Hazel’s Pov NASA kwarto na ako at agad na pumunta ng banyo para maligo. Kailangan ko lang palamigin ang ulo ko dahil nag iinit kay Naomi at Kane. Nagbuhos ako ng tubig saka ako nag sabon ng katawan ko. Nagtagal pa ako sa banyo hanggang sa matapos ako. Piniga ko lang ang buhok ko para hindi masyadong tumutulo. Kinuha ko ang t’walya na nakasabit sa likod ng pinto ng banyo saka ko itinapis sa katawan ko. Nag skin care na din ako habang nakaharap sa salamin na nasa banyo. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng banyo at agad na naglakad papunta sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko. Kumuha lang ako ng damit pantulog saka ko yun isinuot. Naglakad ako papunta sa kama habang pinupunasan ang buhok ko gamit ang t’walya. Umupo ako sa kama saka ko inabot ang remote ng aircon at binuks

