"Wear these," inabot nito sa kanya ang white long sleeve polo at boxer short. Inabot niya iyon at dumiretso sa banyo para makapagpalit. Hindi na niya tinanggal pa ang pangloob na damit. Dinala siya nito sa tinutuluyan nitong condo. Nang makalabas ay napansin niyang ipinatong nito ang cellphone niya sa center table. Naiwan niya yata sa kotse nito kanina. "Drink this coffee para mainitan ang katawan mo," turo nito sa umuusok pang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi nito at inabot ang tasa ng kape. "I will not force you to talk about what happened but if you need me, you can always count me," bakas ang sinseridad sa tinig nito. Alam niyang marami itong katanungan ngunit nirerespeto siya nito. Napa-gentleman talaga nito kahit noon pa man. Bakit ba kasi hindi na lang ito ang nagustuhan niya?

