Abigail's POV
Hindi ko alam kung bakit yun ang kinanta ko. Nagustuhan ko kasi yung version ni leroy sanchez noong napakingan ko. Kaya kinanta ko.
Nagbow muna ako bago bumaba ng stage saka kinuha yung bag ko. Narinig ko naman silang nagpapalakpakan. Napangiti ako.
Nagpaalam na ako sa boss ko dahil kailangan ko ng umuwi dahil delekado na ang masyadong nagpapagabi sa daan lalo na babae ako.
Lumabas na ako ng RestoBar dahil sa nagmamadali ako. Habang naglalakad ako feeling ko may sumusunod sakin.
Binilisan ko ang paglalakad dahil sa abot ng kaba na nararamdaman ko. Pagkarating ko sa harapan ng kotse ko bubuksan ko sana ito pero may biglang humablot sa braso ko.
"Ano ba!" Sigaw ko. Tinakpan naman niya yung bibig ko. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas.
Pinaharap niya ako sa kanya kaya nakita ko nanaman yung mata niya. Para siyang americano na may hali na koreano. Medyo matangkad siya dahil hanggang balikat niya lang ako, kinailangan ko pang itaas ang ulo ko para makita siya.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko kahit hindi ko naman siya kilala.
"Inaakit mo yung mga tao kanina!" Galit na sabi niya.
Medyo nagsalubong naman yung mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Ano naman sakanya? Hindi ko nga siya kilala ee.
"Bakit ba!? Sino ka ba!?" Inis na tanong ko sakanya.
"Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ako." Sabi niya.
"One more thing, don't you ever try again that you do awhile ago. I own you abigail." Madiin na sabi niya.
Ano daw? Pagaari niya ako?! Baliw ba to?! Saka sa pagkakaalam ko walang nagmamayari sakin!
"No one who owned me!" Inis na sabi ko sakanya.
"Tsk. Try me, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." May galit na sabi niya kaya nagtaasan yung mga balahibo ko.
Umalis na siya, kaya pumasok na ako sa loob ng kotse ko saka na umuwi.
Walang nagmamayari sakin. Wala. Pagkauwi ko dumeretso na ako sa kwarto ko at natulog dahil sa pagod ako ngayon.