EPISODE 1
RICHMOND POV;
Malakas ang ulan at malalaking alon sa dagat. Sabayan pa ng malakas na kidlat at malakas na hangin.
Kita ni Richmond ang batang babae nagkakapa ito sa tubig dagat, humihingi ito ng tulong sa kanya.
Yana!! humawak ka sa kamay ko" sigaw pa nya sabay pilit na ini abut ang batang babae.
Hanggang sa nakita ni Richmond ang isang malaking alon patungo ito sa kanilang puwisto.
Plano na nyang tumalon mula sa pagka patung sa styrofoam para iligtas ang bata na si Yana, ngunit na unahan na siya ng malaking alon. Nilamun na ng malaking alon ang bata na si Yana papalayo kay Richmond.
Yana!! Yana!! sigaw pa nya habang hinahanap ang batang babae sa gitna ng karagatan.
Napadilat ng mga mata si Richmond, habang hingal na hingal napa bangon mula sa kama. Kahit bukas ang Aircon ay matindi parin ang pawis na dumadaloy sa kanyang katawan. Alam nyang isang panaginip lang iyon. Isang panaginip sa nakaraan, na kailanman ay hindi na nya matatakasan pa.
Napahilamos siya ng mukha kasabay ang pag buntong hininga. Naramdaman niyang may gumalaw sa kanyang tagiliran mula sa kama, kaya mabilis siyang napalingon.
Nakita niyang mahimbing natutulog ang babae, dun nya naalala na pumunta pala siya sa birthday party ni Don Theodoro kagabi. Kahit naging abalang tao siya, alam niyang mag tatampo ito kapag hindi siya dadalo sa birthday party nito. Kaya kahit na marami siyang ginagawa ay pinag cancel nya ito sa kanyang secretarya, para pag bigyan lang ang gusto nitong makadalo siya sa birthday party nito. Hanggang sa nakilala nga niya ang babae na si Yvette, Naging magiliw ang kanyang pag trato sa babae, kaya hindi na ito humihiwalay pa sa kanyang tabi, dahil panay na ang pag dikit nito sa kanya kung saan man siya mag punta.
Dahan dahang tumayo si Richmond mula sa kama, para hindi magising ang babae na mahimbing natutulog mula sa kama. Kinuha nya ang kanyang relo at sinipat ang oras, kita nya na mag alas quadtro palang ng madaling araw.
Mabilis siyang nagtungo sa banyo at nag hilamos ng mukha. Ng makuntinto ay mabilis niyang hinagilap isa isa ang sout niyang mga damit.
Napangiwi pa siya ng makita kung saan saan nalang naka sabit ang mga kasoutan niya.
Aaminin niyang nag enjoy din siya ng subra kagabi. Napaka wild din ng babae pag dating sa kama.
Dumukot siya ng pera, malaking halaga iyon mula sa kanyang wallet at nilapag nya ito sa lamesa na nasa gilid ng hinihigaan ng babae.
Ng masiguro na oky na ang kanyang ayos ay dahan dahan na siyang lumabas sa room na kanilang pinag chick inan.
Muli siyang napabuntong hininga at hinimas ang kanyang sintido. Nakaramdam na siya ng kunting kirot sa kanyang ulo. Alam nya na papunta na iyon sa migraine.
Habang nag mamaniho ay lumilipad na naman ang kanyang isip. Di nya namalayan na nasa Manila Bay na pala siya, Kaya mabilis niyang inihinto ang kanyang sasakyan at nag desisyong lumabas.
Sumandal siya sa kanyang sasakyan at nag sindi ng sigarilyo.
Kita nya ang unti unting pag litaw ng araw sa bandang silingan. Unti unti narin lumiliwanag ang paligid.
"Kung nabubuhay kalang siguro hanggang ngayon, ano kaya ang naging takbo ng buhay mo"? Kasama parin ba kaya ako sa mga naging pangarap mo. wika pa ng kanyang isip habang tinatanaw ang dagat na tahimik lamang.
Nang napansin nyang ubos na ang hinihihit na sigarilyo ay nag desisyon muna siyang dumaan sa kanilang hide out.
Big Boss, wika pa ni Polo Isa sa kanyang pinagkakatiwalaan na tauhan. Mabilis siyang nakita nito pag pasok palang niya sa kanilang hide out.
Naka handa na ba ang kontrabando para mamayang gabi? tanong pa nya dito.
Ready na ready natu Boss, ang buyer nalang ang sinisigurado ni Penny. Nakangiti pang sagot nito sa kanya.
Siguradohin nyong hindi pa palpak ang transection natin mamaya Polo, malaking halaga ang mawawala kung mabulinyaso ang transection natin mamayang gabi. Sabi pa ni Richmond habang isa isang tinitignan ang mga laman ng mahahabang kahon. Naglalaman ito ng iba't ibang klasing Baril.
Ayaw ko din po mangyari yon Boss, kailangan ko din kasi ng pera. May sakit sa puso ang tatay ko, kaya dapat hindi tayo ma aberya mamayang gabi. Seryosong sagot pa ni Polo.
Tinapik lang ni Richmond ang balikat nito, isa iyong pahiwatig na naintindihan niya ito.
Uuwi muna ako at mag palit ng damit. Paalam pa nya sabay talikud sa kanyang mga tauhan.
Isang big time Smuggling at Business tycoon si Richmond. Kilala ang dalawa niyang kataohan bilang si Big Boss sa Mundo ng smuggling at Richmond bilang Isang Top Young Business man sa larangan ng pag nenegosyo sa edad tatlumpong taong gulang.
Hinahangaan siya ng mga kasosyo nya sa negosyo at kina inggitan naman siya ng iba. Kaya di maisawan na magkaroon siyang mga ka kompetinsya sa larangan man ng negosyo o sa Mundo ng smuggling.
Kilala si Richmond bilang Isang magaling mag transection ng mga kontrabandong katulad ng mga armas at iba pang arms Trafficking.
Ang arms trafficking o gunrunning ay ang ipinagbabawal na kalakalan ng kontrabandong katulad sa armas, pampasabog, at bala, na bumubuo ng bahagi ng malawak na hanay ng mga ilegal na aktibidad na kadalasang nauugnay sa mga transnational na organisasyong kriminal.
SAMANTALA
YASMIN POV;
Napabuntong hininga si Yasmin habang nangalumbaba sa lamesa, habang nag aabang ng costumers na papasok sa maliit na restaurant na kanyang pinapasukan.
Ayan, kaya dina dinadagsa ang bar na ito dahil sa isang babae diyan, nangulambaba na naman sa gilid ng counter, sabi pa ng baklita na si Carlota.
Alam mo bakla, maraming ibig sabihin niyan ehh, sabi pa ni Roxanne sa kaibigan na si Carlota.
Ayy, sige sige ano yan, excited pang tanong ni Carlota kay Roxanne.
Ang una, kapag napakalalim ng pag buntong hininga, ang ibig sabihin nun ay pera, kapag katamtamang pag buntong hininga naman ang ibig sabihin nun ay problema sa pamilya. At kung pag buntong hininga na simple lang na may halong pa cute ay problema sa love life yon. Mahabang paliwanag pa ni Roxanne kay Carlota.
Oh, asan naman doon ang problema ni Yasmin.
Uhm, Tika matignan nga, sabi pa ni Roxanne sabay baling ng tingin kay Yasmin.
Alam nyo ang dami nyong kalokuhan. Nakangiting sabi pa ni Yasmin sa dalawang kaibigan.
Eh, ano nga ba ang ibig sabihin ng pag buntong hininga mo? tanong ni Roxanne sa kanya.
Iniisip ko lang kasi, kung bakit hanggang ngayon dipa bumabalik ang mga nawawala kung alaala. seryoso pa niyang sagot kay Roxanne.
Ah, yon lang pala ang ibig sabihin ng pag buntong hininga mo. sabi pa ni Roxanne sa kanya
"At bakit mo naman gustong maibalik ang mga alaala mo bakla, dahil ba may past ka dun na kailangan balikan? nakangising tanong pa ni Carlota.
Hindi madali para sakin ang nangangapa sa dilim mga bakla. Hindi ko alam kung saan ako nanggaling at kung may mga pamilya pa ba ako na naghihintay sa pag babalik ko. Ilang taon na ang lumipas simula ng makita ako ni Nanay Trinidad sa tabing dagat. sabi pa nya at muling nangalumbaba.
Bakla, wag mong pilitin kung ayaw pang bumalik ng mga alaala mo, Sige ka baka magugulat ka nalang sa katotohanan kapag sabay sabay bumabalik ang mga alaala mo. Hayaan mo nalang na unti unting bumabalik ang mga iyon. Masasagot din yang mga katanungan mo kapag dahan dahang bumabalik ang mga nawawalang alaala mo. seryoso pang sabi ni Roxanne sa kanya.
Muli siyang napabuntong hininga at matamang tinignan si Roxanne.
Kaya ba, hanggang ngayon di mo pa sinasagot si Papa Richard? tanong pa ni Carlota sa kanya.
Dahan dahan siyang tumango.
Ay, paano nalang pala kung habang buhay kanang ganyan.? So, ang ibig sabihin nun, talagang basted na si Papa Richard ko"? tanong pa nito sabay nag kunwaring nag pupunas ng mga luha sa kanyang mga mata.
Pag isipan ko pa ang tungkol kay Richard. Sa ngayon kailangan ko munang mag focus kay Nanay Trinidad. Lumalala na kasi ang pananakit ng kanyang puso.
Hayy,, sabay pang sabi ng dalawa niyang kaibigan.
Sayang din si Papa Richard, nasa kanya na ang lahat. Mayaman, gwapo, matangkad at higit sa lahat mahal ka nung tao. sabi pa ni Carlota sabay irap sa kanya.
Iwan ko ba, kung bakit wala akung naramdaman nakakaiba sa kanya. seryosong sagot pa nya sa kanyang mga kaibigan.
Aysus, Sige ka baka gigising yon sa katotohanan at maisipan nun maghanap ng iba. Ikaw din, baka magsisi ka sa huli. dagdag pang sabi ni Roxanne sa kanya.
Hoyy, nandito lang pala kayo'' sabi ni Carlo sabay lapit sa kanila.
Sabay silang napalingon sa Chief cook nilang kaibigan.
Oo nga ehh, kanina pa kaya kami dito. Gusto mo bang sumali sa usapan namin Papa Carlo"? pa cute pang tanong ni Carlota sa kaibigan nilang Chief cook.
Tsk! nag alala na nga ako para dito sa restaurant na ito. pakiramdam ko, ano mang oras ay bigla nalang ito mag sasara. Baka tuloyan na tayo mawalan ng trabaho, kapag magsara na ang restaurant na ito. seryosong sabi pa ni Carlo sabay tingin sa entrance door ng restaurant.
Napalingon din sila sa direksyon kung nasaan nakatingin si Carlo.
Oo nga, kaya bago paman mangyari yon, kailangan na natin maghanap ng mapapasukan na trabaho. Wika pa ni Roxanne.
Ang totoo may napag aplayan na ako, Plano ko kasing lumipat na sa ibang restaurant. sabi pa ng kaibigan nilang Chief cook.
Oy, sama mo rin kami diyan, alam mo namang kailangan din namin ng trabaho. sabi pa Carlota.
Kung gusto nyo, sumama kayo sakin bukas, may pupuntahan tayo sa Makati, isang bagong bukas na restaurant s***h club. nakangiting sabi pa ni Carlo sa kanila.
Sabay sabay silang tatlong napa tingin kay Carlo.
Sige game diyan kami bukas, e anong oras naman? tanong pa ni Roxanne kay Carlo,
Mga ala Una, itext ko sa Inyo ang address. Dapat nagkita kita na tayo sa labas ng Blue Moon para sabay na tayong pumasok doon. sagot naman ni Carlo.
Natigilan silang lahat ng biglang tumonug ang telepono sa gilid ng counter.
Mabilis tumalima si Roxanne at sinagot ang tawag.
Hello? sagot nito sa kabilang linya.
May nag order ba? tanong ni Carlota ng binaba na ni Roxanne ang telepono.
Oo eh, Dating Customer umorder, hala paano yan? wala si Mang Oscar nag day off. sabi pa ni Roxanne sabay baling ng tingin sa kanilang tatlo.
Si Yasmin nalang kaya, suhistiyon pa ni Carlota.
Ha, tika bakit ako"!? gulat na tanong ni Yasmin sa kanyang kaibigan na si Carlota.
Bakla, diba marunong ka mag scooter at tsaka diba di pa expired yong ID license mo"? tanong pa ni Carlota sa kanya.
Nagtatakang napatangu na lamang si Yasmin sa tanong ng kanyang kaibigan.
O yan naman pala eh, Chief cook Carlo, ready to cook na"! sabi pa ni Roxanne sabay baling ng tingin kay Carlo.
Ayy, oo nga ano sige" sabi pa ni Carlo sabay lakad pa balik sa loob ng kusina ng restaurant.
Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na ang pagluluto sa inorder ng Costumer.
O ayan na ang pagkain. Ihatid mo yan ng ligtas huh bakla. Nakangiting sabi pa ni Carlota sa kanya.
Wala nang nagawa pa si Yasmin at kinuha ang isang katamtamang laki ng box.
Wag mo kalimutan isout lagi ang helmet bakla, at wag mag drive ng mabilis. Tapos soutin mo ang helmet sa pag drive pa balik dito. Para always safe, baka kasi may mangyari sayo sa kalsada. Naku, baka kakatayin kami ni Richard ng buhay. sabi pa ni Roxanne sabay sout ng helmet kay Yasmin.
Alam nyo ba, hindi kayo na uubosan ng kalukohan. sabi pa ni Yasmin sabay ayos ng helmet sa kanyang ulo. Aalis na ako, sabi pa nya sa kanyang mga kaibigan.
Mabilis niyang binuksan ang makina ng scooter at di naman nag tagal ay binaybay na nya ang daanan patungo sa lugar ng kanyang pag dilibiran ng pagkain.
Pagkalipas ng kalahating oras ay dumating siya sa address na nakasulat sa papel na hawak hawak nya.
Muli niyang sinipat ang numero na nakadikit sa pader ng gate.
Ito na nga ang lugar, bulong pa nya sa kanyang sarili sabay patay sa makina ng scooter.
Dahan dahan niyang tinungo ang doorbell at pinindot iyon.
Ng may bumukas sa gate, kita pa nya ang isang lalake naka uniforme itong kulay puti, parang uniforme ng mga driver o kaya body guard.
Hi po, ito po ba ang bahay ni Mr. Beboy Escalante? magalang pa nyang tanong dito.
Oo bakit? seryosong tanong pa nito sa kanya habang naka dikit ang mag kabilang kilay
May order po siya, pagkain po galing sa Tusukan Restaurant. Magalang pa niyang sagot dito kahit na nakaramdam na siya ng kunting kaba sa dibdib.
Ah, saglit lang. sabi nito sabay sira ng gate. Di naman nag tagal ay muling binuksan ng lalake ang gate na may katamtamang laki.
Sige miss pumasok kana sa loob, diku kasi puwideng iwan ang puwisto ko. sabi pa ng lalake na naka uniforme sa kanya.
Kahit dito nalang po ako, bayaran nyo nalang ako ng dalawang libo, aalis narin po kasi ako. sabi pa nya sabay abut ng resibo.
Ay hindi pwide Miss, nandito kasi ang big boss namin. baka magalit yon sakin kung maabutan akung wala sa puwisto ko.
Ayy, ganun po ba? pag alinlangan niyang sagot.
Sagi na miss, pumasok kana, tapos pag ka dating mo sa sala nasa kaliwa ang elevator, sumakay ka ng elevator nasa 3rd floor lang sila. sabi pa ng lalake sa kanya.
Sige na nga, sagot pa nya sabay kuha ng katamtamang laki ng box.
Pag pasok nya sa loob ng bakuran ay napahanga pa siya sa ganda nito. Malaki at madami pang mga halaman at bulaklak sa bawat gilid ng pader.
"At may elevator pa talaga sa loob ng bahay huh, mangha pang nyang bulong sa kanyang sarili.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng elevator pagka kita niya na nakabukas ito.
Nag mag sara ang elevator ay mabilis niyang pinindot ang 3rd floor button. Di naman nag tagal ay kusa narin ito nag bukas pagdating sa 3rd floor.
Akmang lalabas na sana siya sa elevator ng bigla siyang natigilan. Dahil puro kalalakihan at armado ang nakikita niya mula sa labas ng elevator. Mabilis napalingon sa kanyang deriksyon ang ibang kalalakihan. May mga hawak itong mga shotguns.
Napalunok pa siya ng laway, di nya alam kung hahakbang pa ba siya ng pasulong o aatras nalang pa balik sa baba, Piro paano nalang ang order na pagkain. Di nya kayang tapalan iyon.
"Ano miss ganda, lalabas ka pa ba diyan o diyan ka nalang sa loob ng elevator? kunot noong tanong ng isang lalake na may hawak na shotgun.
Kita ni Yasmin na kumikintab pa ang hawak nitong shotgun kapag natatamaan sa liwanag ng ilaw.
"Baka natakot sa hawak nating shotgun mga pare. Natatawang sabi pa ng payat na lalake.
Wag kang mag alala Miss ganda, di para sayo ang mga bala nito. Naka ngising sabi pa ng isang lalake sa kanya.
Muli siyang napa lunok ng laway.
Kita ni Yasmin naka all black ang mga ito
Hoyy, kunin nyo na ang pagkain at ng makaalis na si Miss ganda. sabi pa ng matabang lalake sa ibang kalalakihan.
Kaya mabilis siyang lumabas mula sa elevator at binigay ang hawak na box sa isang lalake
Sige na Miss ganda, maari kanang umalis. utos pa ng matabang lalake sa kanya
Uhm, wa-wala pa po kasing bayad yan. na iilang pa nyang sagot sa matabang lalake. Sa tingin ni Yasmin ito na kaya ang big boss na sinasabi ng guardia sa may gate.
Ay, Oo nga ano? Tika magkanu ang lahat nang to? tanong ng matabang lalake sa kanya.
Ito po ang resibo, Sabi pa ni Yasmin sabay abut ng resibo sa matabang lalake
Tinanggap naman kaagad ng matabang lalake ang resibo at tinignan ang halaga na nakasulat.
Talaga naman si big boss, mahilig talaga siya sa pagkaing kare kare. sabi pa ng matabang lalake.
Natigilan si Yasmin at tinignan ang matabang lalake.
Ahh, mali hindi siya ang big boss. sabi pa ng kanyang isip
Nakita pa niyang ngumingiti ang matabang lalake, ng napansin ng matabang lalake na nakatingin siya ay bigla itong tumigil sa pag ngiti.
Ah, pasinsya kana, paborito talaga kasi ni Big Boss ang pagkain na Kare Kare, hinging paumanhin pa nito sa kanya.
Gumanti narin siya ng ngiti sa matabang lalake.
Kinuha ng matabang lalake ang wallet mula sa sout nitong pantalon at binigyan siya ng tatlong libo, mabilis nya naman tinanggap ang pera. Akmang kukuha siya ng panukli ay mabilis naman siyang pinigilan.
Wag na Miss ganda, keep the changes nalang. nakangiting sabi pa nito sa kanya.
Pero malaki pa po ang sukli, nagtatakang sabi pa nya sa matabang lalake.
Wag na, sayo na yang sukli. Tika san pala si Mang Oscar, at bakit ikaw ang nag diliver ng pagkain ngayon. Takang tanong nito sa kanya.
Kilala nyo ang dilivery man namin? nagtatakang tanong ni Yasmin pabalik sa matabang lalake.
Oo naman, doon kaya kami sa restaurant nyo lagi umo order ng pagkain. Lalo na si Big Boss, kapag dumadaan dito, gusto nya kasi ang lutong pagkain nyo. mahabang paliwanag pa ng matabang lalake sa kanya."Ayy, ako nga pala si Polo, pakilala pa nito sa kanya.
Yasmin, Yasmin ang pangalan ko, nag day off kasi si Mang Oscar, kaya ako nalang ang nag deliver. paliwanag pa nya sa matabang lalake.
Ah, ganon ba? kaya pala. nakangiting sagot pa ng matabang lalake sa kanya.
Aalis na po ako sir, Sabi pa nya sabay kuha ng katamtamang laki ng box.
Sige, thank you sa food. sagot nito sabay talikud kay Yasmin at binuksan ang class door ng kwarto.
Muling naglakad si Yasmin pabalik sa elevator. Natigilan pa siya ng biglang tumigil ang elevator sa second floor. Ng bumukas iyon ay nakita niyang may apat na lalake na papasuk. Seryosong nakatingin ang mga ito sa kanya, kaya mabilis siyang napayuko.
Kita niyang may mga sukbit itong mga baril na Pestol sa bawat tagiliran ang mga kalalakihan.
Boss, bukas na po ang elevator. sabi pa ng isang lalake.
Napatingala si Yasmin at tumingin sa pintuan ng elevator, nakita nya ang isang lalake. Nagulat itong nakatingin sa kanya na may bahid na pagtataka.
Hindi din maialis ni Yasmin ang kanyang paningin sa hitsura ng lalake, paano naman kasi napaka gwapo nito sa sout na long polo black stripe na damit.
Ahm, Miss, can you step back, because you are blocking the elevator door. And we can't enter because of you. rinig pa nyang sabi ng lalake sa kanya.
Napa balik sa wisyo si Yasmin ng pumitik ito sa hangin kanyang harapan.
Napa kurap pa si Yasmin ng ilang bisis dahil sa ginawa lalake sa kanya. rinig pa nya ang pagbungisngis ng apat na kalalakihan mula sa labas ng elevator.
S-sorry po kung nakaharang ako. sabi pa nya sabay yuko, napakagat labi pa sya dala ng pagkahiya.
Naramdaman din niyang kumabug ng malakas ang kanyang dibdib.
Penny, sabihan mo si Julio na may kailangan siyang puntahan, piro dumaan muna siya sakin. sabi pa ng gwapong lalake sa katabi nitong lalake na may sukbit na baril.
Opo boss, mabilis nitong sagot sa gwapong lalake.
Sa isip ni Yasmin,. ito na siguro ang Big Boss nila.
Hanggang sa bumukas na ang elevator, nagpalinga linga pa si Yasmin sa kanyang mga kasabay sa loob ng elevator.
Aren't you going out yet? we are now on the ground floor. Seryosong tanong ng gwapong lalake sa kanya.
Huh, uhm, wait lalabas na po ako. natarantang sagot pa nya dito.
Kaya mabilis siyang lumabas mula sa elevator. Piro bago paman siya tuloyang umalis ay muli siyang lumingon sa gwapong lalake. Nakita niyang seryosong nakatingin din ito sa kanya . Hindi nya alam kung may magnet ba itong dala, tila bang kinukontrol siya ng lalake palingun pabalik. Mabilis siyang napa hawak sa kanyang dibdib, muli itong kumabug. Hanggang sa muling nag sara ang pintuan ng elevator. Piro nakatayo at nakatanaw parin siya sa nakasarang pintuan ng elevator. Nang napansin niyang para na siyang timang sa kakatingin sa pintuan ng elevator ay nag mamadaling na siyang nag lakad pababalik sa kanyang sa malaking gate. Oky naba miss? tanong ng bantay na guardia sa kanya ng makita syang papalapit.
Opo manang, salamat po, aalis na ako. paalam pa nya.
Ngumiti lang ang guard sa kanya bilang sagot.
Mabilis na tinungo ni Yasmin ang kanyang scooter at inilapag ang hawak na katamtamang laki ng box
Yasmin anong nangyari sayo? bakit ba ang lakas lakas ng kabug ng dibdib mo dahil sa lalakeng yon"? nag tatakang tanong pa nya sa kanyang isipan.
Nakarating sa Restaurant si Yasmin pero tulang ang kanyang isipan, dahil akupado iyon ng lalakeng naka sabayan niya sa elevator. Habang papasok siya sa loob ng restaurant ay malalim siyang napa buntong hininga.
Hey, are you oky? tanong pa ng isang bosis ng lalake
Mabilis siyang napalingon sa deriksyon kung nasaan nang galing ang bosis ng lalake.
Richard, nandito ka"? gulat niyang tanong sa binata.
Yup, I've been here for a while, I think it's been about half an hour. Because they said you left, delivered food for your customer. Sagot nito sa kanya.
Ah, oo ehh" pasinsya na kung natagalan ka sa pag hihintay sakin. Nakapag order kana ba? seryosong tanong pa nya sa binata.
Yup, and i take tea. And how about you? balik nitong tanong sa kanya.
Uhm, tapos narin ako. sabi pa nya sabay lakad palapit sa counter kung saan nakatayo si Roxanne.
"Dapat tinawagan mo ako, anytime darating ka agad ako para sayo, para ipag drive kita sa lugar ng pinag diliveran mo ng pagkain. Alam mo bang dilikado ang mag drive sa scooter. What if you fall while you driving from your scooter. Seryosong sabi pa ni Richard sa kanya, bahid sa mukha ng binata ang pag alala nito sa kanya.
Wag kang mag alala Richard, bata palang ako ay alam ko na kung paano mag drive ng motor. Nakangiting sagot pa nya sa binata.
Hmm, I feel worried only. sabi pa nito habang muling umupo sa paborito nitong lamesa.
Alam ko na, ano kaya kung mamasyal tayo ngayon, tapos yong scooter ang gamitin natin para masaya. Nakangiting sabi pa ni Yasmin kay Richard.
No way! I've never tried to ride motorbike. Mabilis nitong sagot sa kanya at kunot noong napalingon ito sa kanya.
Natawa si Yasmin dahil sa reaction ni Richard.
Natigilan naman si Richard at napatitig kay Yasmin. Kita nya ang maaliwalas sa mukha ng dalaga.
Kaya nawala ka agad ang agam agam niya na baka madisgrasya pa ito habang nag didrive ng scooter.
Napatigil din sa pag tawa si Yasmin at nagtatakang napatingin siya kay Richard. Kita niyang seryoso itong nakatingin sa kanya. Tila bang may iniisip itong napakalalim.
Hanggang sa narinig nilang tumunug ang celpon ni Richard na nakapatung sa lamesa. Mabilis namang kinuha ni Richard ang kanyang celpon at tinignan ang screen kung sino ang tumawag.
Pagkatapos nitong makipag usap sa kabilang linya ay mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya.
Tumawag si Dad, kailangan nya ako makausap in person. hindi na yata kita mahatid sa inyo. sabi pa nito sa kanya.
Ayos lang, sasabay nalang ako kina Roxanne pauwi.
sagot pa nya sa binata.
Oky, mag ingat ka sa pag uwi. sabi pa ni Richard sa kanya sabay lakad palabas ng restaurant.
Richard, tawag pa ni Yasmin kay Richard.
Mabilis napalingon si Richard sa kanya.
Yes? tanong pa nito sa kanya na may pagtataka.
Mag ingat ka din sa pag didrive. sabi pa nya dito habang nakangiti
Kita pa ni Yasmin ang pag aliwalas ng mukha ng binata, ginantihan din siya ng ngiti.
I will, bye Yasmin and good night. sabi nito sa kanya sabay kaway.
Gumanti narin siya ng pagkaway, habang sinusundan na nya ng tingin ang binata na papasok sa sariling sasakyan nito.
RICHMOND POV;
Mula sa labas ng port kung saan magaganap ang transection ay may mga tauhan si Richmond para maging look out nila at mga CCTV na binabantayan naman ni Patrick mula sa bawat kanto. Isa iyong paraan nila para mabilis lang sila maka abort kung may mga parak man ang dumating.
Isa Isang inilabas ng mga tauhan ni Richmond ang mga kontrabandong kahon na naglalaman ng mga armas.
Mr. Big Boss, I'm really glad I meet you again"! bati pa ng isang matandang Chinese Man kay Richmond.
"I am also happy to see you again Mr. Ching. All your requests are here. Sagot pa ni Richmond habang nakangiti sabay baling sa mga mahahabang kahon sa kanyang gilid.
Very good, very good Mr. Big Boss. That's why I want you to be a business partner of my business, because I trusted you. sabi pa nito sa Chinese accent na pananalita, sabay tapik sa kanyang balikat.
Ngumiti lamang si Richmond bilang sagot sa matandang Chinese
Boys, take the boxes and put them on the yacht. utos pa ni Mr. Ching sa kanyang mga tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga kalalakihan at tulong tulong na binuhat ang mga kahon.
"Why don't you check the boxes first Mr Ching? tanong ni Richmond kay Mr. Ching.
No need Mr. Big Boss, I told you earlier that I trust you. And you are one of my business partners. so don't worry. Sagot pa nito at bumaling sa mga kahon na Isa isa ng pinasok sa loob ng yachte.
Nang matapos ng mapasok lahat ng kahon sa yachte ay muling bumaling ng tingin si Mr. Ching sa kanyang mga tauhan.
Boys, bring the payment here, for the boxes. sabi pa nito sabay palakpak.
Muling lumapit ang dalawang lalake na may hawak na itim na bag. At inilapag iyon sa lamesa na nasa haparan nila Richmond.
Here our payment for the gun, I ordered for you Mr. Big Boss. Nakangiting sabi pa nito kay Richmond.
Penny, tawag pa ni Richmond sa kanyang tauhan.
Mula sa likod ni Richmond ay mabilis lumapit si Penny at kinuha ang dalawang itim na bag at ngumiti kay Mr. Ching.
This is the best night Mr. big boss, Let's have a drink next time. I have something important to do tomorrow morning. sabi pa ni Mr. Ching sabay lahad ng kamay kay Richmond.
Thank you too Mr. Ching for trusted us. We promise that, you will not regret your decision to trust our group. nakangiting sagot pa ni Richmond kay Mr. Ching. sabay tanggap ng palad nito.
Oky then, we have to leave now. Until we meet again
Mr. Big Boss. sabi pa ni Mr. Ching. Naglakad na ito pabalik sa sariling yachte, sumonud din naman ka agad ang mga tauhan nito. Di naman nag tagal ay tuloyan ng nawala sa kanilang paningin ang Yachte ni Mr. Ching
Rinig ni Richmond at pagtatawanan ng kanyang mga tauhan. Dahil another successful transection na naman ang kanilang nagawa. Limpak limpak na salapi na naman ang paghahatian nila bukas.