Madami pang ginawa sina Vince at Maia sa spa kung saan nagtreat ang binata.
"Baby are you happy? I hope nag-enjoy ka sa treat ko."
"Yes, nag-enjoy ako. Salamat sa pamper day na ito." Sagot na Maia na bukal sa loob kahit nagseselos na talaga siya kay Helen pero hindi niya iyon aaminin kay Vince. Lalaki lang ang ulo ng binata.
"Salamat naman kung ganun. Let's have dinner first before kita ihatid."
"Ok. It's my treat now." Saad niya kay Vince.
"No baby. Ako ang treat nito. Don't argue anymore. I'm the man so ako dapat gumagastos."
"Sabi mo eh. Baka magtampo ang baby." Sabi ni Maia at biglang itinakip ang bibig sa gulat ng tinawag niyang baby si Vince.
"Nadinig ko yun baby. Tinawag mo akong baby. It was so nice to hear baby. Thank you." Saad ng binata at hinalikan siya sa noo.
"It was not an endearment OK. Tukso yun. Ang sabi ko baka umiyak ang baby. Hindi ko sinabi na baka umiyak ka baby."
"Ah basta para sa akin tinawag mo na akong baby. That is the most nicest word you said today baby. I love you." Saad ni Vince sa dalaga.
"Really mahal niya ako." Tanong ni Maia sa sarili.
"Oh natahimik ka baby. Kinilig ka naman. Eh mahal naman talaga kita eh. Hindi nagbago yun. Ikaw lang naman ang hindi makapagsabi ng ganun sa akin."
"Enough Vince. Nagiging isip bata ka na naman. Tara na hanap na tayo ng makakainan at ng makauwi na ako."
"Ang sungit na naman ng baby ko. Halika nga dito baby. Kulang ka lang talaga sa lambing eh."
"Tse. Bilisan mo na ang paglalakad at gutom na ako. Baka ikaw kainin ko."
"Gusto ko yan baby. Ang kainin mo ako."
"Bastos ka talaga. Hmmpphh." Sagot naman ni Maia at sinuntok ang binata.
"Aray naman baby. Hindi pa tayo kasal bugbog sarado na ako. Paano na lang kapag asawa na kita. Battered husband na pala ako."
"Eh di maghanap ka ng mapapangasawang iba."
"Hindi na. Kuntento na ako sayo baby. Kahit araw-araw mo akong bugbugin. Tatanggapin ko ang lahat ng pananakit mo."
"Ginawa pa akong masama nito. Tara na bilisan mo naman."
"Ito na po baby. Kakain na tayo."
Nakahanap sila ng isang fine dining resto na madaming kumakain kaya alam nila na masarap ang pagkain dito.
Pasta na lang ang inorder ni Maia at sinamahan na lang niya ng garlic bread at ice tea ang drinks niya.
"Yan lang ang kakainin mo baby?"
"Ok na sa akin to. Heavy meal naman. I'm good with this."
"Ok kung yan ang gusto mo. I just have rice and steak na lang. Nagutom ako eh."
"Anong dessert mo baby?"
"Meron ba silang cake? I'm craving for blue berry cheesecake."
"Meron naman ata. Order na lang tayo."
Pagkatapos umorder ng kakainin nila, nagpaalam na muna si Maia na magbabanyo.
"I'll just use the comfort room."
"You need company baby? Samahan na kita."
"No, I can manage. Saglit lang naman ako."
"Magpapaganda ka talaga for me baby ha. Don't worry. You are so pretty to me. Wala ng makakahigit pa." Saad pa nito sa dalaga ng kinuha ang kamay nito at hinalikan na kinapula naman ng mukha ni Maia.
"Puro ka kalokohan. Cr lang ako. Balik ako agad."
"Take your time baby. I'll just wait for our dinner."
Dumeretso na sa cr si Maia para makapagretouch at mag banyo na din.
"Hey pretty boy. I was looking for you for how many days now, andito ka lang pala."
Sabi ng boses na nagpalingon kay Vince.
"Hey Steffie, I was just busy." Sagot ng binata na panay ang tingin malapit sa cr.
Yumakap kasi si Steffie sa kanya ng tumayo siya. Hindi na ito bumitaw sa pagkahawak sa leeg ni Vince.
Isa si Steffie sa naging fling ni Vince na iniiwasan niya dahil na din sa pagiging obsessed nito sa kanya.
"Steffie wala na tayo. Haven't I said to you na I will be married soon. I am not free to anyone anymore and that's include you."
"It's still OK with me kahit ikakasal ka na. Hindi naman ako manggugulo. I will be just waiting kung kelan ka libre."
"It's not my thing Steffie. I'm faithful." Sagot naman ni Vince na pilit tinatanggal ang pagkunyapit ng dalaga sa leeg niya. Ayaw niyang abutan pa sila ni Maia at tiyak siyang maiinis na naman ito sa kanya. Baka umalis na naman ito.
"Steffie please stop. I'm not into you anymore. Tapos na tayo. OK. Please. I'm sorry."
Lalo pang humigpit ang yakap ni Steffie kay Vince at yun ang naabutan ni Maia.
"Uso na pala ang magloko ng paulit-ulit kapag nalingat ang kasama." Naiinis na saad ni Maia sa dalawa kaya biglang tinulak ni Vince si Steffie.
"It's not what you think baby. She's just a friend."
"May kaibigan na palang ahas kung makalingkis."
"Yes miss. And who are you?" Taray na tanong ni Steffie kay Maia na kinapanteng naman ng tenga ng huli.
"Ako lang naman ang fiancee ng kalandian mo. So tsupi. May date kami, ayoko ng may istorbo. Maghanap ka ng single diyan sa tabi-tabi. Huwag ang soon to be husband ko. Naiinitindihan mo? Mapapangasawa ko. So kung ayaw mong humalo ang balat sa tinalupan lumayas ka sa harapan ko. Pagbibigyan kita na makasama siya pero sa ngayon oras ko to kaya pwede ba lumayas ka na. Hindi bagay sayo magmakaawa. Maganda ka, gamitin mo sa tama." Naiinis na sambit ni Maia na kinatigalgal ng dalaga.
"Steffie umalis ka na. Binibigyan mo na naman ako ng kasalanan sa magiging asawa ko. Kapag ito nagalit sa akin mamaya. Magtago ka na sa saya ng nanay mo. Kahit babae ka hindi kita sasantuhin." Nagagalit na ding turan ni Vince.
"Sorry." Sambit na lang ni Steffie at dali-daling lumabas na ng resto.
"Ikaw namang lalaki ka. Kapag wala talaga ako sa tabi mo may babae na agad na lumalapit."
"Baby kasalanan ko bang lapitin ako." Ngisi ng binata pero mukhang takot naman kay Maia.
"Kumain na tayo. Mamaya na kita aawayin. Itong gutom ako huwag kang pasaway."
"Yes baby. Kain na tayo para lumamig ang ulo mo."
"Tse. Tumahimik ka at kumain ka na."