PART 6

863 Words
"Oh, bakit ka nalungkot?" usisa ni Edna nang mapansin ang biglang pagtamlay sa kalarong si Steffany. Hinagod nito ang likod na kaibigan. Nasa likod bahay ulit sila na magkaibigan at nag-uusap. "Paano wala na nga si Daddy, magiging busy pa si Mommy," nakalabing tugon ni Steffany. Malungkot talaga siya. Pakiramdam niya kasi ay kay layo-layo na ng mga magulang niya. "Bakit 'asan si Mommy mo?" "Sabi ni Ate Hanna magwo-work din daw si Mommy tulad ni Daddy kaya kami na lang ni Ate Hanna rito sa bahay. Nasa malayo na nga si Daddy ay gabi ko na lang din makakasama si Mommy ko." "Gano'n ba. Okay lang 'yon nandito naman ako. Maglalaro tayo hangga't wala ang Mommy mo. 'Wag ka na malungkot." "Salamat, Edna!" Sumiglang wika niya. Nagbalik agad ang sigla niya. Tumayo siya sa ugat ng manggang kinauupuan nilang magkaibigan. "Buti na lang nakilala kita agad. Hindi ako masyado nalulungkot kahit wala na ang Daddy ko at busy naman ang Mommy ko." Hinarap niya ang kaibigan at ginanap ang mga kamay nito. Ngunit agad siyang may napansin. "Ang lamig naman ng kamay mo," wala sa loob na naibulalas niya. Binitawan niya ang mga kamay ni Edna. Ngumiti lang si Edna sa kanya. "Laro tayo ulit?" Tumango siya. "Sige pero ayoko na rito." "Ha?! Eh, saan mo gusto?" Nahawakan niya ang baba. Saan nga ba? Hindi pwede sa loob ng bahay nila kasi naglilinis ang kanyang Ate Hanna. Magagalit 'yon. "Alam ko na, Edna! Sundan natin si Mommy!" Pagkuwa'y excited na sabi niya. Pero biglang lungkot ang mukha ni Edna. "Sorry Steff, pero hindi ako pwede lumayo rito." "Huh?! Bakit naman?!" "Basta!" Walang ganang boses na tugon ni Edna. Binalingan nito ang manikang nasa gitna nilang magkaibigan. Dinampot nito iyon. "Huwag mo basta-basta iniiwanan si Raj," at anito sabay abot nito kay Steffany. Takang kinuha naman iyon ni Steffany saka niyakap niya sa dibdib ang manika. "Hindi naman malayo ang pinagtratrabahuan ni Mommy, diyan lang sa tapat. Diyan sa malaking mansyon!" Ta's turo niya. Napamata si Edna sa kanya. "H-hindi! Mapanganib do'n!" saka nababahalang anito na napatayo. Napalabi lang siya sa naging reaksyon ni Edna. "Masungit sina Tita Alma at Ate Chelle! Sasaktan lang siya ro'n!" Nahihintakutang ani pa ni Edna. "Kilala mo ang mga nakatira sa mansyon?!" napamaang na tanong niya sa kaibigan. Tumalikod si Edna para maitago ang nag-aapoy nitong galit sa mag-inang tinukoy. "Oo! Mga bad sila, Steff!" At pilit na pinahinahon nito ang boses na sagot. "But Mommy told me mababait naman daw sila." Nagtaka na siya. "Hindi totoo 'yon!" Singhal ni Edna sabay harap sa kanya. Napaatras siya sa gulat dahil sa matinding galit sa mukha ng kapwa bata. "Steff, hindi sila mababait! Maniwala ka sa'kin!" madiing wika ni Edna. Hindi siya nakaimik pero sa mga tinuran ng kaibigan ay nag-umpisang nakaramdam siya ng pag-alala para sa kanyang ina. ••• "Sige ikaw ng bahala rito sa mansyon, Lena. Aalis lang kami saglit, pagbalik namin sana ay malinis na ang lahat," bilin ni Alma sa bagong katulong nilang si Lena. Nag-apply kahapon si Lena at tinanggap naman nito agad dahil mukhang mabait naman si Lena. Tumango si Lena na may ngiti sa mga labi. "At sa'n tayo pupunta, Mommy?" takang tanong ni Chelle sa ina. "Kay Atty. Balbuena. Ngayon daw darating 'yung buyer nitong mansyon galing US kaya kailangan makilala natin siya," masayang sagot ni Alma sa anak. Sunod tingin si Lena sa paalis na mag-ina. Nasa hitsura niya ang pagtataka. "Ibebenta na pala ito. Sayang naman," sa loob-loob niya. Inilibot niya ang paningin sa sa kabuoan ng mansyon. Kahit luma na ay ka-aya-aya pa rin ang mansyon. Halata lang na hindi naalagaan. Mas na-excite siya na maglinis. Siguro ay mas gaganda pa ang mansyon kung malilinisan na niya ito. Nakangiting dinampot niya ang walis tambo. Tapos ay isinampay sa batok niya ang malinis pang basahan. Uumpisahan na niya ang paglilinis sa ikalawang palapag. Inisip na lang ni Lena na bahay niya ang mansyon para hindi siya mapagod agad. Maliksi niyang inakyat ang may kahabaang hagdan ng mansyon. Ngunit natigilan siya nang biglang lumangingit ang isang pinto ng kwarto. Nilingon niya iyon. Sa tingin niya ay iyon ang kwartong pinakamalaki sa lahat. Dahan-dahan ang paghakbang niya palapit doon. At anong gulantang niya nang bigla na lang may nagsalita sa loob kahit na 'di pa siya nakakasilip. "Pumasok ka," anang boses matanda na narinig niya mula sa kuwarto. Namilog ang mata niya. Natigilan. Ang alam niya kasi ay sina Alma at si Chelle lang ang nakatira rito, ayon na rin kay Ma'am Alma niya kanina. Nahihintakutan siya na napatitig sa pintong kahoy na bahagyang nabuksan. "Pumasok ka.." Narinig nito ulit na boses. Napalunok siya. At tila may sariling mga buhay ang mga paa niya na kusang mga humakbang. At pagpasok niya roon ay mas napakunot-noo siya sa nakita. Isang matanda ang nakaupo sa wheelchair ang nakita niya. Nakatalikod ito at nakatingin sa isang malaking larawan ng bata na nakasabit sa dingding ng malawak na silid . "Bagong katulong ka ba rito?" tanong ng matanda sa kanya. "O-opo," pilit na sagot niya. "Anong pangalan mo?" tanong ulit ng matanda. "L-lena po." "Ako naman si Donya Maria Cantos!" Ewan niya pero kinilabutan siya.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD