bc

The Grim Reaper [Short Story]

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
killer
dark
bxg
mystery
scary
icy
campus
small town
supernatural
cruel
like
intro-logo
Blurb

jsuajanbahJJnznxjxkzkzksksjznzhzjzjzjznzbzbjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzjzkkskslsllslsksjsjzbzbzhzhjzuzzjjsnsnanajakjanahsjziisksjsjsjjsjsjsnsnsnsjjsjsjsjsiaoaiiakskskksksskskkskskakakakak.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Unfortunately, Yuri only have a month left to live due to his current situation." Natulala ako at muntik ng matumba ng maalala ang sinabi ng doktor kanina. Sinulyapan ko ang natutulog kong pinsan at naluha dahil sa kalagayan nito. Ang bata bata nya pa para mawala, limang taon pa lang sya para sapitin ang tadhanang iyan. Pareho kaming wala ng magulang at kapatid. Namatay ang ina nya ng ipinanganak sya at ang walanghiyang ama nya ay walang ibang ginawa kundi bugbugin siya kaya sinama ko ito at inampon ng mapag alaman ang sitwasyon nya. Nitong nakaraan buwan lang ay nanghihina sya akala ko nilalagnat lang sya at mawawala rin ngunit di ko akalaing umabot ito ng dalawang linggo at napag alaman kong nagka pneumonia sya. Hindi ko alam anong gagawin lumalala na ang sakit nya humantong na ito na kinailangan nya na mag oxygen para makahinga, sya nalang natitira kong pamilya. Ayoko syang mawala, tinuturing ko na rin syang kapatid. Umiiyak akong naupo sa labas ng kwarto. Nakatulala lang ako sa pader at isiniwalang bahala ang mga tingin ng mga tao na dumadaan. Nanghihina na ako wala akong lakas humarap kay Yuri baka malaman nyang lumalala na ang sitwasyon nya. Hindi ba pwedeng ako nalang ang nagkasakit? Pwede ko bang saluhin nalang ang sakit ni Yuri? "Hindi." Kung pwede lang sana mapakiusapan ang panginoon, handa akong saluhin ang sakit ni Yuri. "Hindi pwede." Wala naman akong kasintahan o pamilya maliban sakanya, tamang tama na ang 25 na edad para mawala. Nasaksihan ko na kung gaano ka ganda ang mundo, kaya Lord ako nalang. Wag ang batang Yuri ko, hindi nya pa nasulit ang kanyang pagka bata. "Hindi nga pwede." Napaekis ang kilay ko ng makarinig ng boses na kanina pa nagsasalita, tila hindi sinasang ayon ang mga pinapanalangin ko. Sa di kalayuan ay may lalaki roon na nakahoodie na itim nakatutok ang tingin nito sakin, may dala itong payong at nakangiti lang. Pinunasan ko kaagad ang luha ko dahil naweweirduhan ako sa tingin nya at agad tumayo. Hindi ako nagsalita dahil baka may suot lang syang earpods at may kausap, ayoko mag assume na ako ang kinausap nya. Papasok na ako sa silid, baka gising na si Yuri don at naghintay na sakin. "He dies today." napatigil ako sa paglakad ng marinig ang sinabi ng lalaki, hindi ko alam pero feeling ko ako ang sinabihan nito. Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin, wala akong pakialam kung ako ang kausap nya o hindi. Bakit ba siya narito? E huling silid na tong kwarto ni Yuri? "Excuse me? Ako ba ang kausap mo?" inis kong tanong sakanya. Tumayo ito ng maayos at inilagay sa braso ang dalang payong. "Yeah, that kid. Unfortunately, he'll die today." Dahil sa sinabi niya kusang gumalaw ang kamay ko at sinampal ito. How dare he curse someone!? And to think hindi kami magkakilala pa nyan ah! "Who the hell are you para sabihin yan!? Ni hindi nga kita kilala para sumpain ang pinsan ko! Wag kang feeling close! Bawiin mo ang sinasabi mo!" sigaw ko sakanya at kinwelyuhan sya. Ni hindi man lang sya kumurap, tila ba sigurado sa sinabi nya. "That's his fate." Gago ba sya? "Doktor ka ba para sabihin yan! Siraulo ka! Umalis ka nga dito! Bat ka ba narito? Umalis ka! Aalis ka o tatawag ako ng security?! GUARD!" tumataas na ang boses ko dahil sa pinaghalong inis, galit at sakit. Lumalabas na iyong ibang nakarinig dahil sa boses ko. "Miss, kumalma ka muna. Naiistorbo na kasi yung iba—" hindi ko na pinatapos ang isang ale ng pakalmahin nya ako dahil nag eeskandalo na ako dito sa labas. "Paalisin nyo ang lalaking iya—" sigaw ko ulit at ituturo na sana ang lalaki sa likuran ko ngunit wala na ito roon. Nasaan sya? "Nasaan ang gagong siraulo na lalaki na yun!?" inis kong sigaw dahil mukhang tumakas ito habang inaalo ako ng ale. "Miss wala kang kasama simula kanina, kaya nga nagtaka kami sino ang kaaway mo dito." napaatras ako sa sinabi niya at umiling. "Hindi! Nasisiguro akong may lalaki akong kausap kanina! Sinumpa nya pa ang pinsan kong mawawala ito ngayon! Nasampal ko pa nga sya! Baka tumakbo! Baka—" hindi ko natapos ang sasabihin ng marinig ang monitoring sa silid ni Yuri. Nagmamadali akong pumasok roon at nagtaka ng makitang unti unting humina ang heartbeat nya sa monitoring. "Teka anong nangyari?! Yuri! Yuri?! Huminga ka Yuri, doc! Doc!" sigaw ko ng mapansing naghahabol na ng hangin si Yuri habang nakatingin sakin. Tila nagpapahiwatig na magpapaalam na sya, agad akong umiling sakanya at napabitaw ng paatrasin ng doktor at nurse na kakapasok lang. Sini cpr pa nila ito at ginagamitan ng electric shock ngunit unti unti ng pumikit ang mata ni Yuri dahilan upang mapahagulgol ako. Hindi.. Hindi.. "Time of death, 7:23 pm." Tila nabingi akong lumapit sa katawan ni Yuri at niyakap ito ng mahigpit. "Wag mo akong iwan Yuri.. Paano nalang yung Disneyland natin?" umiiyak kong sabi ngunit kahit anong iyak ko at tawag sa pangalan nya ay wala na talaga akong nagawa pa ng hindi na ito gumalaw. Hawak hawak ko ang stufftoy ni Yuri habang pinapanood na nilipat nila ang katawan nya para dalhin sa morgue. May ibinigay pa na papel ang nurse na ififill up para sa proseso ng kung ano man yan ngunit wala akong lakas para sulatan ito. Galing morgue hanggang funeraria ay wala akong ginawa kundi matulala at hawakan ang kabaong ni Yuri, pinipilit na nga rin akong pakainin ng mga kaibigan ko ngunit tig isang subo lang kaya ko. Hanggang sa araw ng libing nya umiiyak lang ako at hindi umalis sa tabi kahit umalis na ang mga bisita. Napakasakit, hindi ko kayang magpatuloy mabuhay sa sakit. Pwede bang sumama nalang din sakanya kung hindi din naman sya mabubuhay? "Hindi pwede." Natigilan ako at tila napantig ang tenga ko ng makarinig ng pamilyar na boses. Agad akong lumingon sa pinanggalingan nito at sinamaan ito ng tingin. "Kasalanan mo to! Sinumpa mo ang pinsan ko!" sigaw ko sakanya, hindi na ako sumugod pa. Nanghihina na ako sa lahat ng nangyayari, pagod na ako. Ayoko na. Umiling ito bago tumingin sa kung saan inilibing ang pinsan ko bago nagsalita. "It's his fate, the only thing you need to do to help him is to accept his death so he'll be at peace." "Easy for you to say." bulong ko at naiyak na pinunasan ang luha. "Sino ka ba? At bakit ka nandito!? Nandito ka lang ba para ipamukha saking tama ang hula mo!?" inis kong saad na ikinailing nya bago humarap sakin, napaatras ako ng makita ng maayos ang mata nya. Kulay brown ito na parang papalapit na sa kulay ginto. Tumalikod agad ito at itinaas ang kamay na tila nagpaalam. "You'll get over it, see you around. Once it's your time."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Wrong Bride

read
975.1K
bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
105.9K
bc

He Cheated So I Did Too With My Obsessive Boss

read
4.7K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
9.3K
bc

The Bounty Hunter and His Phoenix Mate (Bounty Hunter Series Book 3)

read
66.0K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
635.6K
bc

Alpha's Instant Connection

read
652.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook