Hazel’s Pov DUMERITSO ako sa kusina para ilagay ang dala kong sopas para puntahan ang pamangkin ko. Pinaupo ko nalang si Naomi sa sala at hinayaan na lang siya manood ng tv. Umakyat ako sa hagdan at agad na dumeritso sa kwarto ni Kane. Hindi naman ako maliligaw dahil dalawa lang ang kwarto na nasa second floor, kay ate at kwarto ni Kane. Dahan-dahan akong kumatok sa pinto at hinihintay na pagbuksan ako ng pamangkin ko. Ngunit ang tagal akong pagbuksan kaya pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ‘to binuksan. Sumilip ako sa kwarto ng pamangkin ko at hindi ko siya nakita. Pumasok ako sa kwarto saka ko isinara ang pinto at inilock. “Kane..“ tawag ko sa pangalan ng pamangkin ko. Ngunit walang sumagot kaya naisip ko na baka wala talaga sa kwarto si Kane at hindi lang nakita ni Naomi na l

