Zashee’s POV Malalakas na katok sa pinto ang gumising sa akin. I looked at the clock, alas-otso palang ng umaga. Nakauwi na kami ng bahay at dalawang araw na lang ay balik-eskuwela na ulit. “Bezzz!!!” Malakas na sigaw ni Shiela ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto. Her arms are wide open. Yayakapin ko na sana siya nang bigla siyang napalayo sa akin. “Ako muna!” Clayv said laughing at mabilis akong niyakap gamit ang isang kamay niya habang ang isa ay pinipigilan si Shiela na makayakap sa akin. Napatawa nalang ako habang si Shiela naman ay pilit na hinahawan ang kuya niya. At dahil mas matangkad siya sa akin sakto lang sa leeg niya ang mukha ko. In fairness, ang bango-bango niya. Hehe! “Oh, tama na! Ine-enjoy mo na masyado ang yakap ko!” biro niya matapos ang ilang segundo. F

