bc

The Road to Cherry Blossoms

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Selene Devina Fernandez, 26, graduated with a Bachelor's Degree in Secondary English planned to migrate in Japan with her long-term boyfriend, after achieving all their goals together her partner suddenly back out to their wedding leaving her alone. Selene, closed her mind and heart for love when suddenly came across with a man who directed her path teaching a teacher to define once again, what love is...

WARNING: This story features some few mature contents irrelevant to ages 17 below.

chap-preview
Free preview
Prologue
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to names, places, events, businesses and incidents, living or deceased or actual undertakings is purely coincidental or either the product of the author's mind generated to a fictitious manner. Please be advised that this story contains mature content and strong language. *** Prologue "Selene, congratulations I heard you're engaged already." My co teachers congratulated me. I looked at my engagement ring while smiling. Napakasimple, napakaganda. Hindi mo aakalain na sobrang mahal pala pero kung papansinin mo ang bato malamang ay masasabi na nang mata na mamahalin ang suot kong singsing. Patapos na ang klase, ngayon ay magkakasama kami sa faculty habang hinihintay namin ang ibang professors. Hindi na nakakapagod ang huling araw sapagka't wala nang klase at mga gawain kaya ang gaan nang naging huling araw ko. Sakto ay aalis na rin ako pagtapos ng dalawang buwan para manirahan na sa Japan kasama si Bry. "Saan nga pala gaganapin ang kasalan?" Tanong ni Ma'am Mariel, guro siya sa subject na Language and Society. "Baka sa Japan na rin po Ma'am." Nakangiti kong sagot. "Congratulations, Selene we're so happy for you hindi man kami makakapunta sa kasal mo but we wish all the good things in your life as well as your marriage." Nakangiting sambit sa akin ni Ma'am Mariel. Natapos ang araw, nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan kaya ginabi na ako ng uwi. Pagpasok ko ay sumalubong kaagad sa akin si Billie, ang alaga kong aso na napulot ko sa kalsada noong tuta pa lang siya. "Hello baby," agad na sumampa sa akin si Billie at hinalikan ako sa pisngi. "I'm home!" sigaw ko. "Love!" bungad sa akin ni Bryan, Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa'kanya, sinabayan iyon ng tahol ni Billie na tuwang tuwa na nandito na ang kanyang mga furparents. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang sobra, halos lahat ng mga pangarap ko ay natutupad na kasama ang lalaking pinakamamahal ko. Magiging tutor na ako sa Kyoto, Japan. Si Bryan naman ay makakasama na niya ang pamilya niya roon at magiging Engineer na siya sa kompanyang pinapasukan ng tatay niya na Head Engineer na ngayon. Napakasaya ko, lahat ng panaginip ko ay nagkakatotoo na. Lahat nang nasa plano ay umaayon na sa panahon at ikakasal na rin ako sa lalaking nakasama ko nang mahigit walong taon. Ngunit 'yun ang inaakala ko... Nagbago lahat simula nang makatuntong kami ng ibang bansa, biglang nagbago si Bryan. Planado na lahat pati ang kasalan pero nawala lahat nang 'yon. "Selene." "Bry, do you think I look better? Medyo slim and fitted ang dress masyadong emphasized katawan ko anyway it doesn't matter I worked out for this," natatawa kong sambit habang sukat ang wedding gown sa harap ng salamin ng aming kwarto. "Gusto ko rin light and simple make up lang ayoko nang sobrang kapal na make-up tapos dapat nakalugay ang mahaba kong hair, what do you think?" I asked him, I looked at myself on the reflection, the dress was fitted and long and it has long transparent silk leeves. Napansin kong hindi ni Bryan sinasagot ang mga tanong ko kaya tinignan ko siya sa may salamin. He was sitting at the corner of the bed with his head looking down, his brows furrowed at mukhang may malalim na iniisip. "Love, do we have a problem?" I asked the moment I turned around. I sat beside him as I took his hands and massaged them I even cupped the other side of his cheeks to make him look at me, "Is there something wrong?" "Yes." He said and looked away. "Then, tell me I will listen." I urged him to talked at nagsisisi ako bakit ko pa 'yon ginawa. "I think we should stop this as early as possible, Selene." My brows furrowed not understanding what he was trying to say. Ang bobo ko sa parteng 'yon na hindi ko agad naintindihan ang gusto niyang mangyari. "Ang alin? What do you want to stop? The venue? May problem ba sa church t'saka reception? H'wag mo nang problemahin ako na bahalang kumausap." Sambit ko. "No, not the venue. There's no- there is no problem. Selene, ako 'yung problema." Nakakunot ang kanyang mga noo habang ang mga mata niya ay may bahid ng hindi maipintang emosyon. Takot, sakit at kaguluhan. Iyon ang nababasa ko sa mga mata niya pero hindi ko maintindihan kung bakit. Ano ang rason bakit bigla siyang nagkakaganito? "Why? Please tell me, pag-usapan na'tin ang problema, love." I held his hand tighter. Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat na rin ng pakiramdam ko at halos parang kumakabog na palabas ang puso ko sa dibdib. "Selene, I'm sorry..." This time his tears fell on his eyes, mas lalong bumigat ang hangin sa loob ng kwarto at pakiramdam ko hindi ko dapat bitawan ang mga kamay niya ng mga oras na 'yon... pero siya ang bumitaw. He stands and brushed his hair, he looks so distressed and menaced. "Hindi ko kayang saktan ka, ayoko... pasensya ka na, Selene. Hindi ko- hindi ko rin akalain na aabot sa ganito... hindi ko maintindihan ang sarili ko, mahal kita nang sobra ayokong... ayokong mawala ka." "What are you saying? Hindi naman ako mawawala Bry, nandito ako oh? Nandito lang ako sa tabi mo hindi ako mawawala. Can't you see we're getting married soon nothing could ever break us apart." Nasasaktan akong makita na nasasaktan siya, masakit para sa'kin 'yon. Lumapit ako sa'kanya saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi, pinipilit kong tagpuin ang mga mata niya pero iniiwas niya ang mga 'yun sa'kin. "Selene, yun nga ang problema eh. Ako 'yung nawala, Selene... nawala ako, hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang... bigla nalang nawala, I'm sorry, I'm really really sorry." Hindi ko napansing tumutulo na rin ang mga luha ko sa mata, para na akong pinipiga sa loob sa 'di ko malamang dahilan. Ang alam ko maayos na lahat, okay na eh... okay na sana. "Itigil na na'tin ang kasal habang maaga pa." Sa mga sandaling 'yon parang tumigil ang oras at ang mundo. Nanigas ang mga katawan ko na halos 'di ko na maramdaman ang sarili ko. Para akong babagsak sa kinatatayuan ko pero pinilit kong itayo ang mga tuhod ko at prenteng tinignan siya sa mga mata. Nakatingin na siya sa akin ngayon pero ang mga matang 'yon, wala na... wala na ang dating Bryan na kumikislap ang mga mata kapag nakikita ako. Para nalang... para nalang akong estatwa kung tignan niya, pinilit kong galugarin ang dulo ng mga titig niya pero wala. Wala na. Para na lamang akong nakikipagtitigan sa isang dagat na sobrang lalim at sobrang dilim. Ang alam ko lang wala na ako doon. Ganunpaman, pinilit ko pa ring tibayan ang sarili ko kahit alam kong hindi ko na makita ang Bryan na kung titigan ako ay parang luluhod na't handang magpasalamat sa langit. "Ano bang pinagsasabi mo?" pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti, "ikakasal na lang tayo nagbibiro ka pa ng ganyan, matulog na nga tayo, dapat pala sinunod ko na 'yung pamahiin na binanggit sa akin ni Savannah 'yan tuloy nakahanap ka pa ng way para magbiro nang 'di oras." Matapos kong sambitin 'yun ay tumalikod ako at pinikit ang mga mata, nagdarasal na sana'y hindi totoo ang mga nakita at naririnig ko sa'kanya. "Selene, hindi ako nagbibiro." Sadyang mahina nga talaga ako kay Lord. At doon na niya binanggit ang mga salitang tumapos sa walong taon naming pagsasama. "My love has faded." My tears fell immediately and I felt that my heart was drowning into depth, I bit my lips as I tried to suppressed the sobs that wants to quiver away inside my chest. Agad ko siyang nilingon para tignan siyang muli, walang halong pagbibiro at talagang totoo ang mga sinasabi niya pero ayokong tanggapin. Tangina, kahit sinong nasa posisyon ko hindi magiging handa para sa ganito! At kasal ang pinaghahandaan ko hindi ganito. "Bry naman eh, h'wag naman ganito... Bry naman ayoko nang ganitong biro hindi maganda, huhubarin ko na 'tong gown tangina h'wag mo lang ako biruin nang gan'yan." Umiiyak na ako, alam ko ring hindi na s'ya nagbibiro. "Selene." He called me. He's keep on calling me by name and he didn't even call me Love... His love. Para akong sinasapak sa dibdib nang tawagin niya ako sa pangalan ko pero mas lalo akong sinapak nang doble dahil sa mga sinabi niya. "Hindi na kita mahal kaya itigil na na'tin 'to. Lahat nang 'to, Selene. Ayokong saktan ka pero mas lalong ayokong masaktan ka sa huli. Hindi ako ang lalaking dapat mong pakasalan dahil masasayang lang ang panahon mo sa'kin dahil nagbago na lahat... nagbago na ang nararamdaman ko, Selene." "Sana noon pa lang sinabi mo na 'yan e 'di sana hindi na tayo umabot dito. Alam mo Bryan gago ka," napahagulgol na lang ako sa harap niya pinilit ko pa ring tumayo sa sarili kong mga paa kahit pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay babagsak na ko, lalapit pa sana siya sa akin pero sinampal ko siya nang sobrang lakas, "napakagago." Nanghihina kong sambit. Agad-agad kong kinuha ang maleta ko at nilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag, hindi na niya ako mahal ano pa ang rason para manatili ako rito? Magmukhang tanga ganoon?! Walong taon kaming nagkasama tapos saka niya mari-realize na hindi siya para sa'kin? Ano ito, lokohan! "Selene, calm down please you don't have to do that! H'wag kang umalis kaagad." Pilit niya akong pinipigilan ngunit sinasalag ko lamang ang braso ko at itinutulak siya palayo. "Shut the f**k up Bryan James! You're a f*****g asshole! What do you want me to do, f*****g stay here? E 'di ba ayaw mo na so ano pang reason para manatilli ako rito huh? Ano pagmumukhain kong tanga ang sarili ko sa pamamahay na 'to? Tangina mo." Hinila ko lahat ng damit ko na nakasabit sa closet at inihagis sa loob ng maleta, hinawakan niya ako sa braso pero sinalag ko lamang iyon at inihampas ang hanger sa braso niya. "Putangina mo, h'wag mo ko hawakan! Walong taon Bryan, walong taon 'yon tapos saka mo lang na-realize na hindi ikaw 'yung para sa akin? Paladesisyon kang gago ka. Pinagdesisyunan mo lahat, plinano mo kong pakasalan tapos ngayon mo sasabihing ayaw mo na? Mas lalo mong sinayang ang panahon ko dahil pinaasa mo ko sa ganitong paraan, sa... sa kasal na pinangako mo pero sinira mo rin sa huli. Ngayon pa lang sinasabi ko na, wala kang kwentang lalaki, parehas lang kayo ng tatay ko!" I took everything I had that night. "Billie, let's go." Kinuha ko ang leash ni Billie at hinatak ang dalawang bag at maleta ko palabas ng bahay namin. Pinigilan pa niya akong lumabas pero buo na ang desisyon ko. Tinapakan na niya ang pagkatao ko nang sobra, ano pang rason para manatili ako doon? May dignidad pa akong tinitira para sa sarili ko. Napakasakit nang ginawa niya sa akin, sana pala ay sinaksak na lang niya ako o 'di kaya ay nilunod na lang dahil walang gamot sa sakit na binigay niya sa akin at alam ko habang buhay 'tong tatatak sa akin. Takbuhan ko man ang nakaraan naming dalawa alam kong patuloy pa rin ako nitong hahanapin pabalik sa sakit na dinulot niya sa akin. Ibinigay ko naman ang lahat pero nakwestyon ko pa rin ang aking sarili. Ano ba ang kulang sa'kin? Hindi ba ako naging sapat?' Alam ko ang mga kwestyong 'yon ang pinakamasakit na dalahin na bibitbitin ng isang babaeng katulad ko. Walang kasing sakit ang makwestyon mo ang iyong mga pagkukulang at kung ano ang mga bagay bakit hindi ka pa rin sapat kahit lahat nang sakripisyo, pang-unawa at ang iyong sarili para magtagal lamang ang relasyon ay ibinigay mo na, inubos ko ang sarili ko sa'kanya pero buti na lang ay may paninindigan akong pinanghahawakan. Oo, kahit gabi na lumabas ako ng pamamahay na suot pa ang dapat na wedding gown na susuotin ko sana sa loob ng simbahan at hindi sa labas ng kalsada, hawak ko ang leash ni Billie habang hinihila ang maleta sa may kalsada. Napaluhod na lamang akong lumuluha sa may daan, talaga ngang pinagsakluban ako ng langit at lupa ng mga oras na 'yon. Sobrang sakit at durog na durog ang puso ko. Wala na akong pakealam kahit pagtinginan ako nang maraming tao, mas lalong wala akong pakealam kung bumaha ng luha rito sa Kyoto. Dahil nalunod na ako sa sobrang sakit nang ginawang pagtalikod sa akin ng dapat na groom ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook