Chapter 15

772 Words
pagdating ni Tyron sa kanilang bahay,ay agad itong pumasok sa loob nadatnan niya ang kanyang mama sa may sala nakade-kuwatro pa ito sa pagkakaupo,larawan ng pagka-aristokrata ang kanyang ina,` `saan ka nanggaling Tyron?agad na tanong ni Isabel sa binata, hinatid ko si Laura sa kanila kaya medyo natagalan ako sa pag-uwi,sige ma,akyat na ako sa taas gusto ko ng magpahinga. Hindi! Mamaya kana pumunta sa iyong silid mag-usap muna taayo Tyron!importante. nilingon ni Tyron ang kanyang Ina,bakit ma?ano ang pag-uusapan natin?nagtataka siya sa inaasta nito. Nalaman ko na pinahiya mo raw si Trixie kanina sa school dahil lamang sa isang hampaslupang babae na yan.! Ano ba ang nangyari sayo ha?anak,hindi ka namin pinalaki upang magkagusto lamang sa isang mahirap. puwede ba ma!,huwag mong laitin ang nobya ko kung sino man yang nagsumbong sayo.puwes makakatikim siya sa akin pag nalaman ko kung sino man siya, Aba?sinasagot muna ako ngayon Tyron!dahil lamang sa babaeng yun,hindi muna ako nirespeto. Ako ang iyong Ina kaya dapat lang sundin mo ang lahat ng sasabihin ko,ngayon palang hiwalayan muna ang Laura ng yun!dahil hindi ko siya matatanggap sa pamilya natin. Ayoko mabahiran ng isang hampaslupa ang ating pamilya kung ayaw mong itakwil ka namin ng iyong papa !banta nito kay Tyron. Gawin niyo mama,kung yan ang gusto niyo! Ganun naba talaga kayo kasama para ilayo sa akin ang babaeng mahal ko? Mas gugustuhin ko pa ang maghirap kaysa pigilan niyo ako sa aking kagustuhan! Alam niyong sinunod ko lahat ng gusto niyo pero ngayon hindi na puwede,puso ko na ang nakasalalay dito. at kung yan ang gusto niyo sige kayo ang bahala!gawin niyo narin anak si Trixie ipalit niyo sa akin!dahil gusto mo naman siya diba? Pasensiya na mama,pero kailangan ko na magpahinga,pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa hagdan habang ang kanyang ina na si Isabel ay galit na galit hindi sa anak kundi kay Laura. ang babaeng yun humanda siya sa akin ng dahil sa kanya sinagot-sagot ako ng anak ko!makikita niya. Mukhang pera talaga sa dami ng lalaking estudyante sa eskwelahang pag-aari nila ay ang nag-iisang anak pa niya nakipagrelasyon ito. hindi na ito naghintay ng umaga,inalam ni isabel ang bahay nina Laura at ng makuha ang kumpletong address ay walang pakundawang pinuntahan ng mama ni Tyron ang bahay ng kanyang nobya,wala itong kaalam-alam na sumugod ang kanyang mama. nang matuntun ang apartment na inuupahan ng pamilya ni Laura ay nakangiwi ito habang tinitingnan ang medyo may kalumaan ng building. Ito ba ang buhay na ipagpalit ng kanyang anak sa kayamanan ng mga Andrada?nababaliw na talaga si Tyron kaya humanda ang babaeng ito may kalalagyan ang laura na ito isang ambisyosa. sakto naman na binuksan ni Laura ang pinto dahil pupunta siya sa tindahan ng mapagbuksan nito ang isang magandang babae. kahit na medyo may katandaan na ay taas noo pa itong nakititig sa kanya. Naasiwa siya sa paraan ng titig nito sa kanya. Ikaw ba si Laura?nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Opo maam,mawalang galang lang po! Sino po kayo? At bakit niyo ako hinahanap. Well.,ako ang mama ni Tyron na nobyo mo raw?madiin ang pagkasabi ni isabel sa dalaga. Nagulat naman si Laura sa narinig kaya,kahit nagkada bulol-bulol ang kanyang tinig ay pinapasok niya ito pero umayaw na pumasok si Isabel para itong nandidiri nakatakip pa ang kamay nito sa ilong. huwag na!para sa kaalaman mo nandito ako para sabhin ko sayo na layuan mo ang anak ko! Hindi ka nababagay sa kanya dahil isa kalang hampaslupa. Huwag mong pangarapin na magugustuhan ka namin dahil kahit lumuhod kapa sa harapan ko ngayon hinding-hindi kita matatanggap. Kung pera lang ang habol mo sa anak ko ito,kinuha ni isabel ang pera sa loob ng dala nitong bag at itinapon niya ito sa mukha ni laura ang tig iisang libong piso, hindi makahuma ang dalaga sa ginawa ng mama ni Tyron di niya akalain na kabaliktaran ang pag uugali nito sa anak. Kung kulang pa yan dadagdagan ko layuan mo lang ang anak ko!maliwanag mukha kana pera kaya gusto mong maging asawa ang anak ko?hayan ang pera pagkatapos lumayo ka ksama ang pamilya mo. Pagkuway tumalikod na ang ina ni Tyron at mabilis na naglakad papunta sa kotse nito hindi man lang hinayaan na magpaliwanag ang dalaga. Naiwang lumuluha si Laura unti-unti itong napaupo sa semento. Habang ang pera ay nagkalat sa sahig,walang awa ang mama ni Tyron. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya,ang magmahal ng di niya kauri,nasa lupa siya samantala ang kanyang nobyo ay matayog mahirap abutin pero minahal siya nito. Naguguluhan na napasandig ang ulo ni Laura sa dingding habang ang mata ay di maampat sa pag-agos sa kanyang pisnge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD