PHIL POINT OF VIEW "Philie, ayos ka na ba?" mahinahon kong tanong sa kanya habang hawak ko ang magkabilang pisngi niya. "Daddy, bakit yakap siya ni Mommy?" nakabusangot niyang tanong. Nakatingin pa rin siya kay Diana at doon sa batang maldita na 'yon. "Pababayaan mo na lang ba?" "Will, 'wag ka nang makisali." Pagbawal sa kanya ni Xander. "Philie, masakit pa ba?" Lapit ni Princess at umiling naman si Philie sabay punas ng luha. "Hayaan mo na siya. 'Di na lang natin siya bati," sabat naman ni Prince. Noong nakaraan pa ko hindi mapalagay dahil diyan sa mag-ama na 'yan. Simula nang makita nila ang asawa ko ay lagi na lang silang sumusulpot kung saan nandoon din kami. "Para silang nananadya," inis kong bulong. "Ipa-DNA test mo rin kaya. Baka may kakambal si Philie." Nakatitig din si

