Zashee’s POV Pagkatapos ng panonood namin ng movie naging normal na ulit ang pakikitungo ni Clayv. Minsan iniisip ko, ako lang yata ang nagbibigay ng kahulugan sa mga ginagawa niya. Pinapakilig ko lang yata ang sarili ko. Mabuti nga at wala sila ngayong Christmas break, makakahinga ang puso ko sa kilig. Hehe! Dito kami sa Sta. Ines ngayong bakasyon sa bahay nina Lolo at Lola. Kasama din naming nagbabakasyon sina Tito Niccolo at ang asawa niyang si Tita Daniella kasama sina Damon at ate Denielle. Si ate Denielle, hindi kami masyadong close kasi malayo ang agwat namin, malapit na siyang mag-graduate ng college. Si Damon ang laging nangungulit sa akin, tanong ng tanong tungkol kay Shiela. “Huwag ka na nga lang magtanong ng tungkol kay Shiela. Hindi ka rin makakaporma, bubugbugin ka ni C

