Dinampot ni Tyron ang malaking towel na nasa upuan at itinakip sa katawan ni Laura,pagkatapos ay binuhat niya ang dalaga palabas ng silid.
nakita nina Mamsy at Cleo ang papalapit na binata kasama si Laura na kalong nito,nag-uunahan sa paglapit ang dalawa.
Hindi mapigilan ni Cleo ang mapaluha sa nakitang sitwasyon ni Laura,maga ang labi nitong may sugat at nangingitim ang dalawang mata.
Dagdag pa ang latay ng latigo sa katawan ng dalaga na pulang-pula.
Hayop!asan ang hapon na yun ng mapatay ko ang hinayupak na yun!demonyo lang ang gumagawa ng ganyan ,ang manakit muna bago gamitin ang isang babae,galit na sabi ni Cleo habang ang baklang si Mamsy ay di makapagsalita.
Hindi niya akalain na isang sadista ang hapon na si Mr.Tukinawa.
Muntik ng mapatay nito ang pinakabatang g.r.o nila.
I'm sorry Tyron,hindi ko alam na miyembro ng sadism fraternity o yakuza ang Tukinawa na yun!kung alam ko lang hindi ko na sana binigyan ng babae ang hayop na yun.
kaya pala walang nagtatagal na nobya o asawa ito dahil sa sadista pala ang hapon na yan.
Ito ang tandaan mo Mamsy!oras na may nabali o napinsala sa katawan ni Cassandra isasama kita kay Tukinawa sa kulungan TANDAAN mo yan!
Takot na napatingin ang manager kay Tyron,kawawa naman ang beauty niya kung makukulong siya,tiyak dudumugin ng mga lamok ang makinis niyang balat ,ang mahal pa naman magpa-belo.
please, Tyron!huwag mo akong ipakulong,ipinapangako ko sasagutin ang bayad sa hospital sa pagpapagamot kay Cassandra pagsusumamong wika ng bakla.
Habang si Cleo ay di parin maampat sa pagtulo ng kanyang luha,nahahabag siya kay Laura,siya ang dahilan kung bakit napunta ito sa ganitong trabaho,bakit si Laura pa ang napunta sa sadistang hapon.
Siya tumanda na sa pagiging g.r.o,pero kahit minsan hindi pa siya nakaranas ng katulad ng sinapit ni Laura.
Ate Cleo,tama na,buhay pa naman ako wika ni laura sa mahinang tinig.
Tumingin ito kay Tyron,kita mo naman dumating ang hero ko,my knight in shining armour nakangeting turan nito sa binata.
ngayon hindi ako matatakot na ipakita sa iba ang totoong katauhan ni Laura o Cassandra dahil alam kung tanggap at mahal ako ng lalaking itinatangi ng aking puso.
Tyron,salamat sa pagmamahal mo na kahit na hindi ako ang tipo ng babae na maipagmamalaki mo at ng iyong pamilya ay minahal mo parin ako bilang isang tao,bilang isang babae at bilang katauhan nina Laura at Cassandra.
Niyuko ni Tyron ang kanyang ulo upang hagkan ang namamagang labi ng dalaga.
Mahal kita Laura o Cassandra,tanggap ko kung ano at kung sino ka ang mahalaga ay ang itinitibok ng puso ko ay IKAW.nangilid naman ang luha sa mata ng dalaga sa nararamdamang kaligayahan pati ang dalawang tao na nasa kanilang harapan ay napaiyak narin.
Pumihit paharap si Tyron sa baklang manager,Mamsy tumawag kayo ng pulis at ipakulong si Tukinawa dadalhin ko lang sa ospital si Laura upang magamot ang kanyang sugat.
Ok Tyron kaami na ang bahala sa hapon na iyon!kung aangal ipa deport niyo ng di na makapanakit ng iba pang babae.
But wait, Mamsy huwag na huwag niyong hahayaan na malaman ng media o press ang nangyari dahil tiyak magkakagulo ang pamilya ko ,at pagnalaman nila baka ilayo nila si Laura sa akin.
Saka ko na sasabihin sa kanila pag ok na ang lahat.
Sige Tyron kami na ang bahala,sisikapin namin na hindi lalabas ito sa kahit saan mang pahayagan.
Salamat pagtatapos ni Tyron sa kanilang usapan at nagtuloy-tuloy na ito sa kotse papunta ng ospital,tahimik naman na nakikinig si laura puno ng pangamba ang kanyang puso paano pag nalaman ng pamilya ng binata tapos di siya matanggap?
Ano ang gagawin ni Tyron kung papiliin ito kanyang mga magulang.Siya o ang Pamilya nito at pati ang scholarship sa eskwelahan na pag-aari ng mga Andrada ay nanganganib.
Mananaig kaya ang pagmamahal ni Tyron sa akin?nangilid ang luha sa pisnge ng dalaga,ngayon palang nangangamba na siya na baka mauwi sa pagkadurog ang kanyang puso kung sakali man na iiwan siya ni Tyron at ang pamilya nito ang pipiliin ng binata.
Dios,ko!huwag naman po sana,piping dalangin ni Laura.