DIANA POINT OF VIEW FLASHBACK "Pumayag ka na magpa-therapy?" Gulat niyang pasok habang nakatingin sa doctor na kalalabas lang. "Bakit nandito ka na naman?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Dinalan kita ng pagkain." "Talaga lang ha?" "Saka nami-miss ka ni Philie," nakangiti niyang palusot. "Maganda naman ang Margaret. 'Wag kang gaya-gaya," biro ko bago kunin ang inaabot niyang pagkain. "Pero mas gusto ko 'yung pangalan na napili mo." "Bahala ka." "Wala ka namang magagawa kung Philie ang itatawag ko sa kanya." "Oo na, bahala ka na nga." Hindi ko na siya pinansin. Ilang akong napapasulyap sa kanya sa mga tingin niyang kakaiba. Magkaibigan lang naman kami at nilinaw ko na 'yon sa kanya. Siya lang itong dalaw nang dalaw sa hospital na akala mo hindi busy na tao. "Kapag lumabas na k

