KABANATA 7

1076 Words
Pagdating sa bahay nila Vince ay sinalubong si Maia ng mga magulang nito. "Iha welcome home. Matagal ka din naming hindi nakita. Kamusta ka na?" Bungad na tanong ni Thelma, ang mama ni Vince. "Mabuti naman po Tita Thelma. Kayo po kamusta po kayo ni Tito Fred." "Mabuti naman kami iha. Mabuti at nakapunta ka dito sa amin." "Si Vince po nagsabi na inimbitahan po ninyo ako kaya hindi po ako nagdalawang isip. Tsaka namimiss ko na din po kayo." "Oo nga naman iha. Dapat ugaliin mo ng bisitahin kami at magiging parte ka na din ng pamilya." Namula naman si Maia sa sinabi ng mga magulang ni Vince. "Si Vince nga po pala?" "Ayun nasa kwarto, mukhang wala sa mood pagdating kanina eh. Hindi man lang kami pinansin. Umakyat na agad sa kwarto. Ang alam lang naman namin eh pumunta siya sa bahay ninyo dahil gusto ka sana sunduin. Nagulat na lang kami na hindi mo pala siya kasama. May nangyari ba iha?" "Wala naman po. Baka nagtampo lang po sa akin. Pwede ko po bang puntahan sa room niya? Saan po banda tita?" Tanong ni Maia dahil unang beses pa lang nitong makapunta sa kwarto ng binata kahit na naging nobyo na niya ito. "Unang room sa kanan iha. Katukin mo na lang. Mawawala tiyak. Ang tampo ng batang iyon kapag makita ka niya." "Sana nga po. Hindi naman po siya ganyan dati." Saad pa ni Maia na umakyat na sa taas para makausap ang nagtatampong binata. Kumatok siya ng marahan. "Sino yan?" Saad nito na papalapit sa pinto ayon sa pandinig niya na nanggagaling sa loob. "Hi." Bungad niya at nakangiti ng pagbuksan siya ni Vince. "Bakit ka umakyat. Diba ayaw mo akong makita." Nakakunot na noong tanong ni Vince kay Maia. "Ito naman ang suplado. I was here to apologize nung sa bahay ka kanina. Sorry na please." Nabawasan ang pagkakunot ng binata pero nakapamewang naman ito kaya hindi pa rin kumbinsido si Maia na ok na sila ng binata. "Hey what's with the long face. I said I'm sorry already. Ginagawa mo namang big deal ang lahat." "So kasalanan ko pa talaga kung bakit ako nagtampo sayo. Hihingi ka ba ng sorry o aawayin na naman ako. Hindi naman ata bukal sa loob mo ang paghingi ng sorry eh." Pagsusungit na naman ni Vince sa kanya. "Sorry na. Friends?" Lahad pa niya ng kamay dito. "No way. I will be your husband baby so I'm not gonna be a friend. I will be the love of your life." Saad pa ni Vince na lumapit na dito para yakapin siya na hindi niya napaghandaan kaya napasubsob siya sa dibdib nito. Nalanghap ni Maia ang pabango ni Vince na siyang pabango nito ng sila pa. Hindi niya nakakalimutan ang pabangong iyon na gustong-gusto niyang amuy-amuyin. "Naiinlove ka na baby?" "Hindi ah." Sagot ni Maia na tinulak ng bahagya ang binata na nakangiti na. "Pasok ka muna. Huwag kang mag-alala I will be a gentleman. Besides I will be your husband kaya dito ka din matutulog kapag kasal na tayo. Dito na din naman talaga maglalagi na pala before our wedding so I cannot wait to cuddle you baby." Pumasok na lang din si Maia sa loob para hindi na magtampo ang binata. Napansin ni Maia na ang ganda ng kwarto ng binata. Minimalist lang ang design ng kwarto. Nagulat siya ng may picture pa sila ni Vince na magkasama. Ang saya nila sa kuhang iyon. Naguguluhan na talaga siya sa mga natutuklasan araw-araw. "Ang saya natin noon diba. We will be happy also soon. Mas masaya na tayo. I will make sure na hindi mo na ako tatakbuhan." Seryosong saad ni Vince na lalong nagpagulo sa utak ni Maia. "Baba na tayo. Nakakahiya sa magulang mo. Baka ano isipin nila eh ang paalam ko lang naman makikipag-ayos ako sayo." "It's ok babe. Hayaan mo silang mag-isip ng kung ano-ano. Isipin na nila na gumagawa na tayo ng apo nila. Mas mabilis ang kasal kapag ganun." Saad pa ni Vince at niyakap na naman siya. Hinalikan din siya sa noo ni Vince. "Opps, nakakarami ka na. Tara na." Hinila na niya ang binata para bumaba. "Magbibihis muna ako baby kasi lalabas tayo after." "Ha? Saan naman tayo pupunta abir?" "Basta. Hindi ba pwedeng ayain ko naman sa date ang girlfriend ko na soon to be wife ko?" "Sabi mo eh. Tara na. Baka hindi na ako sumama sayo kapag nagbagal ka pa." "Mauna ka na sa baba. Unless gusto mo na ikaw magbihis sa akin." Tukso ni Vince sa dalaga. "You wish." Sagot naman ni Maia at lumabas na agad ng kwarto habang naririnig ang tawa ng binata. "Oh iha bakit hindi mo kasamang bumaba si Vince?" Tanong ng papa nito. "Magbibihis pa daw po siya." Sagot naman ng dalaga. "Maupo ka na iha, bababa naman agad yun tiyak at andito ka na." Makaraan ng ilang saglit ay bumaba na nga ang binata at ang gwapo sa suot nito. "Ang gwapo naman talaga ng anak ko." Saad ng mama nito. "Syempre ma anak mo ako eh." Pagbibiro ni Vince. "Diba iha gwapo ni Vince, bagay na bagay talaga kayo." Tango na lang ang isinagot ng dalaga at totoo namang gwapo ng binata. "Thanks baby." Sambit naman ni Vince at hinalikan pa sa noo ang dalaga na siyang kinapula ng mukha nito lalo na't nasa paligid lang ang magulang ng binata. "Iho namumula na si Maia. Masyado ka namang obvious na inlove sa kanya eh." Panunukso pa ng mama nito. "Syempre ma. Kasama ko na ang babaeng ihaharap ko sa dambana kaya sobrang saya ko. I will not let her go again. Not this time. I will make her fall in love with me more." "Yan naman talaga ang gusto namin Iho. Hindi yung kung sino-sino na lang ang dinedate mo. Thosw women who are not my type for you. Malaki ang lamang ni Maia kasi siya lang ang gusto namin para sayo. Hoping this relationship will last iho. Sana huwag mong saktan si Maia. Ako ang makakalaban mo, tandaan mo yan." "Kawawa naman ako, kalaban ko na agad ang sarili Kong ina. Don't worry ma, I promise to love my Maia beyond forever." Sagot ng binata at hinalikan si Maia sa pisngi na nagulat naman kaya namula uli ang pisngi. "Kain na tayo." Sobra ng nahihiya si Maia sa pagiging romantic ninyong mag-ina. Saad naman ng papa ni Vince kaya kumain na din sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD