Sa canteen magkaharap na nagmi mirienda sina laura at Tyron,maganang kausap ang binata palabiro ito kaya panandaliang nakalimutan ng dalaga ang pangambang malaman nito na si Cassandra at siya ay iisa.
ehem,pukaw ni Tyron sa dalagang nakatingin sa kawalan,kanina pa kasi siya nagtatanong sa dalaga.
helo? Laura nasa earth ka naba?yahoo!
Ah,eh,sorry Tyron ha?may iniisip lang ako,ano nga ba yung tinatanong mo?
Ay hindi nga talaga nakikinig,ang sabi ko kung may boyfriend ka naba?
Ha?nanlaki ang mga mata ni Laura sa pagkagulat,sa dinami-daming puwedeng itanong eh,kung may nobyo na ba siya.
Ano ba ang nangyari sa lalaking ito?takang-tanong niya sa kanyang sarili.
Nakatungo ang ulong sinagot nito ang tanong ni Tyron.
Sa tingin mo ba may magkakagusto sa akin?tingnan mo nga ako bukod na sa panget kung hitsura eh,napaka nerd ko pang manamit.tapos tatanungin mo ako kung may boyfriend na ako?
Why not?titig na titig si Tyron sa kanya.
Laura look at me,mando nito sa dalagang kaharap.
Bakit Tyron?tingin niya dito.~
hindi ka naman panget ah?sino nagsabi n'yan?ang totoo napakaganda mo laura kung di mo lang isusuot yang salamin mo sa mata,alam kung nagtataglay ka ng mapupungay na mata.
Akin na nga yang salamin mo akmang kukunin ni Tyron ang salamin ni Laura pero mabilis niyang iniwas ang mukha kaya sa leeg dumantay ang kamay ng binata
ramdam ni Laura ang init ng palad ni Tyron tila ba may kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat.
Ang hirap talaga kalabanin ng puso,dahil ito na mismo ang kusang lumalapit.
Samantala si Tyron di alam ang gagawin,iba ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon?tila ba pamilyar sa kanya ang init na nagmumula sa katawan ng dalaga.
Parang katulad ng kay Cassandra?biglang napaisip ito?ano kaya kung si laura at si Cassandra ay iisa?posible kayang magkatotoo ang kanyang hinala?
Pero pa'no?magkaiba silang dalawa,bulgar si Cassandra samantala larawan ng kalumaan si Laura sa ayos at pananamit ng dalawa ay talagang magkaiba.
Isang palaisipang hindi mawaglit sa kanyang isipan
hanggang punahin ito ni laura.
Tyron,ang kamay mo nakadikit parin!sa leeg ko
ah,sorrya ha?nadala lang ako kala ko kasi ikaw yung close friend ko,naalala ko kasi siya sa katauhan mo.nakangeting pahayag ni Tyron sa kanya
ganun ba?sige mauna na ako maya maya ay magsisimula na ang klase kaya maiwan na kita,pag-iiba ni laura sa kanilang usapan.
Hindi na nito hinintay na magsalita ang binata agad itong umalis kaya lang biglang nagsalita si Tyron.
Laura puwede ba kitang ligawan?i mean,gusto kita and i want you to be my girl.pls!
Nababaliw kana Tyron!humarap siya sa binata.
Bakit ako pa?sa nerd kung ito?papatol ang apo ng nagmamay-ari ng school kung saan isa ako sa pinapa-aral dito?
Tumingin ka sa paligid mo?maraming babae ang katulad mong mayaman ang nababagay sayo!andiyan si Trixie na patay na patay sa yo kaya plsss,tyron
leave me alone.!!!
Tinatanong mo kung bakit kita nagustuhan?b'coz your one of a kind Laura.
Naiiba ka sa lahat.
At yan ang katangian na hinahanap ko sa isang babae.
Patutunayan ko sayong totoo ako sayo!dahil puso ko na mismo ang nagsabing gusto kita laura.
Gusto?iba ang gusto sa mahal Tyron?
Oo alam ko,pero doon rin ang punta niyan,nararamdaman ko parang matagal na tayong magkakilala.
Diko lang alam kung saan o kung kailan tayo nagkita basta ang alam ko You are Special Laura,dito sa puso ko
para di ka mangambang lolokohin lang kita,iimbitahan kitang kumain sa labas.
A dinnerdate sa ating dalawa at pagkatapos ay mamasyal tayo at kung ok lang sayo manood tayo ng sine.
Hay naku Tyron,huwag mo namang isama ako sa mahabang listahan ng mga babae mo.
Hindi kita niloloko Laura?puwera nalang kung may itinatago ka sa akin kaya takot kang makasama ako ng matagalan?paghahamon ni Tyron sa dalaga.
Sabihin mo sa akin handa akong makinig.pangungumbinse niya sa kaharap na dalaga.
Abot abot naman ang nervious ni laura,sobrang kaba ang kanyang nararamdaman,makulit talaga ang binata talagang sinusubukan siya at parang nakahalata na ito na iisa lang ang kanilang katauhan ni Cassandra.
Huwag naman sana,piping bulong niya sa kanyang sarili.
Para di na mangulit ang binata ay pumapayag na itong magpaligaw sa binatang andrada.
Sige Tyron puwede kanang manligaw pero bigyan mo ako ng panahon na makapag isip bago ko sagutin ang mga inuungot mo.
Yes,tuwang sambit ng binata,sa wakas napa Oo,rin kita
so,pumapayag kana na kakain tayo sa labas ?
Mabilis na nakasagot si laura,NO,may gagawin pa ako kaya di ako free ngayôn pagsisinungaling nito sa binata.
Ok,so kelan ka free at puwede ma i date?
Next weekend mabilis nitong sagot,gustong iumpog ni laura ang kanyang ulo sa pader,ang tanga talaga niya ngayon lang niya naisip na ganun din ang sinabi niya kay Tyron nung kinausap siya nito bilang si Cassandra.
namilog ang mata ni Tyron sa narinig,ganun din ang sinabi ni Cass sa kanya.coincedence nga lamang ba na pareho ang mga sinabi ng dalawang babaeng malapit sa kanyang puso?o iisa tao lang sina Cassandra at Laura.well,walang sekreto ang hindi nabubunyag.
Okie,makahulugang ngumiti si Tyron sa dalaga .