Zashee’s POV “Bez! Hello!!” Napatingala ako nang marinig ang boses ni Shiela. She is smiling widely habang palapit sa cubicle ko. “Hey! You look so serious! Pinapahirapan ka ba masyado ni kuya?” she asked at bumeso sa akin. “Loka! Why are you here?” tugon ko nalang. Ngumiti naman siya at ipinakita ang wristwatch niya. “It’s almost six, uwian na!” tugon naman niya. I look at her puzzled pero natawa lang siya. “Friday night out. Sinusundo lang kita,” she said chuckling. Alam ko namang lalabas kami ngayong gabi para mag-chill out pero mukhang napaaga yata siya. “Dali na, mag-retouch ka na. Babatiin ko lang si kuya saglit.” She said at tumalikod na para pumunta sa office ng kapatid niya. Inayos ko nalang din ang gamit ko. ______________ Heever’s POV I paced back and forth hab

