Hapon magkasabay na naglakad palabas ng gate sina laura at Tyron,
hey!,Laura puwede ba kitang ihatid sa inyo?
Bakit?nakukulitan na talaga siya kay Tyron di man lang ito nakitaan ng pagkapagod sa kakasunod sa kanya.
Kahit ang kaibigan niyang si Nancy ay nagtataka na sa kanila,naalala pa niya ang sinabi ng kaibigan.
Laura,nanliligaw ba sayo si Tyron?napansin ko kasi buntot ng buntot sayo.pero infairness ang swerte mo ha?
Para ka ng tumama sa lotto pag naging boyfriend mo siya.
At bakit Nancy??
Eh,kasi naman Laura bukod pa sa napakaguwapo nito ay apo pa ito ng may-ari nitong university and takenote andaming magagandang babae dito ha?lalo na si Trixie yung modelo na halatang may gusto kay Tyron hindi niya pansin dahil sayo.
Samantalang ikaw?katulad kong nerd,natawa si Nancy sa huling sinabi nito.
Hoy! Laura yahooo!!iwinasiwas ni Tyron ang kanyang dalawang palad malapit sa mukha ng dalaga,tulala na naman kasi ito at nakatingin sa kawalan.tuloy natitigan niya itong mabuti at hindi nagkakamali malaki ang pagkakahawig nito kay Cassandra,di lang yun lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib katulad ng nararamdaman niya kay cass sa tuwing malapit ito sa kanya.
Sorry,may iniisip lang ako.Ano nga ba yung tanong mo kanina?
Ay! Hindi nga talaga nakinig,
ang sabi ko ihahatid na kita sa inyo,
ha?ah,eh!,di malaman ni Laura ang isasagot,kung magpapahatid siya kay Tyron baka makita nito ang kanyang pamilya.
Huwag na!salamat nalang ha?marami pa namang jeep diyan na puwede ko masakyan ,sige mauna na ako Tyron marami pa kasi akong gagawin pag-uwi ko sa amin.
Walang magawa ang binata kundi umuoo sa sinabi ni Laura,pero may nabuo siyang desisyon susundan niya ang dalaga upang malaman niya kung saan ito nakatira.malakas talaga ang kutob niya,ang kailangan lang ay umamin sa kanya si Laura..
Na makasakay ang dalaga ay pinuntahan naman ni Tyron ang kanyang BMW na kotse. hinayaan niya munang makalayo ito ng kunti bago pinaandar ang kanyang sasakyan.
Tumigil ang jeep sa gitna ng daan dahil may na red light,traffic ng mga oras na iyon.uwian kasi kaya ganun nalang ka traffic.
Umusad na ang mga sasakyan,ini-start ni Tyron ang makina ng kotse upang sundan ang jeep na sinasakyan ng dalaga ng biglang may sumalpok sa likurang bahagi nito.
Fuck!! mura ni Tyron habang ang kamay ay napahampas sa manibela,kamalas naman ufft!!
Bumaba naman ang driver na bumangga sa likurang bahagi ng kotseng minamaneho niya,humingi ito ng sorry at nangangakong ipapaayos ang bahaging nasalpok ng sasakyan nito sa kanyang BMW,regalo pa naman ito ng kanyang Lolo.
Sayang talaga ang pagkakataon na malaman niya ang bahay ng dalaga.
May araw rin na malalaman ko ang itinatago mo Laura,usal ni Tyron sa kanyang sarili.
Habang si Laura ay abot-abot ang dasal kanina,alam niyang sinusundan siya ng binata kaya laking pasasalamat niya na hindi na ito nakasunod.
Dios ko po!kailangan ko nabang sabihin kay Tyron ang totoo?matatanggap kaya niya ako.ang hirap maging mahirap pero mas mahirap ang may itinatagong sekreto lalo na ang kanyang pagkatao.lugmok na siya sa putik pero may pangarap siya sa buhay ang maibangon ang sarili mula sa kinalugmokang trabaho at mabigyang ng kaginhawaan ang kanyang pamilya.