"Ma,ba't ang lupit niyo?
Ano ba ang naging kasalanan ko sa iyo?Bakit mo ako pinahirapan ng ganito!"
Hindi naman ginusto ni Laura ang maging mahirap at ang pasukin ang kanyang trabahong bumuhay sa kanyang pamilya.
Wala na siyang ama,kaya napasok siya sa ganoong trabaho,pero kahit na ganun ang trabaho ni Laura minahal ko siya dahil totoo siyang tao.
Kumpara sa iba mas nirespeto ko siya,ang tanong mo kung Bakit?dahil kakaiba siya mama!pinilit niyang makapgtapos kahit na sa gabi siya nagtatrabaho at pagka umaga naman ay pumapasok siya sa school,isa siya sa pinakamatalino sa aming klase.
Pero bakit,hinadlangan mo ang aming pagmamahalan mama.?
"Pinal na ang aming desisyon Tyron!kahit anong gawin mo,hindi na mababago ang aming desisyon.
Kung gusto mo pang maging bahagi ng pamilyang ito susundin mo ang lahat ng aming sasabihin,layuan mo si Laura Tyron!dahil siya ang dahilan ng lahat ng kaguluhan sa ating pamilya.
Paano kung ayaw ko?Ano ang gagawin mo?matigas na sabi ni Tyron sa kanyang ina.
Puwes!magsama kayo ni Laura na gagapang sa lupa.kahit limang sentimo ay wala kang makukuha sa amin Tyron at isa pa maaatim mo ba na mawala lahat ang sinasabi mong pinaghirapan ni Laura?dahil sa katigasan ng ulo mo?
mawawala ang lahat,ang pag-aaral niya at kahit saan siya mag-enroll ay wala ng tatanggap sa kanya dahil isa siyang maruming babae!
tandaan mo Tyron,makapangyarihan ang salapi kaya nitong gawin ang lahat ng gustuhin namin.
Nagugugluhan si Tyron sa sinabi ng kanyang Mama,paano nga kung totohanin nito ang banta,hindi pa naman siya tapos ng pag-aaral at kahit maliit na trabaho ay wala siyang alam .
Papaano niya mabubuhay si Laura at ang pamilya nito.
sinabunutan ni Tyron ang kanyang sarili,ang hirap ng sitwasyon niya,kaya iniwan niya ang ina pagkuwa'y pumasok na sa loob ng kanyang silid,magulo ang utak niya kaya nakalimutan niyang nasa ospital nga pala ang kanyang Lolo.
Habang ang Mama nito ay malawak ang pagkakangiti,nakikinita na niya na sila ang pipiliin ng kanyang anak,at hindi ang musimos na babaeng yun!
Sa loob ng silid ay bawat mahawakan ng kamay ni Tyron ay ibinato nito sa dingding,hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman napakahirap pumili.
Pareho niyang mahal si Laura at ang kanyang pamilya.
Ano ang kanyang dapat gawin?hindi niya maiwasan ang umiyak,nangako pa naman siya sa nobya na pakasalan niya ito pagka-graduate nilang dalawa sa kolehiyo at two months nalang magtatapos na sila sa kani-kanilang mga propesyon.
Dios ko,tulungan mo po ako,na magdesisyon kung ang tama kung gawin,nagugugluhan na po ako.parang awa muna bigyan mo po ako ng karagdagang lakas upang makapag-isip ng matino.
Sobrang sakit ang aking nararamdaman sa oras na ito.
pagkatapos magdasal ni Tyron ay nakabuo siya ng isang mabigat desisyon,lalayuan niya si Laura upang lubayan na ito ng kanyang pamilya.
Ok lang na kamuhian niya ako basta masiguro kong makapagtapos ang mahal ko at makamit nito ang lahat ng pinapangarap nito sa buhay,kahit na kapalit nito ay ang pagkawasak ng kanilang mga puso.
Pero bago yun dapat,sundin ng pamilya niya ang kondisyon na ibibigay niya bago layuan si Laura.
mabilis na lumabas ng kanyang silid si Tyron hinanap niya ang kanyang Mama,andun lang pala ito sa kinauupuan kanina,prominenteng nakaupo na para bang hinihintay ang kasagutan niya.
oh,ang bilis nama yata nakapagdesisyon ang anak ko?tila ba nang-iinis na pagsabi nito kay Tyron.
"Nakapagdesisyo na ako Mama,pero may kondisyon ako bago ko sundin ang mga sinasabi niyo!"
talaga anak?sige sabihin mo ang kondisyon na yan at gagawin ko layuan mo lamang ang babaeng yun!
"Una,huwag mong ipatanggal si Laura sa school na pag-aari natin,pangalawamananatili parin siyang Dean's lister at ang scholarship niya ay intact parin.
Pangatlo,linisin niyo ang pangalan ni Laura sa buong campus at pang-apat bigyan niyo siya ng sapat na halaga upang maitaguyod niya ang kanyang pamilya hanggang sa hindi pa siya nakahanap ng trabaho at pangh-huli tanggalin niyo si Mr.tuazon sa pagka Dean!nagkaintindihan po ba tayo?mahal kong Ina?"
Ano?gulat na sabi nito sa anak na binata.
lahat ng ito?gusto mong sundin ko ha?tyron ,
Yes,at pagkatapos lalayo na ako at hindi na magpapakita kay Laura katulad ng sinasabi niyo na babalik na ako ng states pagkatapos mong magawa ang mga kondisyon na sinabi ko Mama.
"Take it or leave it Mama?"
dahil sa kagustuhan nito na mapalayo ang anak kay Laura,ay agad na tumango ang Mama ni Tyron,Sige gagawin ko ang lahat ng ito basta mapalayo ka lang sa manggagamit na babaeng yun!
Walang inaksaya na sandali ang ina ni Tyron,iniwan nito ang anak at pumunta sa bangko nagwith-draw ito ng medyo may kalakihang halaga bago pumunta sa bahay nina Laura.
Makikita mong babae ka!mawawala na sayo ang anako,ambisyosa ka!gusto mong mapabilang sa aming pamilya.
samantala sa bahay nina Laura ay malayo palang tanaw na niya ang magarang sasakyan na papalapit sa kanilang tahanan,bigla siyang kinabahan ng mapagsino ang nasa loob ng kotse ang Mama ni Tyron.
Ano na naman kaya ang gagawin nito sa kanila?nagtatakang tanong ni Laura sa kanyang sarili.