DIANA POINT OF VIEW "Ibaba mo naman si Baby Ivan dito kahit sandali," reklamo ko na kanina pa sinasang-ayunan ni Philie. Gusto niya ring mahawakan ang pate niya pero sinosolong masyado ni Phillip. "Mamaya-maya. Kumain muna kayo diyan." "Mommy, ang damot ni Daddy." Pagharap sa akin ni Philie habang nakabusangot. "Hayaan mo na," mahina kong sagot sabay abot sa kanya ng mamon. "Ayoko na nito, mie. Puro ito na lang po ang kinakain natin." "Ang daming ibang pagkain diyan, ah?" nakatinging sabi ni Phillip. "Daddy, ayoko ng pagkain. Gusto kong hawakan si Baby," reklamo ni Philie. "Sabi mo sa akin dati. Tayong dalawa 'yung mag-aalaga sa kanya pero ayaw mo naman akong isali." Inirapan niya ang daddy niya at humalukipkip na para bang nagtatampo. Tinignan ko si Phillip na nakatingin sa anak

