Rox Wilford Bumangon ako kinaumagahan at kinausap si Yama na parang wala lang. I pretended na walang alam even though I felt threatened. "Babe, I'm going out for a lunch meeting later. What do you want na dadalhin ko pagbalik ng office?" Tanong ko as she arranges the files and paper works on my table. "Kahit wag na, marami namang pagkain sa canteen, magpabili nalang kami ni Joyce sa utility mamaya." Simply niyang sagot. Di talaga siya mapagsamantalang tao. Ako na nga ang nag-offer di pa kinagat, kung ang iba diyan nagkukumahog na at possible mamimili pa sa ipabibili. She looks at me na may pagtataka ng nakatitig lang ako sa kanya. "Ayaw mo na sumama ako sa meeting mo? Di mo kailangan ng tagalista ng minutes sa meeting nyo?" Kung sa ibang araw lang ito, masaya akong isasama siya sa

