Hazel’s Pov NANDITO AKO sa bahay habang nang gigil kay Naomi dahil nasa bahay na naman ng pamangkin ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na hindi pumunta do’n dahil wala naman akong gagawin sa bahay nila ate. Wala akong palusot kung anong gagawin ko do’n. Pero kanina pa talaga umiinit ang ulo ko, nakaligo na nga ako para lang kumalma ang ulo ko. Wala sila mama at papa ngayon dahil nasa pwesto sila sa palengke.Sabado ngayon kaya walang pasok si Kane, kaya ang malanding Naomi ay pinuntahan talaga ang pamangkin ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang ate ko na alam kung nasa pwesto niya din. Naka ilang ring pa ako bago sagutin ng ate ko ang tawag ko. “Ate..“ bungad ko sa kabilang linya. “O, Hazel. Ikaw pala, bakit?“ Tanong ng kapatid ko. Tumikhim ako para mawala ang inis

