Napa- sign of cross muna si Laura at huminga ng malalim bago pinihit ang seradura papasok sa loob ng silid kung saan andoon prominenteng naghihintay si Mr.Tukinawa sa gilid ng kama habang naghithit buga sa sigarilyong hawak.
Handang-handa na ito sa gagawin,ang latigong nakalatag ay di-gaanong mapansin dahil katamtaman lamang ang laki nito.
Tuluyan ng nakapasok si Laura sa loob,totoo nga ang sinabi ni mamsy sa kanya na mayaman ang kanyang panauhin,sa hitsura palang nitong singkit ang mata,at naninilaw sa malaking kuwintas sa leeg nito.
May hitsura kaya lang nakakatakot ang mabalbas nitong mukha dagdag pa ang may kalakihang tiyan nito na parang butete sa laki.
So,ikaw pala ang sinasabi ng bakla niyong manager?well,maganda ka,at gusto kita.
Pinasadahan siya nito ng tingin,parang hinuhubaran si Laura sa istilo ng pagkakatitig ni Mr.Tukinawa sa kanya.
At nagustuhan nito ang nakita,sa isip niya magandang paglaruan ang ganitong babae.
Pasado po ba Mr.Tukinawa?tanong ni Laura sa mestisong japanese.
Yes,magaling pumili ang manager mo at tiyak magiging masaya ang gabi ko sa katulad mo,sige pumasok kana sa banyo,sabonin mo ng mabuti ang iyong katawan pagkatapos ay sisimulan na natin ang orasyo!makahalugan ang pagkakasabi nito kay Cassandra.
Sumunod naman si Laura sa sinabi ni Mr.Tukinawa,naligo siya at nilinis ng mabuti ang kanyang katawan.
Samantala sa mga oras na iyon ay papunta si Tyron sa pinagtatrabahuan ni Laura,upang ipagpaalam ito sa manager na hindi papasok sa trabaho bukas ng gabi si Cassandra.
Dahil yun ang napag-usapan nila ng dalaga,na dinner date at mamasyal narin pagkatapos.
Ginawa niya yun upang malaman kung totoo ang kanyang hinala na si Laura at Cassandra ay iisa.matagal na niyang gustong malaman ang totoo at wala siyang pakialam kung iisa lang ang katauhan ng dalawa dahil mismong ang puso niya ang nagsasabi na iisa lang kanyang minahal.
Ito ang gusto niyang malaman kung bakit kailangan pang dalawa ang katauhan ng kanyang mahal na si Laura o si Cassandra.
Habang nasa banyo si Laura ay inihanda ni Mr.Tukinawa ang kanyang latigo hawak na niya ito.
Nakatayo ito sa gilid ng pinto kung saan andun si Laura sa loob naliligo.walang kamalay-malay ang dalaga sa nagbabantang panganib lumabas ito ng banyo na ang tanging suot ay bra at panty lang.
Wala sa hinagap niya na inaabangan ng hapon sa kanyang paglabas,tumikim ito ng cocaine kaya mas lalong naging high ang pakiramdam.
Pagkalabas ni Laura sa banyo ay agad na dumapo sa kanyang katawan ang latigong hawak ni Mr.Tukinawa,at dahil sa lakas ng paghataw nito sa kanya ay tumilapon ang dalaga sa gilid ng kama.
Nakangisi naman na lumapit ang lalaki upang buhatin ang dalaga papunta sa kama.
Nanginig ang buong katawan ni Laura sa hapdi ng latigo sa kanyang katawan hindi siya makahuma sa pagkabigla.
Nag-uunahang nagsilaglagan ang luha sa kanyang mata.
Mas lalo namang nademonyo ang utak ng hapon ng makitang lumuluha ang babaeng bayaran.
Inihanda nitong muli ang latigo upang ihataw sa katawan ng dalaga ,sumigaw ito ng malakas.
Huwag po,parang awa muna nakasiksik sa gilid ng kama si Laura pero parang bingi at tila walang narinig ang lalaki.
Tumawa ito ng malakas,at ang sabi,yan ang gusto ko magmakaawa ka ,ulitin mo,huwag po huwag po sinabayan nito ng malakas na halakhak
bumaba ng kama ang dalaga at mabilis pumunta sa pinto pero malas ni Laura naabutan siya ng latigo natumba ito at napasigaw sa sakit.
Kasalukuyan namang nasa counter ng pinagtatrabahuan ni laura si Tyron bigla itong kinabahan at para bang umi-echo sa kanyang pandinig ang boses ni Cassandra.
Parang nagmamakaawa ito,lumakas ang kabog ng kanyang dibdib sakto naman na nakita niya ang baklang manager.
Mamsy,asan si Cassandra?
Kaw pala Tyron,naku!may guest siya ngayon kaya maghintay ka na lang kung kailan sila matatapos.
Saan banda ang silid nila?
Naku? Tyron huwag mong sasabihin na guguluhin mo sila?matuto kang maghintay!mataray nitong pagkasabi sa binata.
Nairita naman si Tyron sa pabalang na sagot ng bakla kaya kin'welyuhan niya ito at inilapit ang mukha sa kanya.
Nasaan ang silid na pinagdalhan mo kay Cassandra?sagutin mo'ko ng maayos kundi babasagin ko ng aking kamao yang pagmumukha mo!
Nararamdaman talaga ni Tyron na kailangan ni laura ng tulong,nahintakutan naman sa banta ni Tyron ang baklang manager kaya agad na sinabi nito ang numero ng silid kung saan nandoon sa loob pinahirapan ang dalaga.
Agad namang binitiwan ni Tyron ito at sinimulang hanapin ang numero ng silid na sinabi ni Mamsy.
Habang sa loob tuwang-tuwa na pinaghahalikan ni Mr.Tukinawa ang dalaga nakahiga na ito ngayon sa kama habang ang dalawang kamay ay nakagapos sa magkabilaang gilid ng kama.
Paos na ang boses nito ,hilam sa luhat at dumudugo ang labi.
Habang ang katawan ni Laura ay may latay ng latigo ng makita ni Mr.Tukinawa ang lumabas na dugo sa labi ng dalaga ay huminto na ito sa paghampas ng latigo halos mawalan ng ulirat ang dalaga sa tinamo mula sa kamay ng hapon na sadista.
Akma na sana nitong gagamitin si Laura ng biglang bumukas ang pinto sinipa ito ng malakas ni Tyron kaya nabuksan ang nakalock na silid.
Malayo palang ay tanaw niya si Laura sa kama na naghihirap,kaya mas lalong dumoble ang galit ni Tyron,mabilis na dinampot nito ang latigo at hinampas ng ubod ng kaylakas kay Mr.Tukinawa nahulog ito sa kama.
Di pa nakuntento si Tyron ay nilatigo niya ito ng sunod-sunod hanggang sa mawalan ito ng malay.
Agad naman niyang tinanggal ang pagkakagapos sa kamay ni Laura at niyakap ng kay higpit naaawa siya sa sinapit nito ngayon niya napatunayan na mahal na mahal niya ito.
Tyron,tawag ni Laura sa mahinang tinig,patawarin mo ako bukas ko pa sana sasabihin sayo na ako at si Laura ay iisa.
Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin,napaiyak narin si Tyron habang yakap niya ang dalaga.
Mahal na mahal kita Tyron,patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko.
Ssshhh,huwag kana magsalita ang mahalaga ay ligtas kana,at para sa kaalaman mo tanggap ko kung sino ka man dahil alam ko noon paman na iisang babae lang ang aking minahal.mahal na mahal kita laura o Cassandra,ilalayo kita dito sa masalimuot mong mundo.