Zashee’s POV I put the bracelet on my bag. Hindi ko alam kung susuotin ko ba iyon. Baka kasi pag nakita ni Shiela mag-usisa siya. Ganun pa naman iyon pag may bago akong gamit. Baka sabihin niya, kami na ng kuya niya. Kasi naman si Clayv, bakit ganun ang binigay sa akin? Aaminin kong kinikilig ako pero hindi ko naman kasi alam kung gusto niya talaga ako o ako lang ang nagbibigay ng malisya sa lahat ng pinapakita niya. Pansin kong sa tuwing susunduin nila ako, palihim na tinitingnan ni Clayv kung suot ko ang bracelet pero hindi ko nalang ipinapahalata. Tuwing lunch nalang din siya sumasama sa amin pero hindi siya masyadong nagsasalita. Unlike before na lagi niya kaming inaasar. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko sigurado kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Buti nga at hindi siya tu

