Hazel’s Pov NAGSIMULA kaming mag inuman kasama ko si ate ko at ang dalawa kong pinsan. Si mama naman ay nandito din pati narin si papa. Wala ang asawa ni ate dahil pagod na daw siya aat gusto na daw matulog. Kanina pa kami nag iinuman at naka ilang timpla na din ng gin ang isa kong pinsan na ang galing-galing mag timpla habang sinisilaban ang bote ng gin. Hindi ko alam na may lahi palang magician ‘tong pinsan ko. Si mama ay umiinom din naman kaya masaya kami na nag bo-bonding. Si Kane ay nasa kwarto ko na at gumagawa ng assignment niya. Lumalalim na ang gabi at medyo tinatamaan na kami ng alak. Si mama at papa ay nauna ng pumasok ng kwarto dahil maaga pa daw sila bukas sa palengke. Medyo lasing naman din yung dalawa kaya hinayaan na namin. Inubos nalang muna namin ang huling tinimpla

