bc

My Possessive Tyrant Lover

book_age12+
1.9K
FOLLOW
6.2K
READ
family
fated
brave
bxg
campus
first love
school
weak to strong
love at the first sight
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

May isang Babae na mahirap ang buhay sa kamay ng kanyang Auntie na umampon sa kanya ay ginagawa siyang kasambahay at araw-araw at gabi-gabi siyang inaabuso. Ang pangalan niya ay Janelle Fernandez. Palihim siyang kumuha ng entrance Exam sa Claymore University sa tulong ng kanyang Best Friend at swerteng nakapasa sa Entrance exam at nakarating sa mas mataas na lugar. Hindi niya alam ang maganda, perpekto, at magandang Unibersidad na pinasukan niya ay misteryoso sa normal na mundo. Akala niya ay normal at bagong buhay na siya sa lugar na iyon ngunit hindi niya alam na hindi normal ang lugar na iyon. At hindi ka makakatakas kapag nakapasok ka sa Unibersidad na iyon. Pero may nagprotekta sa kanya sa loob at ang lalaking iyon ang may-ari ng University. Ang pinuno ng Paaralan at ang Isa na namuno.

"Now you are in my property and my world, you're no longer a maid... you're now my Princess."

-Simon Axel Claymore

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Claymore University
Mabilis na minaneho ng Dalaga ang kanyang sasakyan dahil hinahabol kasi siya ng mga di kilalang lalaki na gustong pumatay sa kanya. Sunod sunod ang putok ng b***l ang kanyang naririnig mula sa mga taong humahabol sa kanya at tinamaan naman ang kotse niya nun. "Sh*t!" Nagpatuloy pa din siya sa pagmamaneho nang biglang tumunog ang cellphone niya at walang daladalawang isip at agad naman niyang sinagot ang tawag. "Princess, where are you?!" agad bungad sa kanya ng katawag niya sa kabilang linya. "Big Brother... someone chasing me." Napamura naman ang kapatid niya sa kabilang linya dahil nasa delikadong sitwasyon ang Kapatid niya. "Princess, where are you? Please tell me. I'm going to save you." Mabilis pa ding pinatakbo ng dalaga ang sasakyan nito nang biglang may bumaril sa gulong nito kaya nagpagewang gewang ang sasakyan nito at tamang tama na sa may bangin ang dinaanan niya. "Nah, I think this is my end, Big brother." Naisip ng dalaga na ito na ang karma niya sa mga ginawa niyang pagpatay sa mga kalaban at mukhang susunod na siyang mamamatay. Tanggap na niya na sinusundo na siya ng kamatayan ngayon. "No! Princess, don't say that, please!" "I love you and goodbye, Brother." Bigla na lang napunta sa bangin ang sasakyan ng dalaga at bumaba naman ang mga kalaban at pinagbabaril ang sasakyan hanggang bumagsak ang sasakyan sa tubig. At dahan dahang pumikit na lang ito dahil naramdaman niya na may tama din siya sa dibdib niya. ***** 5 years later... Nakaupo sa kanyang opisina ang isang binata at tinitingnan ang mga form ng mga estudyante na nag entrance exam sa kanyang Unibersidad. "Young Master, yan na po ang lahat ng mga estudyante na nag entrance exam. At lumabas na po ang resulta sa mga nagte take ng exa--" Di pinatapos ng binata ang pagsasalita nito at inilapag ang mga folder sa mesa. "Wala sa kanila," naiinip na sabi ng binata. May hinahanap kasi siyang babae na matagal na niyang gustong makita at ito ang kanyang kababata na si Amber. Ang di niya malilimutan sa kababata ay ang kulay pink nitong mga mata. Nagkahiwalay sila simula 15 taon na ang nagdaan at di niya alam kung naaalala pa kaya siya nito. Nalaman din niya 5 taon na ang nagdaan simula nung nahulog ang sasakyang minamaneho ng dalaga at pinapahanap niya pa din ito sa boung France di lang sa france sa boung Europe pero wala silang makita. Di siya susuko at alam niya na buhay pa ito. "Kukunin ko na po ang mga folders." Tumango na lang ang binata at napansin niya ang hawak ng butler niya na isang folder agad na kinuha niya yun sa kamay ng butler niya napatingin siya dito at bigla na lang bumilis ang puso niya. Kinuha ito ng butler niya. "Wait, give me that." Walang nagawa ang Butler kundi ang ibigay ang folder at tiningnan niya agad ang mukha nito. "Young Master, that girl is Janelle Fernandez, she's the one who got the highest score in the Entrance Exam." Di alam ng binata may kakaiba sa babaeng nasa litrato parang may pagkahawig ito kay Amber at tiningnan niya ang bughaw na mga mata nito. Napahawak ulit siya sa kanyang puso parang lalabas na dahil sa ang bilis ng t***k. "She's the one." ****** Napamulat si Janelle dahil sa lakas ng katok sa kwarto niya agad naman siyang tumayo agad at dumiretso sa pinto. Pagbukas niya nakita niya ang galit na mukha ng Tita niya. "Anong oras na! Di ka pa nagsasaing at nagtimpla ng kape namin!" Napabuntong hininga na lang ang dalaga. "Sorry po, Tita," sabi na lang ng dalaga at dumiretso sa kusina para magsaing at magtimpla ng kape. Sanay na siya sa bunganga ng Tita niya. Siya nga pala si Janelle Fernandez, 19 taong gulang. Nakikitira lamang siya sa taong di niya kadugo. Nakita siya ng kanyang Tito sa dagat na nagpalutang lutang kaya napag isipan na lang nito na i-adopt na lang siya at pag aralin kasama ang anak nito na si Chloe. Wala ang Tito niya dahil isa itong seaman taga isang taon dalawang beses lang umuuwi. Kaya para siyang si Cinderella sa story na toh dahil sa ugali ng Tita niya at ng anak nito. Janelle POV* "Yan kasi, ang tagal gumising. Tsk." Napatingin ako kay Chloe na kalalabas lang sa kwarto nito. Siya din naman matagal gumigising. Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pag timpla at binigay ko sa kanila ang kape nila. Forward... Nagbihis na ako at sumakay na sa kanilang sasakyan dahil ako ang driver nila. Si Tita kasi isa siyang teacher sa pinapasukan kong university. "Mom, may project kami and it costs 600 lang naman." Napatingin na lang ako kay Chloe sa salamin na nasa harapan ko. Nasa likuran kasi silang dalawa nakaupo. "Heto oh. Ibili mo yan ng project mo ha." "Yes, I will, Mom. Thanks." Napabuntong hininga na lang ako. Ako din naman may babayaran din akong project. Nahihiya akong manghingi kay Tita pero kailangan talaga eh. Pakapalan na ng mukha ito. "Tita, ako din po. May project din po ako." Nagkatitigan naman silang dalawa. Alam ko na ang isasagot niya. Wala na naman siyang pera. "Wag nala..." "Heto." Napatingin ako sa perang inabot niya. 200 lang naman. Pero gulat na gulat pa din ako dahil bihira lang kung magbigay ito. "Kukunin mo o hindi?" "K-kukunin ko po." Sabi ko sabay kuha. At binalik ang tingin ko sa daan. "Salamat po." Di na siya sumagot. Full Sun ba ngayon? Bakit ang himala? Lucky day ko ba ngayon? Nakarating na kami sa university at pinark ko na ang sasakyan at bumaba na agad sila at di na ako hinintay pa. Sanay na ako na ganito araw araw. "Janelle!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Ang kaibigan ko pala na si Keana. "Good Morning," sabi nito at niyakap ako. "Good Morning din. Bakit ka nagsisigaw? Ang aga aga pa oh." "Hala! Nalimutan mo? Nakapost na sa board ang mga nakapasa sa Entrance exam sa Claymore University! Tara na hanapin natin pangalan mo!" Agad niya akong kinaladkad papuntang Post board at nagpadala na lang ako. Suko na ako dahil ang hirao ng Exam at di ko alam kung napasa ko ba yun o hindi. Napakaraming estudyante ang nakatingin sa board at nangangarap na makapasok sa pinakamayamang school na yun na tinatawag nilang Claymore University. Doon nag aaral ang mga mayayamang estudyante, mga anak ng artista, mga royal blood at marami pa na kilalang kilala sa boung mundo. Pag kami pumasa sa Entrance Exam nila ay libre na lahat kaya ngayon nakipag siksikan kami para makita lamang ang pangalan namin. May nakita akong mga estudyante na umiiyak at may nagagalit din. Meron ding nagtatalon sa saya. Kaya pala maraming estudyante dito dahil inipon pala dito ang mga pangalan ng ibang estudyante sa ibang school at ang mga nakapasa lamang ay 20 sa ilang region ang nandito sa pilipinas 20 lang ang naka pasa? Binasa ko lang kung ano ang nakalagay sa board. Sinimulan ko sa huli ang pag hahanap sa pangalan ko hanggang sa nanlalaki ang mata ko dahil nasa Top 1 ako sa papel. "Woah! Tama ba ang nakikita ko, Janelle?! Top 1 ka! Ang talino mo talaga!" Nagtatalon talon na sabi ni Keana. Napahawak siya sa kanyang puso ang bilis ng t***k ng puso niya. So ano na lang ako? Lalabas na ang puso ko! "Panaginip ba toh, Keana?" Bigla niya akong sinampal. Kaya napahawak ako sa mukha ko at masama siyang tiningnan. "Why did you do that." "Ginawa ko yun para sabihing gising ka. Hindi ka nananaginip. Makakaalis ka na sa puder ng Tita mo. I'm so happy for you, Janelle." Naiiyak na sabi ni Kaeana. Niyakap ko siya. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa akin. Matagal na niyang gustong umalis ako sa puder nila Tita pero ako naman ang ayaw at siya din ang nagsabi na subukan kong mag entrance exam para daw kung makapasa ako makaalis na ako sa puder ng Tita ko. "Mamimiss kita, Janelle. Wag mo kong kalimutan ha." "Never kitang kakalimutan, Keana." Nasa bahay ako ngayon at sinabi ko kay Tita ang tungkol sa pagkapasa ko sa Claymore. "Oh, pagkatapos ng ginawa namin sayo aalis ka lang? Wala ka talagang utang na loob noh," nakapamewang na sabi ni Tita. "Di naman po sa ganun..." "Wag ka ng magsalita, lumayas ka na wag ka ng umuwi. Wala ka ng uuwian!" sabay tulak ng mga bagahe ko palabas at tinulak din ako ni Chloe at isinirado na nila ang pinto. Napayuko na lang ako at hinawakan ang pinto nila. "Mamimiss ko kayo." May naipon naman ako para pambili ng personal na pangangailangan ko at ang pakiramdam ko ngayon ay parang nabunutan ako ng tinik. Kinuha ko na ang bagahe ko at sumakay na ng taxi papunta sa university. Nandun na ang isang bus at may mga estudyante at parents sa paligid. Nagpapaalam sa mga parents nila pero ako wala. Sanay na ako na walang umaattend kaya di na ito bago sa akin. Isinakay na sa bus ang gamit ko at nandito pa din ako sa labas ng bus may hinihintay ako. "We're leaving, Miss Fernandez?" tanong nung driver. "Wait lang po. May hinihintay pa po ako." Tumingin ako sa paligid. Wala pa din siya. Please sana makita kita bago ako umalis, Keana! After 3 mins wala pa din at dahil nakaka estorbo na ako ay sasakay na sana ako nang marinig ko ang boses na kanina ko pa hinihintay. "Janelle!" Napatingin ako sa kanya at niyakap siya. "Keana, mabuti nakita kita," Umiiyak na sabi ko. "Mabuti naka abot ako. Ito, alagaan mo sarili mo." Sabay bigay sa akin ng malaking bag na kinalaki ng mga mata ko. "Anong laman nito." "Foods, clothes, make ups, basta marami akong nilagay diyan na magagamit mo. Mag iingat ka, Bestfriend." Napangiti ako at tumango. "Same to you. See you soon." Bumitaw na ako ng yakap sa kanya at pumasok na ako sa loob ng bus at nagwave sa kanya at ganun din siya. Salamat dahil nakilala ko ang babaeng naging tunay na kaibigan ko. May mga ganung tao pala na nabubuhay dito sa mundo. Sana may makilala pa akong ganung tao sa papasukan kong school. ***** LMCD22

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected

read
133.4K
bc

Just Got Lucky

read
142.1K
bc

The Lone Alpha

read
33.9K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.2K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.7K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.2K
bc

Cruel Love

read
774.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook