Chapter 18

926 Words
Mabilis na nakalabas ng office ng Dean sina Tyron at Laura,mugto ang mata nito sa kakaiyak sa kayang sitwasyon. Nakasalubong nila ang kaibigan ni Laura na katulad niyang nerd noong hindi pa nalaman ni Tyron ang kanyang totoong pagkatao. gusto siya nitong kausapin pero mabilis ang lakad nila ng nobyo papaalis sa University. Tyron,wait saan tayo pupunta?pigil ni laura sa kamay ng binata. Kahit saan Laura basta mailayo lang kita sa mga taong mapanghusga at walang alam kundi ang laitin ang iyong pagkatao kaya bilisan mo paglakad. Kanina pa uminit ang ulo sa Mr. Tuazon na yun!kung di lang ako nakapagpigil kanina baka nakatikim sa akin ang matandang hukluban na yun! Tama naman siya Tyron diba? Bayarang babae naman talaga ako,nagkakilala tayo dahil sa trabaho ko,ang diko lang matanggap ay pati pamilya ko idadwit niya at ang scholarship ko na tanging alas ko upang makamit ko ang aking pangarap na maiahon sa hirap ang aking pamiya. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung mawala sa akin ang lahat ng aking pinaghirapan. Kaya nga andito ako Laura,huwag kang mag-alala tutulungan kita sa abot ng aking makakaya, maraming salamat Tyron,pero hanggang saan kaya ang kaya mong ipagtanggol ako?lalo na ngayon na di lamang ang pagiging mahirap ko ang dahilan ng iyong pamilya. kundi pati narin ang pagiging bayaran kung babae tiyak na mas lalo silang hindi papayag na mapunta ka lamang sa isang katulag kung nagbebenta ng katawan kapalit ay pera na bumubuhay sa aking pamilya. Please Laura,huwag munang uulitin na hamakin ang iyong pagkatao at wag kang mag-alala nasadlak kaman sa ganoong trabaho ay wala akong pakialam . Nakaraan na yun at ang harapin natin ay ngayon,di hadlang ang iyong karanasan dahil para sa akin isa kang mabait na anak,iniisip mo ang kapakanan ng iyong pamilya bago ang iyong sarili kaya tayo na pupunta tayo sa isang lugar kung saan doon makapag-isip tayo ng mabuti. Hayaan muna ai Mr.Tuazon may paglalagyan sa akin ang matanda na yun. dinala ni Tyron si Laura sa isa sa mga private resrt ng kanyang pamilya. Nasa maynila lang ito kaya madali lang sa kanila ang makauwi kung gugustuhin nila. Tyron kaninong resort ito?agad na tanong ni laura sa nobyo. Sa pamilya ko Laura ,huwag kang mag-alala pagkatapos nating mag-usap ay ihahatid na kita sa inyo. Sandaling nakalimutan ni Laura at Tyron ang kanilang problemang kakaharapin,ang mahalaga sa kanila ay ngayon. Sinulit nila ang mga oras na sila ay magkasama,ang dami nilang plano sa isa't-isa. Isa na dito ang plano ni Tyron na pakakasalan siya nito pagka graduate nila. At minsan pang naniwala at nagpaubaya ang dalaga sa mga pangako ng binata. Mahal niya ito ng walang pag-alinlangan. malaki ang tiwala niya kay Tyron kaya buong puso niyang ibinigay muli ang kanyang pagkababae,at nang mapagod ay pareho silang pagod na humiga sa malambot na kama. Pangako Laura,pagkatapos ng lahat ng pagsubok na dumating sa atin pakakasalan kita kahit na ano pa ang mangyari maraming salamat Tyron,ipinaubaya kona sa yo ang puso at buhay ko. Nakangeting niyakap ng mahigpit ni Tyron ang dalaga na para bang ito na ang huling pagkakataon na mayakap niya ito. Gabi na ng maisipan ng dalawa na umuwi,inihatid muna ni Tyron si Laura sa bahay nito bago siya nagpaalam sa dalaga. Laking pasalamat naman ng ina ni Laura na wlang nangyaring masama sa kanyang anak na panganay dahil hinahanap ito kanina ng mama ni Tyron hindi niya lang masabi sa binata. Sige po nay,mauna na ako,laura huwag kanang mag-alala ok? Nakangeting tuamngo naman si Laura sa kanya. pagdating na pagdating ni Tyron sa kanila ay agad siyang sinalubong ng kanilang maid,nagtataka siya kung bakit ganun nalang ang takot nito. Aling vina bakit po?ano ang nangyari?bakit ganyan ang ayos mo para kang binuhusan ng isang baldeng yelo sa lamig ng iyong kamay. Ano po ba ang nangyari? Eh,kasi Tyron,ang lolo mo ay nasa ospital. Huh?bakit ano ang nangyari kay Lolo aling vina. kanina Tyron nag-uusap ang mama at papa mo pati na ang Abuelo mo. Ikaw yata ang pinag-uusapan nila at yong laura ba yun? Basta pangalan ng babae at may sinabi ang iyong Mama na ikinaatake ng iyong Lolo kaya agad na dinala ang iyong ama sa pinakamalapit na ospita si Senyor Eduardo. Totoo ba yan Aling Vina? Oo tyron hindi ako nagsisinungaling. eh,ang mama nasaan? Andun sa sala hinhintay ka niya kaya puntahan muna ingat ka Tyron at baka mapano ka parang tigre ang iyong mama magkasalubong ang dalawang kilay,kanina pa nga ako binulyawan. Sige alng vina maraming salamat agad na pinuntahan ni Tyron ang kanyang mama,at tama ang sinabi ni Aling Vina na galit nga ito para itong gustong manakmal ng tao. Mama,agad na tawag ni Tyron sa inang mabilis na tumayo sa kinauupuan nito at wlang pasabing sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas. Walang-utang na loob,wala kang kuwentang anak! Tyron tuluyan ng pinaikot ng babaeng yun ang iyong isip. Tandaan mo pagmay nangyaring masama sa iyong Lolo Eduardo magkalimutan na tayo! Pero Ma, anong pero? Tyron,ang laki ng ipinagbago mo simula ng makilala mo ang pokpok na babaeng yun! Tingnan natin kung hanggang saan kaya mo siyang ipagtanggol kapalit ng kanyang mga pangarap at ang iyong paghhiwalay kaya ngayon palang mag-isip kana mahal kong anak. kami na iyong pamilya at kaya naming kalimutan ang nangyari kapalit ng iyong paglayo sa babaeng yun o si Laura na walang ibang ginawa kundi guluhin ang buhay mo. Tandaan mo pagsinuway mo kami mawawala sa iyo ang lahat ng mayroon ka ngayon kung si Laura ang pipiliin mo!mag-isip ka ng mabuti Tyron at sana maawa ka sa iyong Abuelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD