Chapter Two

2150 Words
"KUNG sino ka mang may kurikong sa puwet na nakabili nitong bahay ng kaibigan ko, lumabas ka riyan!" sigaw ni Lily. Gusto na niya itong batukan sa mga pinagsasabi nito. Kanina pa sila nagdu-doorbell ngunit wala pa ring dumudungaw o lumalabas mula sa pintuan. "Baka walang tao," aniya. "Hindi. Nasisiguro kong may tao d'yan. Palalabasin ko siya sa lungga niya," pursigidong sabi nito. Pinabayaan na lamang niya ito. "Bakulaw na maitim ang puwet, lumab— Naputol ang anumang sasabihin nito nang lumabas ang isang matangkad at nakahubad baro na lalaki. Kaya naman nahantad ang makisig na pangangatawan nito. Lihim siyang napalunok. My goodness! Ngayon lang yata siya nakakita ng ganito kakisig na pangangatawan sa dalawampu't isang pamamalagi niya dito sa daigdig. Macho talaga! Bahagyang magulo ang alon-alon nitong buhok. Inot-inot na lumakad ito palapit sa kinaroroonan nila. "Oh, my...ang guwapo niya," tila nananaginip pang sambit ni Lily. Daig pa nito ang natuklaw ng ahas ang hitsura. Siya man ay hindi nakahuma sa kinatatayuan. Aatras na sana siya ngunit huli na. Nakatayo na ito sa harapan nila. Nakakunot noo ito habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. Naniningkit ang mapupungay nitong mga mata. "Hindi niyo ba alam na nakakaistorbo kayo?" may himig ng pagka-inis na sabi nito. Tila nalulon niya ang sariling dila. Wala siyang maapuhap na mga salita. Na blangko ang utak niya. Siniko niya si Lily na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakahuma. Naku malala na talaga ang kaibigan niya. "Ahem, ano kasi..." aniya. Tumitig ito sa kanya. Pakiramdam niya ay nanunuot ang titig nito. Tila bigla siyang pinanlambutan ng tuhod. "I-itong bahay ay...illegal ang pagkakabenta," Sa wakas ay nagawa niya ring sabihin. Nangunot ang noo nito. "Nasisiraan kana ba? Kompleto ang mga papeles nang bilhin ko ito," asik niya. "Eh, kasi iyong nagbenta nito ay— singit ni Lily. "Pwede ba, magsi-alis na kayo rito kung ayaw niyong tumawag ako ng mga pulis," pagbabanta nito. Isinara na nito ang gate bago nagmartsa papasok sa loob ng bahay. "Napaka-antipatiko!" nanggigigil niyang sabi. "Ang guwapo niya, Tricia," tila nangangarap na turan ni Lily. "Kamukha niya si Zac Montecillo," dagdag pa nito. Mukhang tuluyan nang bumigay ang matinong pag-iisip ng kaibigan niyang si Lily. Binatukan niya ito. "Ano kaba naman, Patricia!" galit na sabi nito. Ang batukan ito ang pinakamabisang solusyon para matauhan ito. "Hindi ba't nangako kang tutulungan mo ako?" singhal niya rito. Bago sila magtungo nito rito ay napakalakas ng fighting spirit nito ngunit nang makita nito ang guwapong estranghero na ngayon ay bagong nagmamay-ari ng bahay ay mistulang maamong tupa ito. "Pasensiya na talaga. Ang akala ko kasi ay isang gurang na nagme-menupause na ang nakabili nitong bahay mo. Malay ko ba namang isang guwapong nilalang na ipinadala rito ng langit para pagpantasyahan ko," pangangatwiran nito. "Loka-loka ka talaga!" nasabi nalang niya. Noon pa man ay alam na niyang mga guwapong nilalang ang kahinaan ng bestfriend niya. Wala na nga talaga itong remedyo pagdating roon. "SIGURADO kana ba talaga?" paniniguro ni Lily. "Oo, Lily. Wala nang atrasan 'to. Gagawin ko ang lahat mabawi ko lang ang bahay namin. Kesahodang matulog ako sa labas ng bahay," pursigidong sabi niya. Despirada na talaga siya. "Basta kapag kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa akin," naa-awang sabi nito. "Salamat sa lahat, Lily" aniya. Matapos nilang magbeso ay tuluyan na siyang lumakad papunta sa dating tinitirhan. Kesahodang ipagtabuyan siya nito. Hindi siya susuko hanggang sa magsawa ang antipatikong lalaki na iyon sa kanya. Pagdating niya roon ay nag-doorbell siya. Gusto niyang makipagkasundo para mabawi na niya ang bahay. Bibilhin niyang muli ang bahay. Halos mapudpod na ang daliri niya kadu-doorbell ay wala pa ring lumalabas roon. Wala yatang tao. Naipalagay niya. Nakaramdam siya ng pangangawit kaya naupo siya sa lapag. Sa tapat mismo ng nakasaradong gate. Isinubsob niya ang mukha sa mga braso niyang nakapatong sa tuhod niya. Unti-unti siyang nakaramdam ng pamimigat ng talukap. Malalakas na busina ang nagpagising sa kanya. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niyang madilim na ang paligid. Nakatulog pala siya. Nasisilaw na tumingin siya sa kotseng bumubusina sa kanya. Namalayan na lamang niyang nakalapit na pala ang lalaking sakay nito sa harapan niya. Walang iba kundi ang antipatikong lalaki na ngayon ay bagong nagmamay-ari ng bahay niya. "Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong nito. Tumayo siya at hinarap ito. Halos tingalain niya ito. "Makikipagkasundo ako sayo. Bibilhin ko uli itong bahay sa iyo," matapang niyang pahayag. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Ows? May limang milyon ka ba?" nang-uuyam na sabi nito. "Kung wala ay makakaalis ka na," anito, bago binuksan ang gate. "L-limang milyon?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Oo, pero mukhang wala ka naman niyon. Sinasayang mo lang ang oras ko," Pumasok itong muli sa loob ng kotse nito at minani-obra iyon papasok sa loob. Naiwan siyang natitigilan. Limang milyon? Wala nga pala siyang pera. Naubos na rin niya ang savings nang magbakasyon siya sa Baguio. Natapos na rin ang kontrata niya sa pabrikang pinapasukan. Saang lupalop naman kaya siya makakakuha ng ganun kalaking halaga? Muli itong bumalik at isinarado ang gate. Mataman pa siya nitong tinitigan bago nagtuloy papasok sa loob. Nanlalambot na napaupo na lamang siya sa labas ng gate. MAAGA siyang nagising para mag-jogging sa labas kagaya ng nakagawian na niya. Palabas na siya ng gate nang may mapansin. Ang makulit na babae habang nakatalungko. Nilapitan niya ito. "Miss?" tawag niya rito. Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha ngunit muli ring bumalik sa pagkakasubsob. Nang tapikin niya ito ay naramdaman niyang mainit ito. Naalarma siya. Hindi maganda ang kondisyon nito.Nagdadalawang isip man ngunit dala ng pag-aalala ay binuhat niya ito papasok sa loob ng bahay. Inilapag niya ito sa malaking sofa. Wala pa rin itong malay. Nagtungo siya sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Muli siyang bumalik sa kinaroroonan nito at inumpisahang punasan ang braso nito. Napadako ang tingin niya sa maamong mukha nito. Napaka-inosente ng mukha nito. Simple lamang ito ngunit kung pakatititigan ay mapapansing may angking ganda ito. Mamula-mula ang pisngi nito. Maliit ngunit matangos ang ilong nito. Bumaba ang tingin niya sa bahagyang nakaawang na labi nito. Tila natutukso siyang halikan ito. Ipinilig niya ang ulo. Kung anu-anong kalokohan ang naisip niya. Itinuon na lamang niya ang sarili sa pagpupunas sa mukha at braso Nito. Hindi niya maintindihan Kung bakit niya iyon ginagawa. Hindi niya naman ito ka ano-ano. Matapos mapunasan ito ay nagtuloy na siya sa kusina para ipagluto ito ng macaroni soup. Ipinagpapasalamat niya na naturuan siya ng Lola Caridad niya kung paano magluto niyon. Mga kalahating oras din ang lumipas bago niya natapos ang ginagawa. Nagtungo na siya sa sala at mahinang tinapik ang pisngi ng hanggang ngayon ay wala pa ring malay na babae. Bahagya itong nagdilat ng mga mata. "Kumain ka muna," aniya. Umiling-iling ito bago muling pumikit. Napakamot siya sa batok. Ang tigas naman ng ulo! Muli niya itong ginising. Sa pagkakataong ito ay inalalayan na niya itong makaupo. "Kainin mo ito," utos niya habang inilalapit ang kutsara sa bibig dito. Tumalima naman ito. Nangangalahati na ang lamang lugaw ng mangkok nang umayaw na ito. Kumuha siya ng gamot at ipinainom iyon sa may sakit na babae. Matapos ay muli itong nahiga at natulog. Nakahinga siya nang maluwag. Kung bakit ba naman kasi nakaya nitong matulog sa labas ng bahay. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi nito na illegal daw ang pagkakabili niya ng bahay na ito. Hindi niya ito pwedeng paniwalaan dahil kompleto ang mga papeles nang mabili niya ang bahay. Bakit ganun na lamang ito ka-desidido na mabawi ang bahay? Minabuti niyang iwan na muna ito. NAGISING siya nang maramdaman ang pagkalam ng kanyang sikmura. Dahan-dahan siyang umupo at pinakiramdaman ang sarili. Wala na siyang lagnat. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad papunta sa kusina. Sigurado siyang wala ang antipatikong lalaki na iyon sa bahay na iyon. Nakita niya ang fruit tray na nag-uumapaw sa lamang mga prutas. Kumuha siya ng mansanas at kinagatan iyon. Marami sigurong stock ng pagkain dito. Aniya sa isip. Tinungo niya ang malaking ref na nasa di kalayuan. Halos maglaway siya sa mga nabungaran. Punong-puno ng lamang ibat-ibang pagkain iyon. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kumuha siya ng ilang balot ng mga mamahaling chocolate, ice cream at kung anu-ano pa. Kumuha rin siya ng isang one point five na bote ng Coke. Nagtungo siya sa sala at ipinatong ang mga iyon sa center table. Tutal mukhang wala naman ang antipatikong iyon. Magpapakabusog na muna siya. Inumpisahan na niyang buksan ang selecta ice cream. Bata pa lamang siya ay paborito na niya iyon. Natatandaan pa niya na palagi siyang pinasasalubungan ng kanyang ama pagkagaling nito sa trabaho. Ngunit mula nang mamatay ang mga ito ay bihira na lamang siyang makatikim niyon. Kapag may problema siya ay kumakain lamang siya niyon at gumagaan na ang pakiramdam niya. Natigil siya sa pag-iisip nang mahagip ng tingin niya ang isang magazine na nakapatong sa kabilang bahagi ng sofa. Parang may nag-udyok sa kanya na tingnan iyon. Si Zac Montecillo ang nasa cover. Ang napapabalitang kabikabila ang nakakarelasyon. Habang nakatitig siya rito ay parang pakiramdam niya ay may kamukha ito—hindi mas tamang sabihin na nakita na niya ito. Pero saan? Natigilan siya. Ang antipatikong lalaki na bagong nagmamay-ari ng bahay at si Zac Montecillo ay iisa? Muli niyang tiningnan ang litrato sa magazine. Ang prominenteng ilong, mapupungay na mga mata at kissable lips. Siya nga! Naalarma siya nang may marinig na ingay ng sasakyan. Nang dungawin niya sa bintana kung sino ang dumating. Ang antipatikong—si Zac Montecillo ang dumating. Hindi niya malaman kung saan magsusuot. Napansin niya ang mga pinagkainan. Siguradong mapapansin nitong pinakialaman niya ang kusina nito. Madaling dinampot niya isa-isa ang mga iyon at mabilis na nagtungo sa kusina. Hindi niya malaman kung saan itatago ang mga iyon at mabilis na nagtungo sa kusina. Nang mapatingin siya sa malaking ref ay mabilis na ipinasok niya ang mga iyon sa loob ng ref. Nagkalaglagan pa ang ilang balot ng chocolate ngunit hindi na niya pinagkaabalahan pang damputin ang mga iyon. Patakbong tinungo niya ang sofa at nagkunwaring natutulog. Naramdaman niya ang mga yabag nitong papalapit mula sa kinaroroonan niya. Lalo pa niyang ipinagkadiinan ang pagkakapikit ng mga mata. Naramdaman niyang lumakad ito. Natukso siyang tingnan kung saan ito papunta. Nakita niyang papasok ang bulto nito sa kusina. Patay! Naidasal niyang huwag sana itong makahalata. Mabilis na ipinikit niya ang mga mata nang makitang palabas na ito. "Bumangon ka d'yan. Alam kong gising ka!" nagbabadya ang galit sa tinig nito. Umungol siya nang mahina. Bahagya niyang idinilat ang mga mata. "Ipaliwanag mo ang mga kalat sa kusina," anito. "H-ha?" pagmamaang-maangan niya. Umubo pa siya para isipin nitong nilalagnat pa siya. Sinapo nito ang noo niya. "See? Wala ka ng sakit," anito. Humalukipkip ito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Tumayo kana. Hindi mo na ako maloloko pa," Bistado na siya. Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumayo na. "Linisin mo ang mga kalat sa kusina," utos nito. "H-ha?" di makapaniwalang usal niya. "Tutal ay ikaw naman ang may gawa niyon. Ikaw na rin ang maglinis," sarkastikong sabi nito. Nakangiti pa ito ng nakakaloko. Asar! Tinungo na niya ang kusina at dinampot ang mga kalat. Matapos mai-ayos ang kusina ay pumunta naman siya sa sala para punasan ang ibabaw ng center table. Bakas pa kasi roon ang mga tulo ng ice cream. Napansin niyang nakamasid lamang ito sa ginagawa niya habang nakaupo sa isa sa mga sofa roon. Inignora niya lang ang presensiya nito "Wala kana ba talagang matutuluyan?" untag nito. "H-ha?" aniya at nagtatakang napatingin dito. "Bakit hindi mo nalang gamitin 'yang katawan mo?" Gamitin ang katawan? Iniisip ba nito na katulad din siya ng mga nakakarelasyon nito? Na por que guwapo ito ay madali na siya nitong mauuto? Bumangon ang galit niya. "Hoy! Zac Montecillo. Kung inaakala mo na kagaya ako ng mga babaeng nababaliw sayo ay nagkakamali ka!" sikmat niya rito. Nangunot ang noo nito. Tila naguguluhan ito sa sinabi niya. "Ano? Ang ibig kong sabihin, gagamitin mo ang katawan mo sa paggawa ng mga gawaing bahay" paliwanag nito. Unti-unting rumehistro sa utak niya ang ibig nitong sabihin. "A-ah, gawaing bahay ba?" aniya. Ngalingaling batukan na niya ang sarili. Siya pala itong madumi ang isip. "Ano ba kasing sina— "Ah, w-wala. Iyong mga gawaing bahay expert ako dun," singit niya. Nahiling niyang huwag na sana nitong maalala ang mga sinabi niya kanina. Nakakahiya ka, Tricia! "Good. Dito ka titira kapalit ay gagawin mo ang mga gawaing bahay. Pero huwag ka'ng mag-alala, sasahuran naman kita," paliwanag nito. In short magiging katulong siya ng antipatikong si Zac Montecillo. Goodluck nalang sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD