Nagkwentuhan pagkatapos kumain ang pamilya ni Vince kasama na din si Maia sa sala. Nagpaalam na si Vince na ilalabas na muna niya si Maia para makapagdate naman sila. Namula pa lalo ang mukha ni Maia dahil sa panunukso ng mama ng binata.
"Iha huwag kang magsawang bisitahin kami dito sa bahay kapag free time mo ha. You are always welcome." Saad ng mama ni Vince.
"Wala pong problema tita."
"Mama na lang din ang itawag mo sa akin iha. Sa kalaunan din naman yun ang itatawag mo sa akin. Magiging masaya ako kapag dumating ang araw na naging manugang na kita."
"Tita naman talaga. Nakakahiya naman po kapag yun na agad ang itawag ko sa inyo."
"It's ok baby. Yun naman talaga ang punta natin eh. Ang maging mag-asawa tayo." Kindat pa ni Vince sa kanya.
Kinurot niya ng pasimple ang binata.
"Aalis na po kami. Baka gabihin po kami." Sambit na lang ni Maia sa mga magulang ni Vince at hinila na ang binata.
"What are you doing Vince Dela Fuente. You were such a headache to me."
"Yes soon to be Mrs. Dela Fuente. I am not a headache to you. I will be your husband. Gwapong asawa to be exact." Kinintalan pa nito ng mabilis na halik ang dalaga na siyang kinagulat nito.
"What was that for? Nakakarami ka na." Inis na saad ng dalaga pero deep inside kinilig naman siya pero ayaw niyang ipahalata kay Vince at baka lumaki pa ang ulo nito.
"I was just missing those years na nawala ka. Ang panahon na iniwan mo ako without saying anything. I just don't understand why you have to leave me without knowing what I've done wrong. I was so scared when you left. I suffered a lot." Madamdaming turan ng binata.
"You suffered a lot? Really? You suffered samantalang nakikita ko sa social media you were dating this and that. You were partying. That was not suffering. You were enjoying." Naiinis na tugon ni Maia.
"So you are my stalker baby. Wala na akong balita sayo kaya I'm trying to go out with random girls pero hindi ka naman mawala sa puso't isip ko kaya I know we will be together again. Lucky enough I found the reason for you to be with me forever."
"Whatever." Sagot na lang ni Maia at naiinis na siya kay Vince.
Naguguluhan na din siya sa mga sagot nito lagi. Parang lumalabas na siya pa ang may kasalanan sa nangyari sa relasyon nila. In fact ito ang nagloko kaya siya umalis. Hindi pa niya natatanong ang lalaki tungkol doon kasi wala pa siyang lakas ng loob para komprontahin ang lalaki dito. Parang bumabalik ang sakit na naramdaman niya ng araw na yun kapag naalala niya ito.
"Baby let's just be happy today. Tama na muna ang pagsimangot mo diyan. Sige ka papangit ka niyan." Biro ni Vince sa dalaga na nakakunot pa rin ang noo.
"Eh ano ngayon kung pangit ako. Maghanap ka ng maganda." Naiinis si Maia sa mga parunggit ng binata kaya nasasabi niya ang mga salitang iyon.
"Ito namang baby ko talaga. I'm sorry OK. Peace na tayo, please."
"Ewan ko sayo. Maghanap ka ng kausap."
Pinagsalikop na lang ni Vince ang kamay niya at ni Maia kahit ang isang kamay nito ay nasa manibela.
"Focus on your driving. Hindi yung lumalandi ka pa." Saad ni Maia habang binabawi ang kamay nito kay Vince pero hindi naman binitawan ng binata.
"Baby just this once. I wanna have your hand in mine. Please."
Hindi na lang nakipagtalo pa si Maia sa lalaki dahil na rin sa gusto niya ang pakiramdam na magkahugpong ang mga kamay nila.
Hinalikan pa ng bahagya ni Vince ang kamay ng dalaga ng nasa stop light sila.
" Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Maia dito.
"Relax baby. I will let your stress go."
"Siguraduhin mo lang." Inis na Saad nito sa lalaki pero may kaunting kilig na naramdaman sa kung ano ang pupuntahan nila.
Sa isang popular spa siya dinala ng binata.
"Wow. Ang tagal ko na ding hindi nakakapunta dito."
"You like it baby? Kaya kita dinala dito para mawala naman ang simangot diyan sa mukha mo. Lagi ka na lang aburido. Let me pamper you my baby."
"Hmmpph.. Ikaw lang naman ang nagpapstress sa akin eh."
"Sorry na baby. Kaya nga ako din gagawa ng paraan para mawala naman yan. Come on. Let's have a whole body massage first. I want to relax also."
Hinawakan na nito ang kamay ni Maia kaya hindi na lang pumalag ang dalaga dahil ayaw naman niyang mag-away sila.
Plus pogi points iyon kay Vince ang itreat siya sa spa kaya wala munang away.
Couple room ang kinuha ni Vince kaya magkasama sila sa room para magpamassage.
Masarap ang hagod sa katawan ng masahista kaya hindi napigilan ni Maia na makatulog. Ginising na lang siya ng masahista ng tapos na ang one hour massage sa kanya.
"Miss nasaan ang kasama ko?" Tanong niya dito na tinutukoy ay si Vince.
"Lumabas lang po ma'am. May tumawag kasi sa kanya kanina pagkatapos ng massage niya kaya lumabas siya. Sabihan na lang daw po kita."
Paglabas niya sa couple room. Naningkit ang mga mata ng dalaga ng makitang may kaharutan ang lalaki. Nakahawak pa ang babae sa bewang nito.
Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng dalawa.
" Are you done baby?" Gulat na tanong ni Vince at lumapit sa kanya para halikan siya.
"Yes." Inis na sagot niya. Alam na ni Vince na kapag one liner lang siya sumagot galit siya kaya umakbay na sa kanya ito.
"By the way, Helen this is my fiancee Maia. Maia baby, this is Helen. Ang kapatid ng may-ari nitong Spa. Nakita ko lang siya ng lumabas ako kanina kasi tumawag ang kaibigan ko when we are having our massage."
"Ok." Sagot na lang uli ni Maia at ngumiti lang sa pinakilalang Helen.
"I will not disturb you sweetie." Saad naman ni Helen at humalik pa kay Vince bago nagpaalam sa kanya.
"What was that? Nasa isang lugar lang tayo tapos lumalandi ka na?"
"Baby are you jealous?" Tanong ni Vince dito na ang lapad ng ngiti.
"Of course not." Iling naman ni Maia at umalis na sa tabi ng binata.
"Baby magpapa facial pa tayo. I will pamper you right." Habol niya sa dalaga at niyakap na ito.
Hindi na lang tuminag ang dalaga at nagpatianod na lang Kung saan siya dalhin ng binata.