Chapter Twenty

1623 Words
EXCITED siya nang marating nila ang isang private resort sa Anilao Batangas. Dito isi-celebrate ang birthday ng ina ni Zac. Iginiya na sila ng tagapangasiwa ng resort sa magiging kuwarto nito. Ini-inform sila nito na may labing-tatlong suite ang available. May ilang kamag-anak ni Zac ang naimbitahan. Kasama rin ang ama nitong si Morris. Magkasama sila ni Zac sa iisang silid. Nauna na siyang pumasok sa kuwarto kasunod ang asawa na dala ang mga gamit nila. Mula sa bintana ay tanaw niya ang asul na asul na dagat. Nakakarelax sa pakiramdam na pagmasdan iyon. Tanaw niya rin ang malawak na Swimming pool ng resort. Hindi na siya makapaghintay na bumaba. Sabay na silang bumaba ng asawa. Ang dalawang babaeng pinsan ni Zac ay nakasuot na ng one piece bikina. Ang alam niya ay nasa kinse anyos lang ang mga ito ngunit malalaking bulas. Inokupa naman nina Lola Caridad at Precila ang dalawang lounge chair. Mababakas pa rin ang ganda ng katawan ng ina ni Zac sa suot na peach one piece bikini. Katabi nito ang ama ni Zac. Mistula itong old version ng asawa niya. Bihira lamang itong ngumiti. Ito lang ang hindi niya pa kasundo. Madalang lamang itong magsalita at mukhang may pagka-istrikto. "Tricia, mag swimming tayo," panghihikayat ng kaibigan. Nakasuot na ito ng two piece white bikini na napapatungan ng puting see through sarong cover up na hindi pa umabot sa tuhod. Lumabas ang kaseksihan nito. In her peripheral vision naagaw nito ang atensyon ng dalawang lalaking pinsan ni Zac. Hindi niya pa kilala ang mga ito. Mga binatilyong malalaking bulas. Lahi yata ng mga ito ang ganun. "Maya-maya na" tanggi niya. Hindi pa siya nakasuot ng panligo. Mistula siyang na out of place. Enjoy na enjoy na naglalangoy na ang karamihan. Si Zac naman ay nakipag bonding sa mga pinsan nito. Inokupa nila ni Lily ang bakanteng lounge chair di kalayuan sa okupado nina Lola Caridad. Nakakarelax sa pakiramdam. Naalala niya nang huli siyang magbakasyon sa Batangas ay nag enjoy din siya. Ibang parte naman iyon ng Batangas. Naalala niya rin ang Tiyo Arman at Tiya Ligaya niya. Iniisip niya kung kumusta na kaya ang mga ito? Malamang ay nagsasaya ang mga ito. May munting inis siyang naramdaman. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang lumabas si Zac na nakasuot ng Swimming trunks. Hindi na malayang nakapagpalit na pala ito. Bakat na bakat ang gitnang bahagi nito. Napalunok siya ng di oras. Nakakita naman na siya ng mga lalaking nakasuot ng ganun. Iba kasi ang karisma ng mokong. Litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan nito na halatang hindi lumiliban sa pag gi-gym. Tumalon na ito sa pool at nag umpisang lumangoy. "Ang yummy ng view," pagpaparinig ng kaibigan niya. Nang lingunin niya ito ay nakangisi ito sa kanya. Inirapan niya ito. Nagulat siya nang dumating si Katy na suot ang blue two piece bikini. Wala itong cover up kaya mabilis na naagaw ang atensyon ng mga pinsan ni Zac at pati na rin ang huli. Tila ito iyong mga ipinanlalaban sa Miss Universe. Mahahaba ang binti nito idagdag pa ang mala kutis porcelana nito. Nakikipag saya na ito sa mga kamag-anak ni Zac lalo na sa binata. Agad naman siyang nadismaya. Tila nag e-enjoy ang mokong sa presensiya nito. Kulang na lang ay mag hubad ito sa harapan ng binata. "Sino naman ang bagong dating na 'yan?" nagtatakang tanong ng kaibigan. Nakatingin din ito sa bagong dating. Tuwang-tuwang nagbabasaan pa ang mga ito na animo'y mga bata. "Si Katy iyong kababata ni Zac," nakasimangot niyang sagot. "Uy, nagseselos," pang-aasar nito. Hindi na siya kumontra. Sa totoo lang ay nasisira na ang magandang mood niya. Ang akala niya ay hindi ito kasama. "Bakit kasi hinahayaan mong landiin siya ng ibang babae?" may himig ng pagkinis na sabi nito. Eh, bakit ba kasi siya nagpapalandi? "Baka naman na miss nila ang isa't isa," tila hindi apektado niyang sabi. Deep inside her ay nagngingitngit siya. Hindi niya alam kung may karapatan ba siyang magselos dahil hindi naman sila nito totoong mag asawa. Hindi na niya maintindihan ang utak niya. Napaismid na lang ang kaibigan niya. Nagyaya nang kumain sina Precila. Sa isang restaurant sa loob ng resort na iyon din sila kumain. May mga dinalang pagkain din si Precila na bineyk nito. Napakaraming masasarap na pagkain ang nakahain. Sa isang pahabang mesa nakahatag ang mga pagkain kung kaya kasya silang lahat. Na unahan siya ni Katy sa tabi ni Zac kaya sa tabi ng kaibigan siya nakaupo. Katapat naman nila ang dalawa. Sa inis ay itinuon niya ang atensyon sa pagkain. Di naman magkandaugaga ang bruha sa pag aasikaso sa mokong. Baldado ba siya? Kulang na lang ay magpasubo na siya! Ngitngit niya. "May chocolate ka sa bibig," malanding sabi ni Katy. "Where?" tanong ng mokong. "Let me wipe it for you," malanding sabi nito. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ni Zac. Magkalapit na ang mga mukha ng mga ito. Malawak naman ang ngiti rito ng bruha. "Ang sweet naman," singit ng kaibigan niya. Napalingon naman dito ang dalawa. Nais na niyang kurutin ang kaibigan. "Ah, ito pong chocolate ang tinutukoy ko," dagdag pa nito bago muling sumubo. Umarte pa itong sarap na sarap. Nakahinga naman siya ng maluwag. "Matamis naman talaga ang mga chocolate cake hija," natatawang sabi ng ina ni Zac. "Ah, hindi po lahat, Tita. May natikman na po akong maalat na chocolate cake," pagyayabang nito. Tila hindi naman makapaniwala ang kausap nito. Maging ang ibang naroon ay naagaw na nito ang atensyon. "Sigurado ka ba d'yan?" manghang tanong ng kausap. Mukhang komportable na ito sa Lola't ina ng binata. "Actually po, ang kaibigan ko ang nag bake nun. Imbes na asukal ay asin ang nailagay," pagkukwento pa nito. Nagtawanan ang mga nandun. Siya naman ay inapakan ang paa ng kaibigan. Napaka daldal nito. Siya ang tinutukoy nito. Mabuti na lamang ay hindi na nito pinangalanan pa. Bahagya itong napangiwi. "Aray!" pigil ang boses nito. "Ayos ka lang ba hija?" alalang tanong ng matanda. Napansin nito ang pagngiwi ng kaibigan niya. "Opo, may langgam yatang kumagat sa akin," palusot nito. Tila nang-aasar pa siya nitong tiningnan. Matapos kumain ay nagkayayaan ulit na mag swimming. Halos lahat ay nag e-enjoy na sa pool. Siya ay naupo na lang sa lounge. Tinitingnan ang paglangoy ng mga ito. Si Lily ay naki-bonding sa mga babaeng pinsan ni Zac. " Hija, mas mag e-enjoy ka kung lulusong ka sa pool. Halika na," pag-aaya ni Precila. "Maya-maya na po. Busog pa po kasi ako," tanggi niya. Palihim niyang tinitingnan ang mokong na halos hindi na humiwalay sa bruha. Pagbubuhulin ko na ang mga ito! Nakakita lang ng seksing babae nakalimutan na ako! Ngitngit niya. Kung tutuusin ay maganda rin ang hubog ng katawan niya. Maputi ngunit di naman kasing puti ni Katy. Mistulang wala ng melanin sa katawan ang huli. "Friend kung sumama ka lang dito para magmukmok mabuti pa umuwi na tayo," bungad ni Lily. Kaaahon lang nito sa pool at basang-basa pa ang katawan. Bumabakat dito ang suot na bikini. "Hindi naman ako marunong lumangoy," nakasimangot niyang sagot. "Hindi 'yan valid reason. Alam ko napapansin mong nilalandi ng 'Palmolive girl' na iyon si Fafa Zac," naiinis na nitong sabi. "Palmolive girl?" kunot noo niyang tanong. "Oo. Para siyang model ng shampoo. Saka may foreign blood lang siya kaya gumanda lahi niya," mataray pa nitong sabi. Tila naiinis din ito sa babae. "Ang creative talaga ng utak mo," natutuwa na sabi niya. Mabuti na lang talaga at naisipan niyang isama ito kung hindi ay baka nagmukmok lang siya. "Let's go girl. Magpalit ka na ng two piece swim suit. Paluluwain natin ang mata ni Fafa Zac," bakas ang determinasyon sa tinig nito. "T-teka sandali," angal niya nang hilahin na siya nito. "H'wag ka nang kumontra," matigas na sabi nito. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito. Ipinahiram nito sa kanya ang gold black halter sexy strappy bikini set. Wala na siyang angal pa at isinuot iyon. Halos hindi siya makahinga nang makita ang hitsura sa salamin. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Mula sa nagmamalaking dibdib pababa sa flat at magandang korte ng tiyan niya. Ipinagpapasamat niya na kahit wala siyang arte sa pagkain ay hindi siya tumataba. Makorte rin ang balakang niya. "Tapos ka na ba?" tawag ng kaibigan mula sa labas ng banyo. "Sandali lang," aniya bago isinuot ang white see through cover up na maikli ang tabas. Halos manlaki ang mga mata nito nang lumabas siya. "OH my gosh! Sinasabi ko na. Walang binatbat si Palmolive girl sa kaseksihan mo," eksaheradang bulaslas nito. "Let's give them a show," tila kontrabidang sabi nito. Iginiya na siya nito palabas. Halos abala sa pagtatampisaw ang mga kasamahan nang lumabas sila. Hindi pa rin siya komportable sa suot dahil kaunting tela lang kasi ang tumatakip sa kanyang katawan. Ipinatanggal ng kaibigan ang cover up niya at ipinatong sa bakanteng lounge chair. "C'mon friend let's enjoy the fresh water," sigaw nito. Pa-english-english pa ito para maintindihan rin ng bruha. Malakas ang tinig nito kaya naman na-agaw ang atensyon ng mga nandoon. Siya na ngayon ang sentro ng atraksyon. Kita ang mga humahangang tingin ng mga naroon sa kanya. Lalo na ang mga kalalakihan pati ni Zac! na walang kurap na nakatingin na rin pala sa kanya. Tila namatanda ang mokong. Kunwari'y hindi niya napansin ang gawi nito. Mag laway ka ngayon! Binaling niya sa kaibigan ang atensyon at makahulugang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya upang alalayan siya dahil umabot hanggang dibdib ang tubig at hindi naman siya marunong lumangoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD