PART 7

588 Words
"Pwede bang pakisara mo 'yang pinto?" utos ng matanda kay Lena. Agad namang ginawa iyon ni Lena. "Salamat," sabi ulit ng matanda na nakatalikod pa rin. Nakaramdam ng kaba si Lena, nahimas niya ang mga braso. Hindi niya alam kung bakit tumindig ang mga balahibo niya sa katawan. "Uhmm.. M-madam, may kailangan po ba kayo?" lakas-loob na alinlangang tanong na niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagsisilbi niya sa matanda. Dahan-dahang pumihit ang wheelchair. Napalunok siya. Pigil-hininga niyang inantay ang pagharap ng matanda. At halos mapatalon siya sa gulat nang tuluyang masilayan niya ang hitsura ng matanda. "Aaaaahhhhh!" sigaw niya. Pakaripas ang takbo niyang tinungo ang pinto ngunit hindi niya magawa-gawang buksan iyon. Naiiyak siya sa pagkatakot. Ang matanda kasi! Naaagnas ang mukha! Nakakatakot! "May problema ba, Lena?" Narinig niyang tanong ng matanda. Nanginginig niyang nilingon ito. Hawak niya ang seradura ng pinto. Ngunit laking pagtataka niya nang malingon ang kinatatakutan. "Anong problema, Lena?" takang tanong ulit ng matanda. Kinurap-kurap niya ang mga mata. Ang kaninang nakakatakot na mukha ng matanda ay kabaliktaran na ngayon sa hitsura nito na nakita niya. Napamata siya sa maganda pa ring mukha ng matanda. "Nakakatakot ba ako, Lena?" nakangiting tanong pa ni Donya Maria. Umilin-iling siya. Napabuntong-hininga. Sa isip niya'y, namalikmata lang ba siya kanina sa nakita? Nakakahiya naman. "Ako si Donya Maria Cantos ang may-ari nitong mansyon, Lena." Nanlaki ang mga mata niya. "Naku sorry po Donya Maria, parang may nakita lang po ako kanina. Pagpasensyahan niyo po sana ako," paumanhin niya sabay yuko ng ulo. "Okay lang 'yon," mababang loob na tugon ng Donya. Napangiti siya. "Dito ka na una maglinis," utos ng matanda. "S-sige po." ••• "Steff, ang bigat naman ng manikang ito!" Angal ni Hanna nang kunin niya ang manika. Natarantang inagaw iyon ng bata. "H'wag mong hahawakan si Raj!" "Bakit? Eh, lalabhan ko sana 'yan. Tingnan mo nga ang dumi-dumi," aniyang nagtataka. Sunod-sunod na iling si Steffany. "Huwag na!" "Ay hindi pwede, utos ng Mommy mo na labhan ang manika mo!" "Ayoko sabi!" sigaw ni Steffany na nanlisik ang mga mata. Natigilan ang kasambahay. Natitig siya sa alaga. Nagtaka. "Hindi pwede! Lalabhan ko 'yan!" pero pilit niya sa kabila ng pagtataka. Pilit niyang inagaw si Raj kay Steffany. "Ibabalik ko rin 'to kapag natuyo na," aniya. Masama pa rin ang tingin ni Steffany. Nanlilisik ang mga mata nito. "Huwag ka nang magalit. Lalabhan ko lang naman 'to," alo niya sa alaga. Ngiting-ngiti niyang tinalikuran ang bata. Dala niya si Raj na manika palabas. "Mga bata talaga oo." Bubulong-bulong siyang tinungo ang kusina. Sa likod-bahay siya maglalaba. Pero nang tingnan niya ang manika ay anong silakbot ng dalaga. "Aaaaahh!!" sigaw niya ng pagkalakas-lakas. Ang manika kasi! Naging duguan ang hitsura! Nakakatakot! Naitapon niya ang manika sa kung saan. At nagtatakbo pabalik sa sala. Para siyang maloloka sa nakitang kakaiba. "Ate Hanna? Bakit mo tinapon si Raj?" Boses ni Steffany mula sa kusinang pinaggalingan niya. Dala na ng bata si Raj at yakap-yakap sa dibdib. Lalong naguluhan siya. "Ba't ka galing diyan?" takang tanong niya sa bata. "Eh, galing ako sa cr sa labas po," maang na sagot ng bata sa kanya. Umawang mga labi niya. Napatingala siya sa taas ng bahay. Paanong nangyari 'yon? "Ate Hanna, why po?" takang tanong ni Steffany sa kanya. "S-sino 'yung nasa kuwarto mo kung nando'n ka sa cr?!" "Po?!" "Kasi Steff, nando'n ka kanina sa kuwarto mo!" "Ang gulo mo naman, Ate. Paanong nandoon po ako, eh, umihi ako sa labas?!" Oo nga naman. Pero kasi.... Ah! Naguluhan na talaga siya!........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD