Chapter 13

745 Words
Pagkatapos gamutin ang mga sugat ni Laura ay inuwi ito ni Tyron sa inuupahang apartment ng pamilya ng dalaga. Doon kita ni Tyron ang kahirapan ng kanyang mahal,nag-iisa itong binubuhay ang 4 na kapatid na kasalukuyang nag-aaral pa,at ang ina nitong nakakulong sa silyang de gulong. Mas lalo siyang humanga ng ikuwento ni Laura ang lahat ng nangyari sa buhay nito noong namatay ang ama ng dalaga,kinaya nitong lahat ang problema kesehodang pagbibigay aliw ang kapalit ng ikinabubuhay ng pamilya. At ang pagpupursige nitong makatapos sa pag-aaral,hindi biro ang kanyang ginawa.trabaho sa gabi at nag-aaral sa umaga. Bihira lang ang pumasok sa ganitong trabaho na iniisip ang edukasyon kahit nagbibigay aliw ito at tanyag sa tawag na magdalena. Isa pa sa nagustuhan ni Tyron kay laura ay ang pagiging mabait at responsable sa pamilya nito dagdag pa ang katalinuhan sa kinuhang kurso,kaya dapat lang sa kanya ang maging dean's lister. Napukaw sa mahabang pag-iisip si Tyron ng marinig ang pag-iyak ng ina ni laura. Pinapatahan ito ng dalaga,nanay tama na po,.ok lang naman ako. Tingnan mo naman andiyan ang hero ko,pilit ang ngeting ibinigay ni Laura sa binata dahil namanhid parin ang labi niya dahil sa pagkagat ni Mr.Tukinawa dito. Nang gigigil ito ang hapon sa labi niya hindi nito tinatanan hanggang sa hindi magdugo at nakitang umagos sa kanya bibig. Sobrang sabog si Mr.Tukinawa dahil gumamit muna ito ng cocaine bago siya nilatigo,kaya walang awa nitong pinadapo sa kanyang katawan ang latigong dala nito. Anak,patawarin mo ang nanay ha?kung hindi lamang ako nakulong dito sa wheelchair,di sana mangyari sayo ang sinapit mo ngayon. Bakit nay?matagal niyo na bang alam na hindi sa restaurant ako nagtatrabaho kundi sa isang bahay aliwan.yun bang naghihintay lamang ng costumer para ikama. Oo,matagal na namin alam ni Mica ang tunay mong trabaho,pero wala kaming karapatan na sumbatan ka!dahil ikaw ang tanging naghahanap-buhay at pinapa-aral mo pa ang iyong sarili. Tinupad mo lang ang iyong pangako sa iyong ama at ang pangarap mong makapagtapos bilang isang engineer. Ngayon malapit munang matupad anak salamat sa diyos na kahit ganito ang nangyari sa buhay natin,iniwan tayo ng inyong ama ng maaga ay andito parin tayo buo at matatag,ang lahat ng ito ay dahil sayo laura. Kinukutya man tayo ng mga tao lalo na ng ating mga kapitbahay,hayaan natin sila hindi nila alam kung gaano kadakila ang aking anak.laura mahal na mahal ka namin ng mga kapatid mo tuluyan ng humagulgol ang ina ni Laura,pati ang dalaga ay di mapigilan ang lumuha. Kahit si Tyron na lalaki ay lumambot ang puso ng makitang nag-iyakan ang mag-ina,sumabay narin siya sa pag-iyak. Kung napaaga sana na nagkakilala sila ni Laura baka hindi na nito dinanas ang kalupitan ng buhay. Masuwerte siya dahil ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig tapos paglalakwatsa ang kanyang inaatupag noong nasa abroad pa siya nakatira,samantalang ang mahal niya ang bata pa nito para danasin ang ganitong problema. Pagkatapos magpasalamat ng pamilya ni Laura kay Tyron ay umalis na ito at nangakong dadalaw-dalawin ang mahal na nobya. Siya na ang bahalang makipag-usap sa dean ng school sa hindi nito pagpasok. Nang tuluyan ng gumaling si Laura ay tinupad ni tyron ang pangako nitong magdi-dinner date sila sa labas,at pagkatapos mamasyal . Hanggang sa napagdesisyunan ng dalawa na pumasok sa isang mamahaling motel. Doon ay sabik na binigyang laya ang kanilang nararamdaman,iba ang ginawa nilang pagtatalik ngayon puno ng pangako at pagmamahal.wala ng pangamba sa puso ng dalaga na katulad dati.puno ng takot na baka madiskubre ng binata ang kanyang tunay na pagkatao na iisa lamang kanilang katauhan nina laura at cassandra. Tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig,ngayon nila napatunayan na mahal nila ang isa't-isa at sa bawat dampi ng halik ni Tyron sa katawan ng dalaga ay puno ng paggalang at sa bawat ginawang ulos nito ay nagpapahiwatig ng walang hanggang pag-ibig. Pagkatapos nilang magniig ay magkaharap na magkayakap ang dalawa. Nilaro-laro ni tyron ay itim na nunal sa gitna ng dibdib ni Laura. Alam mo laura ito ang pinakanami-miss ko sayo. Hmm,kaya pala kahit anung pag-iwas ko sayo ay buntot ka parin bunto't.birong totoo ng dalaga. Oo,dahil mahal kita,una palang kitang nakita at nakikilala alam kung may bahagi sa aking pagkatao na nagsasabing,ikaw na nga ang matagal ko ng hinihintay. Bilang pasasalamat ay niyakap ni Laura ng mahigpit si Tyron,sana nga wala ng katapusan ang kaligayahan na nadarama ko ngayon. Huwag sanang maging balakid ng kanilang relasyon ang pamilya ng binata. Sana tanggap nila ang pagkatao ko ,ang nakaraan ko.sana nga!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD