Zashee’s POV Tatlong araw na akong dito tumutuloy kina Shiela. Tumatawag naman sina Mama at Dad everynight kaya di ko sila masyadong nami-miss. “Shie, lagi ba talagang hindi dito nagdi-dinner si Tito Javer?” tanong ko kay Shiela. Nandito kami sa couch dito sa loob ng kuwarto niya at gumagawa ng assignment. Si Clayv naman ay nakaupo sa lapag at nakatutok sa TV. Mahina lang ang sound nun para hindi kami maistorbo. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang pumunta sa room niya at doon manood. Feeling ko nga minsan gusto niyang tumabi sa aming matulog. Hehe! Kung hindi lang siya tinatawag ni Tita Sheena hindi pa siya babalik sa kuwarto niya. “Oo, usually kasi nakikipag-dinner meeting siya,” tugon naman ni Shiela. “Ah okay, si Dad kasi laging umuuwi on time for dinner,” napapatango kong saa

