Zashee’s POV Habang lumilipas ang araw mas lalong lumalapit ang pag-alis ni Clayv. Totoo talagang doon na siya mag-aaral. Daddy niya mismo ang nagsabi kay Papa noong minsang pumunta sila ng bahay. Noong December, nagpunta kami ng boracay na hindi kasama ang parents namin para makapagbonding. Lima lang kami, kasama sina Damon at ate Denielle. It was fun. Buti at walang awkward moments. Mabilis natapos ang school year. Pagdating ng bakasyon halos araw-araw sa bahay ang magkapatid. There are times na nahuhuli kong nakatitig lang sa akin si Clayv pero hindi naman niya ako kinakausap pag kami lang. Bago mag-start ang klase namin ng August ang scheduled flight niya para in time sa opening ng klase sa Amerika ng September. _____________ “Kuya,” yumakap si Shiela sa kapatid niya ng mahig

