Zashee’s POV Gaya ng dati sumasabay na ulit ako sa magkapatid pagpasok ng school. Ang kaibahan lang si Clayv ang driver namin at salitan kami ni Shiela sa pag-upo sa backseat. Bumalik sa dati ang samahan namin. Ang mga asaran at kulitan, kahit minsan ay naaasiwa ako ipinagsawalang bahala ko nalang. It’s not time para mag-inarte, aalis na si Clayv and we have to make the most out of our time. Mas lalo kaming naging masaya nang ipanganak ang baby brother ko. My parents named him Zachary Nic pero tinatawag namin siyang Zan. Madalas sa bahay ang magkapatid at nakikikulit sa bagong silang kong kapatid kahit hindi pa siya masyadong aware sa paligid niya, nilalaro-laro namin. “Bantayan mo muna si Zan, baba lang ako saglit,” bilin ni Mama. It’s a Saturday kaya nandito lang ako sa bahay. Naka

