Zashee’s POV “Hi dad! Ang aga niyo po ah!” masayang bati ni Shiela kay Tito Javer pagdating namin sa bahay nila. Agad siyang yumakap at humalik sa pisngi niya. “Wala po kayong date ni Tita?” I asked smiling. Lumapit din ako at humalik sa pisngi niya. “Well, I was threatened by my son to bond with my future---” “Dad!” Hindi naituloy ni Tito ang sasabihin niya dahil biglang sumigaw si Clayv. Tito Javer laughed and winked at him. I looked at them puzzled. “Huwag mong pansinin yang mag-amang yan!” Tita Sheena said habang palapit sa amin. Galing siya sa kitchen at naka-apron pa. We kissed her on the cheek as a greeting. “Ikaw naman, ang babata pa nila!” she said glaring at Tito Javer. “Wala naman akong sinabing matanda na sila ah,” nakatawa naman niyang depensa. “Mom, dad! Please sto

