Abigail's POV
Nandito ako ngayon sa park malapit sa bahay namin, kaya nakapambahay nalang ako. Bali suot ko lang short short saka loose shirt.
Nagpasya ako na tumayo at maglakad-lakad sa park, napansin ko na may humintong itim kotse na malapit sakin.
May apat na lalaking lumabas mula sa kotse at nakikita ko sila na papalapit sakin.
"Ma'am may gusto pong kumausap sainyo." Sabi nung isa.
Nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi nila. "Sino po?" Tanong ko.
"Boss po namin. Kailangan niyo pong pumasok dun sa pangalawang kotse."
"Hindi pwede, kailangan ko nang umuwi." Pagdadahilan ko.
Tatayo na sana ako ng may pumigil sakin. Tumingin ako sakanila. "Ma'am kung ayaw niyo mapipilitan po kaming isakay ka." Sabi pa din nung nakausap ko kanina.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Fine." Sabi ko bago pumunta sa pangalawang kotse.
Pagkapasok ko sa kotse, isinara nung bantay yung kotse. Tumingin ako sa tabi ko dahilan matigilan ako.
"I-ikaw?" Nagtatakang tanong ko.
"Hello gail." Nakangiting sabi nito.
"Anong kailangan mo?"
"Nothing, mamasyal lang tayo." Sabi niya.
Umiling ako. "Hindi. Kailangan ko nang umuwi."
Bubuksan ko sana yung pintuan ng hinila nung lalake yung braso ko at may pinaamoy sakin.
Naramdaman ko na niyakap niya ako. "Let's go." Utos nito bago ako mawalan ng malay.
***
Pagkamulat ko sa mga mata ko ay napansin ko nasa kwarto ako, pero hindi pamilyar dahil halos white ang kwarto ko. Ito naman kulay black and white. Naalala ko nanaman ang pagkidnap nila sakin.
Tumayo ako at naglakad papunta sa may pinto pero nakalock. s**t!
"Palabasin niyo ako!" Sigaw ko saka pinaghahampas yung pintuan.
"Pakiusap buksa niyo ito!" Pagmamakaawa ko.
"Hindi kana makakalabas dito." Pamilyar na boses ang narinig ko.
Napatingin ako mula sa likod ko pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa madilim ang kwartong ito.
"Pakiusap palabasin mo ako dito kailangan ko ng umuwi samin." Pagmamakaaawa ko sakanya.
"I won't do that. You will stay here." Madiin na sabi niya.
Bigla ko siyang sinugod at pinaghahampas dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Please palabasin mo na ako." Pakiusap ko sakanya
"No! You will stay here!" Madiin na sabi niya saka lumabas.
Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa nararamdaman ko. Kailangan kong makaalis dito.