PART 5

1037 Words
"Sigurado ka bang okay lang sa 'yo, Hon? Na iiwanan ko kayo ng anak mo?" naniniguradong tanong ulit ni Daniel sa asawang si Lena. Malungkot man ay tumango saka ngumiti si Lena. Yakag siya ng asawa palabas ng kanilang bahay. Nakasunod sila kay Hanna na bitbit ang bagahe ni Daniel pabalik sa Maynila. "Basta ikabubuti ng anak natin, Hon. Susuportahan ko ang mga desisyon mo," at senserong sabi niya. Hindi niya alam na dahil sa sinabi niya ay muling na-guilty si Daniel. Kaya ginawaran siya nito ng halik sa noo. Napapikit naman siya. Ninamnam niya ang mainit na mga labi ng asawa na dumampi sa noo niya. Naramdaman niya roon ang pagmamahal sa kanya ng asawa. Kusa nang tumulo ang kanyang mga luha. Sa unang pagkakataon kasi ay magkakahiwalay silang mag-asawa. Pero para kay Steffany ay iintindihin niya ang lahat. Titiisin niyang hindi muna makapiling araw-araw si Daniel para sa nag-iisa nilang anak. "Ate, Kuya, parating na 'yung tricycle," ani Hannna na pumukaw sa kanila. Mahigpit na niyakap na siya ni Daniel. Ginantihan naman niya ito ng mas mahigpit pang yakap. Saglit nilang pinagsaluhan ang yakap na iyon kahit ilang minuto lang. Aalis si Daniel para muling makipagsapalaran sa Maynila, kaya hindi nila alam kung kailan ulit sila magkikitang mag-asawa. Nasa Maynila palang sila noon ay napag-usapan na nila ito. Na ihahatid lang sila ni Daniel dito sa probinsya pagkatapos ay luluwas din ito pabalik para maghanap ng trabaho. At sa pagkakataong ito, nasa puso at isip ni Daniel na ang pagpapahalaga na sa trabaho. Na kung sakali mang mabigyan ulit ito ng chance na makahanap ng magandang trabaho ay sisikapin na nitong hindi na mawawala pa kailanman para mag-ina nito. "Ate, Kuya, nasaan si Steffany?" mayamaya ay basag ni Hanna sa kanilang pagsisimyento. Awtomatiko na kumalas sa isa't isa ang mag-asawa. Kapwa sila napakunot-noo nang mapansing wala nga si Steffany na sumusunod sa kanila kanina. "Ah, baka bumalik ulit sa kwarto. Binalikan 'yung manika niyang si Raj," ani Hanna bago pa man sila mag-isip ng kung anu-ano. Mabilis ang dalagang pumasok sa bahay para sundan ang alaga. At para hayaang makapag-usap pa sila. ••• Natataranta, kinakabahan, at nagtatakang ginagagalugad ni Steffany ang kabuoan ng kanyang kuwarto. Hindi niya kasi mahanap si Rajindi niya makita, gayung inilapag lang niya iyon kanina sa kanyang kama bago siya maligo. Nakalimutan lang niya itong damputin nang minadali siyang palabasin ng kanyang Ate Hanna. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Inosenteng napahalukipkip din siya. "Asan na 'yon?" at nahihiwagaang tanong sa sarili. Mayamaya ay umaliwalas ulit ang kanyang mukha. Meron pa siyang hindi nache-check na parte ng kanyang kama. Malamang ando'n na si Raj. Sa ilalim ng kanyang kama. Excited na lumuhod siya. Akma niyang sisilipin ang ilalim ng kama nang biglang may humawak sa kanyang balikat na maliit na kamay. Gulat na napaigtad siya. "Nasa akin si Raj," ani Edna na ngiting-ngiti sa kanya nang tingnan niya ito. Ang gulat sa mukha niya ay unti-unting napalitan ng kasiyahan. "Nagulat naman ako sa 'yo, Edna!" hawak niya ang dibdib na wika. "Sorry. Hindi ko sinasadya na gulatin ka, Steffany," senserong paumanhin ni Edna. "Okay lang." Nginitian niya ang kapwa bata. Dumako ang tingin niya sa yakap-yakap ni Edna na manika. Saka makahulugang tumingin sa mukha ng kaibigan. "Paano napunta sa 'yo si Raj? And how did you get in-" "Steff?!" Bungad na boses ni Ate Hanna niya kaya napa-stop siya sa pagsasalita. Paglingon niya ay nakapasok na agad ito sa kuwarto niya. "Aalis na ang Daddy mo, Steff. Halika na." Namilog ang mga mata niya. Muling nataranta siya. Nilingon niya ang kaibigan. "Ed--" Subalit naudlot ulit ang sasabihan niya nang kanyang balingan si Edna. Wala na kasi ito. Naglaho na naman na parang bula ang kaibigan niya. Umikot siya sa kinatatayuan pero wala na talaga ito. Napalabi na lang siya. Napaisip. Hanggang mapansin niya ang kanyang manika na nakalapag sa kanina'y kinatatayuan ni Edna. "Halika na, Steff! Ayaw mo bang magpaalam sa Daddy mo?" pukaw sa kanya ng kanyang Ate Hanna. Dahil do'n ay nawaglit ulit sa murang isipan niya ang pagtataka sa bago niyang kaibigan. Hawak-kamay sila ng kanyang Ate Hanna na lumabas sa silid niya. Yakap ng isang kamay niya si Raj sa dibdib. Pero kung lumingon sana pa si Steffany ay nakita niya ulit si Edna na nakukuntento lamang sa pagsunod ng tingin sa kanila habang palabas sila ng kuwarto..... ••• "May papatol naman kaya riya sa pakulo mo, Mommy? Sino naman ang mag-aaply sa'tin na katulong? Tingnan mo naman parang alang katao-tao rito," inarteng ani Chelle habang nakasunod sa kanyang Mommy. "Sa laki ng inilagay kong halaga ng sahod. Imposible na walang mag-aaply ulit sa'tin," tugon ni Alma sa anak. Palabas sila sa mansyon at patungo sila sa gate para isabit ang ginawang nilang anunsyo na WANTED MAID. Nakasulat iyon sa 'di kalakihang karton. Napabuntong-hininga si Chelle. "As if naman kung may ipapasahod ka talaga!" saka pasarkastikong anito na humalukipkip. "Will you shut up your mouth na lang!" iritang bulyaw na ni Alma sa anak. ••• "Take care of your Mommy, Baby ha?" suyo ni Daniel sa anak bago sumakay sa tricycle. Nalulungkot na tumango ang bata. "Don't be sad, Baby. Uuwi rin ako agad," ani pa Daniel na hinaplos ang pisngi ng minamahal na anak. "Babalik din agad ang Dkaddy, okay?" "Promise, Daddy?" Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Daniel saka mahigpit na niyakap ang anak. Isang halik pa ito kay Lena at ilang bilin kay Hanna ay sumakay na si Daniel sa tricycle. Ilang minuto nang wala ang asawa pero nandoon pa rin sa labas si Lena. Parang hindi siya makapaniwala na malayo na sa kanya ang asawa. Hindi siya sanay. Napasinghap siya. Pilit niyang pinapatatag ang sarili. Tama si Daniel. Kaunting tiis at sakripisyo muna sila para sa kanilang anak. Pumihit na siya sa pagkakatayo para pumasok sa bahay nang umagaw sa kanyang pansin ang dalawang babae na palabas sa gate ng kapitbahay nilang mansyon. Mukhang nagbabangayan ang dalawa. Ngunit sa hula niya ay mag-ina naman ang dalawa. At natuon ang kanyang atensyon sa dalawa hanggang makita niyang may isinabit ang isa sa gate na karton. Binasa niya iyon sa isip. "Nangangailangan sila ng katulong?" usal niya. Tapos ay unti-unti na siyang napangiti sa ideya na naisip........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD