DIANA POINT OF VIEW "Bakit hindi kami pwedeng lumabas?" inis na pakikipag-usap na ni Phillip. Magkakatabi kami ngayon ng upo sa iisang couch at kanina pa siya pikon na pikon. "Kung may gusto kayong ipabili o ipakuha. Iuutos na lang natin sa kanila," sagot ni Q. "Hindi niyo kami preso." "Oo, pero buhay niyo ang prinoprotektahan namin dito." "Tatawagan ko si Harry. Sasabihin kong lumabas na kami ng hospital." "Ano? 'Wag na 'wag mo 'yong gagawin." Lapit ni Q. Tumayo na rin ang asawa ko. Pikon ang mukha at nakipagtaasan kay Q. Mas malaki si Phillip sa kanya kaya umatras siya. "Hindi niyo siya pwedeng tawagan." "Tinatawagan ko na siya," walang pakeng sagot ni Phillip. "Bwisit! Ang kulit!" "Hayaan mo na siya. Baka nga mas makakabuti 'yon sa ngayon," sabat ng babae. "Bawal po kayo

