na ako sa lahat. Makapangyarihan si Rox, di ako pwedeng umatras sa aking sinumpaan. Sobrang galit ko sa dalawa kasi sinakyan nila ang sitwasyon at ang kahinaan ko. Gusto ko silang patayin pero ayaw ko ng dagdagan pa ang problema, mas malulong ako sa masama kapag damdamin ko ang pinairal. Kaya umalis ako sa lugar na yun. Wala na din akong mukhang maiharap sa mga dun kasi usap usapan na ang nangyari sa amin na iniwan ako ng asawa at sumama sa mayaman. May iba din na chismis na ibininta ko siya, kaya may galit din sa akin lalo na sa mga babae. Ngayon nagsisimula akong muli na wala si Yama sa buhay ko. Pero di ko sasayangin na perang nakuha ko mula kay Rox. Gagamitin ko ito para umasenso. Kukunin ko siyang muli sa kanya. Magsasama kami ni Yama uli katulad ng pangarap namin noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD