Hazel’s Pov NASA school ako ngayon ni Kane at katatapos lang ng parents meeting. Ako kasi ang pinapunta ni ate dahil wala daw magbabantay sa tindahan niya. Pumayag naman na din ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay namin. Nabo-boring naman na ako kaya ayos lang. Tapos na ang meeting namin kaya naglalakad kami ni Kane palabas ng classroom. Proud talaga ako sa pamangkin ko dahil sobrang talino niya. Puro mataas ang grado, hindi katulad sa ‘kin dati na naghihingalo ang grado. Kahit anong zoom ko hindi lalaki ang grado ko. “Ang talino mo talaga, Kane. Siguro yung mga totoo mong mga magulang ay matatalino din.” Papuri ko sa pamangkin ko. “Maybe. Pero nag aaral naman din ako ng mabuti.” Sagot ng pamangkin ko. Alam naman kasi namin na hindi kami matalinong pamilya. Si Kane talaga a

