Chapter 16

1232 Words
Ang akala ni Laura ay walang nakakita sa ginawa ng mama ni Tyron sa kanya,ang di niya alam nakita ito ng kanyang ina, sobrang nahabag ito sa anak na si Laura,sobra na ang pagdurusa nito !bakit hindi parin sila tantanan ng mga problema? Nay,tawag ni laura sa kanyang Ina na may luha sa mata,kung may maitutulong lamang siya ay hindi sana magkaganito ang buhay ng kanilang pamilya. anak patawad hindi kita natulungan,wala akong silbi para narin akong patay. Walang magawa hindi kita naipagtanggol dahil nakakulong ako sa silyang de gulong na ito, Laura anak!sobra na ang paghihirap mo sa ating pamilya patawarin mo kami ng ama mo Laura. Nanay,huwag na po kayong magsalita ng ganyan masaya ako na napagsilbihan ko kayo na pamilya ko,kung sa tingin ng karamihan ay marumi ako matagal ko ng tanggap po yan wala akong pakialam. Kung ano man ang sabihin nila. Tayo parin ang magkakampi,wal ng iba,sandali nay,pupulutin ko lang ang mga perang nagkalat ibabalik ko ito kay Tyron bukas. Hindi dahil sa mahirap lang tayo ay kaya na nila tayong bilhin,at tapak-tapakan,kaya nga ako nagpursige na makatapos sa aking pag-aaral para maiahon ko ang pamilya natin sa kahirapan kesehodang tawagin nila akong pokpok, nagbebenta ng katawan mabuhay ko lang kayo inay,tumulo narin ang luha sa mata ni laura. niyakap ni Laura ang kanyang Ina pagkuwa'y sabay silang umiyak. Gusto ni Laura na sa paningin ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang paralisadong ina na matapang siya kaya niyang lampasan ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay,mula pa noong namatay ang kanilang ama. Isang batang-bata na Laura ang pumasok sa putikan para mabuhay ang kanyang pamilya. Pero ang totoo,pagod narin siya,sa walang humpay na problemang dumating sa kanila. Bakit napa ka lupit ng buhay? kung sino pa ang mahirap?ay siya pang lalong pinahirapan,at yung nasa taas ay lalo pang tumaas. Hindi naman niya pinangarap na mahalin ng isang Tyron Andrada,isang heartrob sa kanilang university mayaman,apo ng school kung saan isa siya sa scholar. Di naman niya sinadya na mahalin siya nito at ganun rin siya ang mahalin ito? Diba talaga puwedeng humalo ang langis sa tubig? Napa ka unfair ng mundo nagmahal lang siya bakit may hadlang pa. "Dios ko po"kailan pa kaya ako liligaya? Yun bang ,wala ng mga taong nasa paligid ang hahamak sa aking pagkatao. ******************************* samantala si Tyron nasa loob ng kanyang sariling silid walang kaalam-alam sa nangyari,nakahig ito na nakatingin sa kisame, nakikta niya ang mukha ni Laura,mahal na mahal niya ang dalaga hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang pag-ibig niya rito. Na kahit ang ina niyang si Isabel ay nagawa na niyang sagutin dahil sa inayawan nito si laura. Kinabukasan ay sinundo ni Tyron ang kasintahan nitong si laura,nagtataka siya kung bakit nanlalalim ang mata nito, laura,umiyak kaba kagabi?agad na tanong niya dito. Kunti lang Tyron, anong kunti? Bakit ano ba ang dahilan ng iyong pag-iyak? Hindi sinagot ni Laura ang tanong ng nobyo,bagkus ay binuksan nito ang bag at kinuha ang bungkos ng pera na sa tantiya ni Tyron ay malaking halaga. Ito tyron ang dahilan kung bakit ako umiyak kagabi! Ha?kanino galing ang pera na yan? Sa Mama mo. Ha???lalong nagulat ang binata sa sinabi ni laura. Ang ibig mong sabihin pumunta ang mama ko rito sa inyo kagabi ng diko alam? Oo,binigay niya ito sa akin kapalit ng pakikipaghiwalay ko sayo. Ayaw niya sa akin bilang nobya mo Tyron,hindi ko na kaya pati ba naman pamilya mo hinamak ang aking pamilya. Diko naman ginusto na mahalin mo ako at mahalin kita? di niya mapigilan na tumulo ang kanyang mga luha sa harapan ng nobyo,gusto niyang ipalabas ang sakit na nararamdaman kung hindi baka magkakasakit siya sa puso kung pipigilan niya ang kanyang nararamdaman. Sshh,tama na agad na niyakap ni Tyron ang nobya,hayaan mo kokomprontahin ko si mama kung bakit niya ginawa sayo ang bilhin ka niya para layuan ako. Pinunasan ng labi ni Tyron ang luha sa mata ni laura,tama na ,papasok pa tayo ayusin muna ang sarili mo. Sinunod naman ni laura ang sinabi ni Tyron. akala ni Laura at Tyron ok na? Hindi nila inaasahan ang mangyayari pagdating nila sa university,pagkabab palang sa kotse ay pansin nina Tyron at Laura ang panlilibak ng mga estudyante habang hawak ng mga ito ang kani-kanilang phone, halos lahat ng madaanan nila ay iisa ang reaksiyon kundi pangungutya. Hindi nakatiis si Tyron nagtanong siya sa kanyang mga kabarkada na kanilang nadaanan. Bro.ano bang problema? Bakit kung makatingin ang lahat ng estudyante dito ay para bang nakakadiri kaming tingnan. Bro.Tyron.alam na nila ang ano? Anong alam!pakilinaw nga. HA????ano ang ibig mong sabihin please...huwag kanang mambitin. Nakita mo ba ang mga hawak nilang phone? Oo,bakit?agad na sagot ni Tyron sa kanyang mga kaibigan habang si laura ay hawak nito sa kamay. Natatandaan mo pa si Mr.Tukinawa? Yung huling naging kostumer ni Laura. Oo,bakit naman hindi !gusto ko ngang patayin ang sadistang yun! Wala na siya dito sa bansa bro,pinauwi na sa japan. So ano ngayon ang problema? Ang problema tyron bago siya umalis,may iniwan siyang larawan. mga larawan ni Laura na tanging saplot ay ang dalawang parte ng mahalagang parte ng katawan ang natatabunan. nakuhanan niya si Laura ng mga larawan bago pa niya ito pinahirapan pati yung papasok na si laura sa banyo ay may larawan rin . Malaki ang galit ng hapon na yun sa inyong dalawa ni Laura dahil nakalkal ang baho niyang matagal ng tinatago. Remember,marami na siyang pinahirapan na babae hindi lang si Laura. At ang iba ay pinatay pa pagkatapos gamitin.kaya pinaalis siya ng bansa at dahil may pera hindi ito nakulong pero hindi na siya puwede mamalagi rito sa bansa natin. "Oh My God"? Totoo ba ito?kaya pala kung makatingin ang karamihan dito ay parang nandidiri kay Laura. Mas lalo pang hinigpitan ni Tyron ang pagkakahawak sa kamay ng nobya,alam niyang nasasktan ito. Saka tyron umabot na rin sa kaalaman ng mga guro at pinuno ng school na ito. Naawa kami kay Laura Tyron, baka makick-out siya sa university na ito or mawala ang scholarship niya sayang nangunguna pa naman siya sa listahan ng mga magtatapos na estudyante bilang tatanggap ng pinakamalaking karangalan sa taong ito. kalat na ang mga larawan niya halos lahat ng kuha niya ay nasa higaan,bago nilatigo siya mg hapon. hintayin niyo nalang na ipatawag si Laura sa dean's office,samahan mo siya Tyron nalulungkot na wika ng mga kabarkada ni tyron sa kanya. Siyempre,hindi ko siya iiwan mga bro.kung kinakailangan kausapin ko si Lolo gagawin ko!hindi nila puwdeng gawin yun kay laura dahil hindi nila alam kung ano ang pinagdaanan ng niya. eh,sa mga magulang ko alam naba nila? Malamang bro Tyron alam mo naman may pakpak ang balita,walang hindi malalaman ng pamilya mo dahil sa kanila itong unibersidad tsaka alam mo naman ang ugali ng iyong mama. Naku! Tyron sana hindi nila e drop si Laura sayang dalawang buwan nalang graduation na.tsk! Hayaan niyo gagawin ko ang lahat di lang mangyari ang mga iniisip niyo. Binalingan ni tyron ang nobya, Laura tayo na huwag muna silang alalahanin . Nandito ako di kita iiwan pangako yan. Pagkuwa'y niyakap ni Tyron si Laura sa harap ng mga kaibigan nito . Habang ang ibang estudyante ay di maiwasang maingget ang swerte naman ni laura . lumuluhang napayakap narin si Laura kay Tyron,ito lang ang tangi niyang sandalan sa lahat ng kanyang mga problema,napakapalad niya na nakilala niya ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD