Chapter Eighteen

1501 Words
DINAMPOT niya ang isang balot ng tasty bread at inilagay sa cart. Kailangan niya rin pala ng mga seasoning mix. Itinulak niya ang cart papunta sa lalagyanan ng mga hinahalo sa pagluluto. Nasa grocery siya na lagi nilang pinapamilihan ni Zac. Hindi niya kasama ito dahil maagang umalis. Ang sabi ay may iso-shoot na commercial ng isang inumin. Nang tiningnan niya ay bahagyang mataas ang nalalagyan ng kailangan niya. Naubos na kasi ang mga nakalagay sa madaling abutin na parte. Marahil ay hindi pa nakakapag display ng mga karagdagang produkto. Tumingkayad siya para abutin ang bote ng liquid seasoning mix ngunit may kataasan iyon. Namalayan niya na lang na may kamay na kumuha ng pilit niyang inaabot. "Here," sabi ng baritonong boses. Napatingin siya sa mukha nito. Ang nakangiting mukha ni Rick. "S-salamat," inabot niya iyon. "You're welcome," nakangiting sabi nito. "Let me help you," tinulungan siya nitong itulak ang cart. Nagkadikit tuloy ang mga kamay nila. Hanggang sa mabili niya ang lahat ng kailangan ay hindi siya iniwanan nito. Napaka gentleman nito at ang gwapo pa. Kahit sino sigurong babae ay magkakagusto rito. Hindi niya lang maintindihan ang sarili kung bakit hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. "Salamat, Rick," paalam niya. Sasakay na lang siya ng taxi. "Ihahatid na kita," sabi nito nang akmang paparahin niya ang isang taxi. Nilingon niya ito. "Naku, hindi na. Nakakahiya kasi tinulungan mo na nga ako sa pamimili," tanggi niya. "Nah. Don't mention it. Samahan mo na lang akong mag lunch para quits na tayo," pangungulit pa nito. Nag dadalawang isip man ay pumayag na rin siya. Hindi naman siguro malalaman ni Zac. Isinakay nito ang mga groceries item sa likod ng kotse nito bago ipinagbukas siya ng pinto sa passenger side. Inayos pa nito ang seat belt niya. Nawala sa isip niya. Dinala siya nito sa isang Italian Restaurant. The restaurant has welcoming ambiance. Dark color ang floor at nag ko-contrast naman sa kulay ng table at chairs. Ang walls ay may kaaya-ayang desenyo. Inalalayan siya nito paupo sa available seat. Umupo naman ito sa katabi niya. "Go on. Choose the food you want to eat," iniabot nito sa kanya ang menu book. Ang isa naman ay kinuha nito at sinimulang pasadahan ng tingin. Tiningnan niya ang menu book. Mukhang masasarap ang mga nakalagay doon. Wala siyang mapili ang mamahal din naman kasi. Hindi sinasadyang napalingon siya sa kabilang table. Laking gulat niya nang makita roon si Zac! Nakita niyang may kasama itong babae. Agad niyang ipinantakip sa mukha ang menu book. Kung ipapaling kasi nito ang mukha ay kitang-kita siya nito o baka nakita na siya nito. Teka, may kasama siyang babae! Bahagya niyang inayos ang pagkakatakip ng menu book sa mukha para masilip ang kasama nito. Naka sideview ang babae ngunit sakto lang para makilala niya. Kasama nito ang walang iba kung hindi si Katy! Bakit kasama niya ang bruhang iyon? Eh di ba may shooting ito? Ano 'yun nag so-shooting sila ng bruha dito? "Tricia, are you okay?" tila nagtataka naman ito sa ginagawa niya. "Ah, oo. Okay lang ako," sagot niya ngunit hindi pa rin inaalis ang pagkakatakip ng menu book. "Are you done choosing your food?" tanong muli nito. "Ah... Kasi wala akong mapili. Kung anong sayo ay ganun na lang din ang sa akin," hindi niya pa rin binababa ang menu book. Nawi-wierduhan na siguro ito sa kanya dahil hindi naman siya mukhang pumipili. Sobrang lapit kasi ng menu book sa mukha niya. "Alright," balewalang sabi nito. Tinawag na nito ang waiter at sinabi ang order. Nang makaalis ang waiter ay muli siyang tinanong. "You can put down that menu book, Trish," malambing nitong utos. Tinatawag na naman siya nito sa binigay nitong nickname sa kanya dati. "Nakakatuwa kasi yung mga picture ng pagkain. Mukhang masasarap silang tingnan. Hindi ko na nga maialis ang mga mata ko," palusot niya. Hindi niya alam kung maniniwala ito. Natawa naman ito sa sinabi niya. "I like you even if you're doing weird things sometimes," natatawang sabi nito. Sinilip niya muli ang table na inuokupa ni Zac. Napapalingon ito sa gawi nila ngunit dahil natatakpan ang mukha niya ay hindi siya nito nakikilala. Hindi pa rin dumadating ang order nila. "Pupunta lang ako saglit sa ladies room," paalam niya. "Sure, go on," "Hindi niya binaba ang menu book hanggang sa alam niyang hindi na siya makikita nito. Nakahinga siya ng maluwag nang ibaba iyon. Sa totoo lang ay hindi niya gusto ang amoy n'yon. Magtatagal muna siya ng ilang minuto roon. Nahiling niyang sana ay wala na ang mga ito pagbalik niya. Nakakailang hakbang pa lang siya nang may humaklit ng braso niya. Pagharap niya ay nakita niya ang galit na mukha ni Zac. Patay! Nakita ba siya nito kanina? Ang buong akala niya ay nakalusot na siya. "Z-zac!" bulalas niya. Medyo nanginginig pa ang boses niya. "What are you doing here?" nagtatagis ang mga bagang na tanong nito. "Ahm.. Ano kasi... Nagutom ako kaya naisipan ko munang kumain... dito. Sabi kasi ni Lily ay masarap ang pasta dito," palusot niya. Pinilit niyang hindi mabulol o manginig ang boses ngunit hindi niya naman magawang tingnan ito ng tuwid. "Do you want me to believe with that trash? I saw you with the bastard!" sigaw nito. Hindi na siya nakapag salita. Hinila nito ang braso niya at ngayon ay tinutungo na nila ay exit ng restaurant. Wala siyang magawa dahil malakas ito. "Zac, sandali lang dahan-dahan naman nasasaktan na ako," reklamo niya. Mahigpit ang paghawak nito sa braso niya. Sapilitang isinakay siya nito sa kotse. Hindi muna ito nag drive. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. "I'm sorry but I have to go," iyon lang at ibinaba na nito iyon. Pinaandar na nito ang sasakyan. Seryoso lang ito sa pag da-drive. Walang nagsasalita hanggang sa makarating sila ng bahay. Dali-dali itong bumaba at malakas na isinara ang pinto ng kotse. Bumaba na rin siya at sinundan ito. Padabog itong naupo sa sofa. Sumunod siya ngunit hindi siya umupo. "Now tell me. Are the two of you dating?" galit na tanong nito. Masama ang tingin nito sa kanya. "Hindi Zac. Nagkataon lang 'yon. Tinulungan niya ako mag grocery tapos niyaya niya akong mag lunch," paliwanag niya. "You promised me that you would avoid him. Damn!" tila dragon na magbubuga ito ng apoy. Hindi siya makasagot. "What do you really want? Am I not enough for you?!" nanggagalaiti sa galit pa ring sabi nito. Naiiyak na siya dahil kanina pa ito sigaw nang sigaw. Ganito rin ang ama niya kapag nagagalit. Hindi na niya na-control at napahikbi na siya. "I'm so sorry. Nag magandang loob lang naman sa akin 'yung tao," umiiyak niyang sabi. Natigilan ito. "Bakit kapag ako hindi pwedeng makipagkita kay Rick o sa ibang lalaki? May kasama ka rin namang ibang babae kanina," may hinanakit na sabi niya. Nag iba na ang ekspresyon ng mukha nito. Medyo lumambot na. "Because..." natigilan ito. "I'm jealous," mahinang usal nito ngunit narinig niya pa rin. Nagseselos siya Ibig ba nitong sabihin ay gusto rin siya nito kaya ito nakakaramdam ng selos? "Mahal mo na ba ako?" lakas loob niyang tanong. Mas mabuti na siguro na dito mismo manggaling. Nagbuntong hininga ito. "I guess so. All I know is that you are important to me," nasabi nito. Hindi pa ba ito sigurado? O baka nalilito ito dahil nagbalik ang kababata nitong si Katy? Nainis naman siya sa naisip. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Iniangat nito ang baba niya. "I don't want to see you with the other guy. The next time you try to do this you will be punished," banta nito. Pinunasan nito ang mag luha niya gamit ang mga daliri nito. "A-anong parusa?" wala sa loob na tanong niya. Gusto niya lang malaman. "We will grant my mom and Lola's wish," pagbabanta nito. Bigla siyang nakaramdam ng kilabot. Alam niya naman kung ano iyon. "Ikaw talaga, hanggang ngayon palabiro ka pa rin," nginig ang ngiti niyang sabi habang mahinang hinampas ang balikat nito. "I am damn serious. Don't test me," seryosong sabi nito. Iniwas niya ang mukha hawak pa rin kasi nito ang baba niya. Sa pananalita nito ay animo'y siguradong-sigurado ito na gagawin nga nito ang banta. "I have to punish you for disobeying me a while ago, Sweetheart," sabi nito habang inilalapit ang mukha sa kanya. Ilang saglit laman ay magkalapat na ang mga labi nila. Naging agresibo ang paraan ng paghalik nito. Tila pinaparusahan siya. Niyakap siya ng mahigpit para lalong maglapat ang mga labi nila. Napahawak na siya sa balikat nito at tinugon ang bawat halik nito. Kung ganito ang parusa ay ayos lang sa kanya. Masarap naman pala ito magparusa! ############################# Dahil na bored ako sa MS. Universe Coronation kanina. Mag u-update na lang po ako ng additional chapter(18). Sana magustuhan nyo at patuloy na basahin ang story na ito. Thank you sa mga masisipag na readers God bless ??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD