Chapter 10

977 Words
Biyernes ng gabi naghahanda na si Laura upang pumasok sa kanyang pinagtatrabahuan,ewax ba niya kung bakit bigla nalang siya kinabahan. Siguro dahil sa bukas ng sabado,ay yun ang gabi na magde date sila ni Tyron,sa katauhan niya bilang Laura at Cassandra. Napagdesisyunan narin ng dalaga na ipagtapat kay Tyron ang pinaka-iingatang sekreto niya gusto niyang malaman kung tatanggapin at mamahalin parin siya ng binata pag nalaman nitong iisa lang ang katauhan nina Laura at Cass. Ang hirap magtago ng sekreto parang sasabog ang isip at puso niya pagnasa harap o tabi ang lalaking nagmamahal sa kanya. Nararamdaman niyang espesyal siya kay Tyron,dahil hindi ito gagawa ng effort na kulitin siya araw-araw upang makausap at makatabi kahit na ipagtabuyan na niya ito palayo sa kanya. Gusto niyang maglulundag sa tuwa sa tuwing sinasabi ni Tyron na mahal siya nito. Ah,bahala na bast ang gusto ko lang matapos na ang pagpapanggap ko,ang hirap magkunwari o magbalatkayo. Lumabas ng silid si Laura at naabutan niyang nanonood ng tv ang kanyang ina. Nilapitan niya ito sabay halik sa noo. Nanay,papasok na po ako mag-iingat kayo dito ha?pangako aagahan ko ang pag-uwi ng makapasyal tayong lahat maya sa zoo diba yun ang pangarap ng mga kapatid ko. Oo,nga Laura yan lagi ang inuungot sa akin mga kapatid mo. Sige,nay! Bukas pupunta tayo sa zoo,teka asan ba si Micah? Nasa kaibigan niya nagpaalam yun kanina at ang sabi uuwi siya kaagad. Ah,ganun ba nay?sige,aalis na ako baka mapagalitan ako ng aming Manager pag late ako dumating sa trabaho. Kawawa naman ang panganay kung anak.,ikaw na ang tumatayong ilaw at haligi ng ating tahanan Laura,napakabuti mong anak ang laki ng pasasalamat ko sa diyos na ikaw ang naging anak ko. Wala kang kasing bait Laura,sana pagpalain ka ng maykapal. Asus,nanay huwag mo naman akong paiyakin?masisira ang make-up ko,biro ni Laura sa ina. Pinunasan ng kanyang daliri ang butil ng luhan na unti-unting lumandas sa pisnge ng kanyang Nanay. Sshhh,,tama na nay!ok?,hangga't kaya ko at kaya ng aking katawan na magtrabaho para sa inyo ang lahat ng ginagawa ko,dahil kayo ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Salamat anak, sige aalis na ako nay!paalam. Mag-iingat ka Laura opo,para sa inyo nanay,iingatan ko ang sarili ko. Nang makalayo sa kanilang bahay ay doon hinayaang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan,ayaw niyang makita ng kanyang Ina na isa siyang mahinang babae dahil siya lang ang lakas at tanging inaasahan ng kanyang pamilya. Tatay,kung andito ka lang sana siguro hindi ako nalugmok sa ganitong trabaho. masaya at buo siguro ang ating pamilya kung di ka maagang kinuha sa amin,sa pagka-alala sa ama tuluyan ng napahagulgol ang dalaga.nangako siya sa namayapang ama na tutuparin niya ang kanyang mga pangarap at aakuin ang responsibilidad na naiwan sa kanya sa pagkawala nito sa kanilang buhay. Hanggang sa sumakay siya ng taxi ay napapaluha parin si Laura di niya alintana ang panaka-nakang sulyap ng driver sa kanya.nagtataka siguro ito kung bakit siya umiiyak. Nang makitang malapit na siya sa pinagtatrabahuan ay pinara niya ito. Mama,dito nalang po at salamat. Nang makapasok ay agad siyang sinalubong ni Cleo,ang babaeng nagpasok sa kanya sa pinagtatrabahuan niya ngayon. Laura,mabuti andito kana,kanina kapa hinanap ni mamsy!alam mo naman na ikaw ang paborito ng baklang iyon,dahil isa ka sa mabenta dito. Samantala ako?palaos na,birong-totoo ni Cleo sa kanya, Ganun ba? Ate,sige magpalit muna ako ng damit.Oo,hintayin na kita dito para sabay na tayo papasok sa loob. Ok po Ate Cleo, naiwang napapailing si Cleo habang nakatingin sa papalayong dalaga,ang bata pa ni laura pero kinaya nitong lahat ang responsibilidad sa pamilya nito. Isa kang pambihira Laura..iilan nalang ang katulad mo. Nang makabihis ay sabay na pumasok sa iisang silid sina Cleo at laura. Sa labas naman ay di magkada-ugaga sa ka asiste ang baklang manager,holiday bukas kaya marami ang kanilang costumer. Isa na dun ang mayamang fil-japanese na si Tukinawa,isa itong businessman. Pero nakapagtatakang walang tumatagal na karelasyon at asawa ito. Kung ano man ang dahilan ay di na mahalaga yun,ang importante ay ang malaking halaga na ibabayad nito sa mapipiling babae na ikakama nito. Mr.Tukinawa! I'm glad to see you here,malanding bati ni Mamsy sa kakadating palang na panauhin. Really?? Yeah,Mr.Tukinawa!! Alright,gusto kung ibigay mo sa akin ang pinakabata at pinakamaganda sa lahat ng mga G.R.O,dito at bibigyan kita ng bunos pagnagustuhan ko ang ibibigay mo. Namilog naman ang mata ng baklang manager sa narinig,kaya dinala niya sa magarbong silid ang mayamang negosyante. Oh,Mr. Tukinawa,ito ang silid na pinili ko para sayo at sa ibibigay kong chikababes.papupuntahin ko nalang siya dito. Ok,i'll wait,huwag masyadong matagal. Sige diyan ka muna,nagmamadaling pumasok sa silid ng mga babaeng naghihintay ng kanilang guest ang bakla. Laura,bilis may costumer ka,mayaman ito kaya pagbutihin mo ha?ng dalawa tayong makikinabang. Ok,matipid na tugon ni Laura kay mamsy. Sa daan palang papunta sa silid kung saan andun naghihintay si Mr.Tukinawa,handang-handa na ito pati ang dala-dala nitong latigo. Namimiss na nito ang magparaos na may kasamang pananakit,at sisiguraduhin niyang makakaraos siya ngayong gabi. Isang sadista si Mr.Tukinawa hindi ito magiging masaya kung di niya makikitang may dugong umaagos sa katawan ng katalik,para siyang nasa alapaap pagkatapos angkinin at pagsawaan paulit-ulit ang katalik. Normal na sa kanya ang pagiging malupit sa kama,sinisiguro muna nito natugunan ang init ng katawan bago bitawan ang kaulayaw. Inilagay nito ang latigo sa ibabaw ng maliit na lamesa katabi ang lampshade na nagsilbing ilaw sa loob ng silid. Nasa labas na ng pinto si Laura,nakadama siya ng kaba,bakit kaya nakaramdam ako ng takot ,eh,matagal ko na itong trabaho pero ngayon lang parang gusto na niyang umatras. Diyos ko po! Ikaw na ang bahala sa akin,piping dalangin ni Laura. Gusto ng puso niya huwag nang tumuloy pero ang isip naman niya ay nagbabanta. Nagbabanta sa galit ni mamsy pag di niya ginawa ang gusto nito,baka tanggalin siya sa trabaho paano na ang pamilya niya at ang pag-aaral sa koliheyo. Ah,bahala na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD