Chapter Nineteen

1306 Words
"SALAMAT, Lily," sabi niya nang ihatid nito ang groceries item na naiwan niya sa sasakyan ni Rick kahapon. Ipinasabi niya rin sa kaibigan na humuhingi siya ng tawad. Labis siyang na ko-konsensiya dahil iniwan niya ito kahapon dahil pinilit siyang umuwi ni Zac. Nag send siya ng text messages dito na humihingi siya ng tawad sa nangyari. Agad namang nag reply ito at sinabing naiintindihan siya nito. "Ang lakas mo talaga sa akin," sabi ni Lily habang ibinababa ang mga groceries item. Magkatulong silang idinispley iyon sa kusina. Mukhang hindi naman ito busy. "Ang swerte ko talaga sayo," na-aantig niyang sabi dito nang matapos sila. "Tumatanggap ako ng cash," pang aasar nito. Natawa naman siya. Baliw talaga ito "Loka-loka," mahina niya itong hinampas sa balikat. "Pakain na lang," hirit nito. "O. Sige maghahanda ako ng masarap na meryenda para sa masiba kong kaibigan," natatawa niyang sabi. Naghanda siya ng ham sandwich at malamig na orange juice. Pinagsasaluhan na nila iyon nang tumunog ang telepono. Nagpaalam siya saglit sa kaibigan para sagutin iyon. "Hello," aniya nang ma-i-angat ang telepono. "Tricia, anak ang mama Precila mo ito," pakilala ng sa kabilang linya. "Kumusta na po kayo," magalang niyang tanong. Mag iisang linggo na rin pala mula nang bisitahin niya ang tahanan ng mga ito. "Maayos naman kami ni mama. Gusto lang namin kayong imbitahang mag asawa sa darating kong kaarawan" anito sa masiglang tinig. "Talaga po? Sasabihan ko po si Zac," excited na sabi niya. "Swimming party iyon. This coming Wednesday. May na rent na kami na resort para doon," dagdag pa nito. Napatingin naman siya sa kaibigan. Naisip niyang isama rin ito. "Pwede ko po bang isama ang kaibigan ko?" paghingi niya ng permiso. "Syempre naman," walang alinlangang sabi nito. Laking tuwa niya nang pumayag ito. Mukhang buryong na rin kasi ang kaibigan niya. Gusto niya ring makilala nito ang family side ni Zac. Sigurado siyang makakasundo nito ang Lola Caridad at Mama Precila. Matapos magpasalamat ay ibinaba na niya ang telepono. Muli siyang naupo sa katapat na sofa ni Lily. "May swimming party dahil kaarawan ni mama Precila," pagbabalita niya dito. Komportable na siyang tawagin itong 'mama' "Mukhang masaya 'yan. Pwede daw bang maki-join ang isang magandang kagaya ko," "Oo naman. Ipinagpaalam na kita at pumayag naman si mama," nakangiti niyang sabi. Natuwa naman ito. "Swimming party pala eh, dapat ay bumili tayo ng sexy na swim suit," suhestyon nito. "Hindi naman kailangan magpaseksi pa. Birthday celebration iyon ni mama. Ang mahalaga ay pasayahin na lang siya sa birthday niya," sinsero niyang paliwanag. Hindi siya mahilig magsuot ng swim suit lalo na iyong revealing ang dating. Kapag nagkakayayaan na mag swimming ng mga dating kaibigan ay simpleng t-shirt at maikling short lang ang sinusuot niya. "Bruha ka talaga. Para lalong maakit sayo 'yung mister mo. Dapat akitin mo siya sa swimming party na iyon," Hindi niya alam kung saan natutunan ni Lily ang pagiging pilya. Hindi nauubusan ng idea pagdating sa kalokohan. "Ah, basta simple lang ang isusuot ko," sigurado niyang sabi. "Nag sa-suggest lang naman," nakalabing sabi nito. "Kung sa bagay nakita na naman ni Fafa Zac 'yang buo mong katawan," tila balewalang sabi nito. Ang buong akala nito ay may nangyari na talaga sa kanila ng asawa niya. Ayaw niya namang itama ang paniniwala nito dahil uulanin siya ng mga tanong at baka masabi niya pang peke ang kasal nila. ------------------------------------------ [Zac] "Katy," tuwa niyang baling sa dalaga. Katatapos lang ng photoshoot niya para sa gagawing cover ng men's magazine. Mula nang bumalik ito ay madalas itong dumalaw sa kanya ngunit hindi niya akalaing maaga itong darating ngayon. "Let's have some lunch. Kakabisita ko lang kay Lola at Tita Precila," inayos nito ang kwelyo ng suot niyang Polo bago ikinawit nito ang braso sa kanya. Sanay na siya na ganun ito sa kanya. Hindi naman ito nagbago kahit tumira ng matagal sa Canada. Kumain sila nito sa isang Spanish Restaurant. Ipinaghila niya ito ng upuan bago umupo sa katapat nito. May lumapit na waiter para kunin ang order nila. "What do you want to order?" tanong niya dito. Saglit itong tumingin sa menu book. "I want to taste these Tortilla and Leche Frita," she said. Sinabi niya iyon sa waiter pati na rin ang sa kanya. "I'm so excited this coming Wednesday. It's Tita Precy's birthday," masigla ang tinig na sabi nito nang makaalis na ang waiter. "Yup, I'm almost forgot, but I will make sure that I'll be there on Wednesday," "You have to be there. Magtatampo si Tita," sabi pa nito. Hindi nito inaalis ang mga titig nito sa kanya. Sa mga ikinikilos nito ay batid niyang kagaya iyon nang dati. Napaka sweet nito ngunit ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan. Nakaraan na iyon. Aaminin niyang nakaramdam siya ng kakaibang ligaya nang muli silang magkita nito. "That wouldn't happen. I swear I will be there no matter what," paniniguro niya. Ngumiti ito ngunit agad ding napawi. "Zac. I just want to say that I miss the old times. To be honest, I was very disappointed nang malaman kong you're married," malungkot nitong sabi. "I'm so sorry if you feel that---" "Do you really love her?" biglaang tanong nito. Hindi siya nakasagot agad. Mahal na ba niya si Tricia? "Stupid question. It's pretty obvious," Sabi nito nang hindi siya sumagot. Maging siya ay hindi alam kung ano ang tawag sa nararamdaman niya kay Tricia. "Katy---" "I couldn't believe na nakalimutan mo na ako, while I'm still assuming na maghihintay ka sa akin," tila may hinanakit sa tinig nito. "Katy please don't---" "I understand Zac" putol muli nito. Nag uumpisa nang mamasa ang mga mata nito. Nahahabag siya dito. Patuloy pa rin pala itong naghihintay sa kanya. Nakaramdam siya ng pagka konsensiya. "Please don't cry, sweetie," pagpapakalma niya dito. Ginagap niya ang palad nitong nakapatong sa table. "I will be fine. Just promise me na walang magbabago sa pakikitungo mo sa akin," "Of course. You're special to me," pagpapagaan niya sa loob nito. Napangiti na ito. Natigil ang pag uusap nila nang dumating na ang mga pagkaing in-order nila. Masaya nilang pinagsaluhan iyon. Matapos kumain ay nagpasama ito sa kanya na bumili ng ireregalo sa ina niya para sa nalalapit na kaarawan nito. Nagpunta sila sa isang jewelry store. Tinutulungan niya itong pumili ng ba-bagay sa ina niya. Wala na rin siyang gagawin ng araw na iyon kaya nanuod pa sila nito ng sine. Gusto niyang mapasaya ito. Ayaw niyang nakikita itong malungkot. Inihatid na niya ito sa condo unit na inookupa nito. Alas otso na rin iyon ng gabi at talaga namang nag enjoy sila nito. "Thanks for your company, Zac," Sabi nito nang nasa tapat na ito ng pinto ng tinutuluyan. "No, thank you for being with me," "I hope this is not the end," hirit pa nito. Na miss niya rin talagang kasama ito. Masayang balikan ang mga dati nila nitong ginagawa. "This is just the beginning," nasabi na lang niya. It's the beginning of their new friendship. Kaibigan na lang ba ang tingin niya dito? Hindi niya rin alam ang sagot. "Okay, it's getting late na rin," sabi nito. "Okay, I'm heading," paalam niya. Bago pa siya makalakad ay mabilis itong kumilos. Namalayan niya na lang na nakalapat na ang mga labi nila. Hindi siya nakahuma. Ilang sandali lamang ay bumitiw din ang mga labi nito. Hindi siya kaagad nakahuma. "Take care," iyon lamang at pumasok na ito sa loob. Napahawak siya sa labing hinalikan nito. [Katy] Nang makapasok ay napangiti siya. She's just starting her plan. Babawiin niya ang lalaking mahal niya mula sa asawa nito. She doesn't really care kung mahal man nito ang asawa nito. Kung minahal na siya ni Zac noon ay hindi imposibleng mahalin ulit siya nito. Makikita mo Zac. Sa akin ka pa rin babagsak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD